University 68

2504 Words

Ano ito? Pahirapan sa pagpunta sa opisina ng Head Master? Bakit pa kasi kailangan may pa ganito pa kung pwede naman manatili sa isang lugar at huwag na pahirapan ang mga estudyante sa paghahanap sa kung saan ang kaniyang opisina. Para saan ba ang ganito? Teka, hindi kaya ay pinoprotektahan nila ang Head Master kaya sinisigurado nilang hindi ito agad mahahanap? Ngunit, bakit? May alam ba sila sa mga nangyayari ngayon? Alam ba nila na kaya ako nandito ay para sa patayin ang mga namumuno rito? Hindi naman siguro, mukhang dati pa ay ganito na talaga ang sitwasyon nila. “Paano na ito?” Tanong ni Morris at inilibot ang paningin, “Hindi naman pwede na buong gabi natin hahanapin ang silid na kung saan naroroon ang office ni Head Master. Baka abutin na lang tayo ng umaga ay hindi pa rin natin ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD