Lumipas ang ilang sandali at nakarating na rin kami sa labas ng dorm namin. Totoo nga iyong hindi kami sinita. Iba talaga kapag mga Maharlika ang mga kaibigan mo. Alam mong lahat ng pwede niyong gawin ay lulusot at lulusot talaga.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng isang pinto. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin dito pero sa tingin ko naman ay may rason ang mga ito. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hinayaan ko na lamang sila sa kung ano man ang pinaplano nilang gawin. Nanatili akong nasa likuran nila at hinihintay kung saan kami papunta. Lumipas lamang ang ilang sandali at bigla na lang bumukas ang pintuan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ngayon ko pa lang nalaman na may ganitong silid pala sa aming paaralan. Ilang beses na akong dumaan dito pero bakit n

