Ilang sandali pa ay na tapos na rin ako. Agad akong lumabas ng banyo. Nakahinga rin ng maluwag, pagkatapos ko ay kinuha ko na ang aking tuwalya at maliligo na. May History class kami ngayon at tinatamad akong pumunta sa Dining Hall kaya mainam na sigurong ako na lang ang magluto ng umagahan namin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Pagkatapos ko sa dapat kong gawin at magbihis ng uniform ay lumabas na ako sa aming silid. Wala pang tao rito, siguro ay tulog mantika pa iyong dalawa. Mabuti na lang, nang sa gano’n ay makakaluto ako ng tahimik. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa aming kusina. Inilibot ko muna ang aking paningin at tinignan kung ano ang pwede kong lutuin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nasaan kaya rito ang mga ingredients? Ayon s

