“Wala lang,”pagsisinungaling ko sabay pikit ng aking mga mata, “Hindi mo ba na isip na bihira lamang itong mangyari? Kaya sino ba naman ang hindi magtatanong tungkol sa bagay na ito. Isa pa, kakaiba kaya iyan. Baka magawan ko pa ito ng report sa isang subject natin.” Isang nakakarinding sigaw ang aking narinig mula sa aking tabi na naging dahilan ng aking pagbangon. Masama ko itong tinignan habang siya naman ay mabilis na tumayo at tumakbo. “Gagawin ko muna ang report ko!” Kita mo ‘to. Inuna pa ang balita bago ginawa ang dapat niyang gawin. Napapailing na lamang akong humiga at bumuntong hininga. Tahimik ko lamang ninanamnam ang katahimikan nang bigla na lang may lumabas na imahe sa aking isipan. Ang puno na kung saan ako tinawag ni Ham kanina. Ano meron doon? “Anastaschia, iha.” Mab

