Tumayo na ako at naglakad patungo sa pinto. Rinig na rinig ko ang sigawan nilang dalawa at ilang beses na pasasalamat. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakasunod lamang ang dalawa sa akin habang ako naman ay nakatuon lamang ang aking atensiyon sa daan. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Lumipas ang ilang sandali at nakarating na rin kami sa aming silid aralan. Nanatili lamang akong tahimik habang ang dalawa naman ay patuloy sa pakikipagdaldalan sa aking mga kaklase. Inilabas ko ang librong kakailangan ko ngayon saka inilibot ang aking paningin. Na una kaming pumunta rito nila Athena dahil ayon kay Forrest ay may dadaanan pa raw sila at baka mahuli sila sa klase. Ayos lang daw kung sila lang dalawa dahi

