“Boss, tama na ‘yan,” bulong ni Doughs sabay hila sa kanya. Naiwan si Mia na noo’y nangangatog na ang mga tuhod. Napakapit pa ito sa dingding habang papaupo sa bench. “Boss, hindi mo siya pwedeng sindak-sindakin nang ganyan. Mas lalo lang ‘yang matatakot sa’yo,” bulong ni Doughs habang naglalakad sila papalayo. Pasimpleng nilingon ni Anthony si Mia.Nakatungo na ang ulo nito sa sahig habang nagpapahid ng luha. Gusto niyang pagsisihan ang kaninang ginawa niya pero iyon lang ang nakikita niyang paraan para mapasunod niya ang dalaga, ang iparamdam dito ang kahalagahan niya. “Excuse me, Ma’am. Kayo po ba si Mia?” biglang napalingon si Mia sa boses na nagmula sa tagiliran niya. Isang babaeng naka-unipormeng puti ang lumapit sa kanya. “Ako nga po,” malungkot niyang sagot. “Kailangan daw po

