Isang malamig na kamay ang naging dahilan ng aking paggising. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at inilibot ang aking paningin sa paligid. Sino ba kasi itong taong ‘to. Labis ang aking pagtataka na nasa isa akong lugar na kulay puti lamang ang aking nakikita. Walang kahit ni isang kagamitan akong mahanap o kaya ay kahit isang tao man lang. Nasaan ako? Bakit ako nandito? Sino ang nagdala sa akin dito at sino iyong bigla na lang humawak sa aking balikat. Kung walang ibang tao rito bakit bigla ko na lang naramdaman ang malamig na kamay? Nagsimula na akong maglakad kahit wala akong ideya kung saan ako patungo. Pareho lang naman ang buong paligid, wala ka naman ibang makikita bukod sa malawak na kapatagan na ito. Ano na naman kaya ang trip ng dalawang iyon. Sino na naman kay Morr

