Inihagis ko agad ang bag ko pagkapasok ko sa kwarto, hanggang ngayon hindi padin nawawala ang pagkainis ko dahil sa kanya.
"Aargh!!" Ang dami kung gustong sabihin sa kanya ngunit pinutol na niya ako, papano ko pa siya babawian sa mga sinabi niya kung isip bata ang tingin niya sakin.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagtatantrums ko, nagring ang phone ko na nakapatong sa kama na si Benz tumatawag.
"Hello." Pagsagot ko.
"Hey, kamusta ang Becca ko?" I rolled my eyes dahil sa sinabi niya. "Becca ko.."
"Stop that!" Sabi ko. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang line. "Bakit ka tumawag?" Tanong ko.
"Ouch! Di mo ba ako namiss?" Napabuntong hininga ako dahil nagbebaby talk siya.
"Tch! Ano nga yon? Sabihin muna Benz bakit ka napatawag."
"Ang taray naman, gusto ko lang itanong kung bakit ka biglang nawala kanina, sabi ng mga kaibigan mo, badtrip na badtrip ka daw kanina pagbalik mo at sa buong klase." Dare darechong sabi nito.
"Wala, okay lang ako, salamat sa pagtatanong, magpapahinga nako." Matabang na sagot ko at agad siyang pinagbabaan bago pa muling magsalita.
Muli kung pinatong ang cellphone sa ibabaw ng kama. Pero agad na tumatawag muli si Benz, expected ko na yan dahil pinutol ko ang sasabihin niya pero sa pagkakataon na to hindi kona sinagot. Tumayo ako sa kama at inayos ang sarili para magprepare maligo.
Kailangan kong magayos dahil may dinner kami ng Family ko sa labas sa Restaurant na pagmamay ari ng parents ko.
Pagkatapos kung maligo, pinili ko ang magandang dress na mayroon ako.
"So how's your first day baby?" Tanong ni mommy.
Nagkibikit balikat lang ako habang nakatingin lang sa pagkain ko. "Okay lang mom." Sagot ko habang nilalaro ang pagkain ko.
"Are you sure?" Dagdag na tanong ni Daddy, umangat ang tingin ko sa kanilang dalwa na ngayon ay parehong nakatingin sakin.
So I forced a smile. "Yes! Wala naman masyadong ginawa." Sagot ko nalang at muling ibinalik ang tingin sa kinakain ko.
Pagkatapos ng dinner namin, umuwi nadin kami si Mom and Dad naman ay darecho sa office nila, inihatid lang nila ako saglit.
At dahil dipa naman ganon kalate, naisipan kung lumabas ulit gamit ang motorbike ko nasi Bonbon. Yan ang pangalan niya. Inilagay ko agad ang helmet at umalis.
"Ms. Rebecca! Ms. Rebecca!" Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Yaya pala.
"Yes?" Nagtataka siguro siya kung bakit ako aalis.
"San po kayo pupunta? Alam ba to ng Mommy niyo?" Tanong nito. Kaya tiningnan ko lang siya ng seryoso.
"I'll call her later." Magsasalita pa sana siya ng pinahinto ko. "Yaya dont worry hindi ako magtatagal sa labas." Dagdag ko at tuluyang umalis.
Gusto ko munang magpahangin talaga. Habang sakay ako ng motorbike ko, may nadaanan akong Convenient Store. Lalampas na sana ako ng may makita akong familiar na muka na papasok sa loob.
Napangisi ako. "Wow!" Bulong ko sa sarili ko ng marealize ko sa sarili ko kung sino ang taong iyon. Itinigil ko ang motorbike ko at bumaba, dali dali kung tinanggal helmet ko at naglakad papasok sa loob.
Nung una ay hindi niya ako nakikita, natatawa ako sa sarili ko habang tinitingnan siya na namimili ng bibilhin niya.
Kaya naman napatingin ako sa kukunin niya sanang snacks, dali dali ko itong dinampot.
Natigilan ako panandalian at napatitig sa kamay niyang malambot habang hawak hawak ang snacks na kukunin niya sana. Napaatras siya ng kaunti at nagulat ng makita ako. Iningat ko ang tingin sa kanya at napalunok ng magtama ang mga mata namin.
Ang tagal namin sa posisyon na yon ng ako na mismo ang bumawi sa tinginan na yon, ramdam kong nakatingin padin siya sakin.
"Ako nauna." Sabi ko na lang at muling binalik ang tingin sa kanya.
"Favorite ko tong flavor na to, please ibang flavor nalang kunin mo." Sabi niya na tila nangungusap ang mga mata.
At don ko narealized na iisang flavor na nga lang snacks tong hawak hawak ko.
"Favorite ko din to." Sagot ko, sa totoo lang gusto ko siyang inisin, hindi naman talaga ako nakain kasi nito.
Napaiwas siya ng tingin at saka ngumiti nalang sakin.
"Such a baby." Sabi niya lang ng di namawawala ang ngiti sakin.
Kumunot noo ko dahil sa ginawa niya. Natigilan ako sa mga titig ng mata niya, hanggang sa mapababa ang tingin ko sa labi niya na tila nakagat pa niya at nabasa ng dila niya.
Natigilan ako sa kinatatayuan ko bakit walang salitang lumalabas sa bibig ko, nabasa ko lang ng dila ko ang lower lip ko habang magkatitigan kami sa mata, at don siya na mismo ang umiwas ng tinginan na yon.
"Bibili nalang ako sa kabilang store." Sagot nalang niya atsaka tinap ang ulo ko. Bago umalis.
Ng makasigurado nakong wala na siya, napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ang bilis ng t***k nito. Ipinilig ko ang muka ko at inayos muli ang sarili. Muli kung tiningnan yung snacks na hawak ko at napahawak sa kamay ko kung saan nahawakan niya.
"Tsh!" Pagngisi ko. "Favorite niya to?" Para nakong timang na nagsasalita magisa, ibabalik ko sana yung snacks ng naisip kung bilhin nalang at kainin sa bahay.
—-
"Beccaaa!!"
"Anong nangyari sayo!"
"At mukang puyat ka."
Tanong nitong tatlong katabi ko. Naiirita ako sa mga tanong nila. Alam ko na may eyebugs ako, alam ko na napuyat ako, kakaisip.
Kaya imbis na sagutin ang mga tanong nila, tumingin lang ako sa taong nasa harapan ko. Ramdam ko ang tinginan ng mga kaibigan ko.
"Bat ba tingin ka ng tingin sa kanya?" Tanong ni Irin. "Trip mo ba siya?" Agad akong napatingin sa kanya.
"Yuck!" Mabilis na reaksyon ko dahil sa sinabi niya.
Nagtawanan silang tatlo sa tabi ko. "Ano bang pinagsasasabi mo Irin." Sagot naman ni Cheska.
"Pero alam mo Becca, wala namang masama kung matripan mo isang babae, support lang kami, pero.." lumapit sakin si Tin na tila may ibubulong. "Pumili ka naman ng kalevel natin." Dagdag nito.
Sinamaan ko lang sila ng tingin. "Tumigil nga kayo, hindi ako napatol sa babae." Pabulong na sagot ko.
Na ikinatawa nilang tatlo. "E kasi naman di naman yon ibig kung sabihin sa tanong ko, what I mean is kung trip mo ba siyang pagtripan?" Pagkaklaro ni Irin sa statement niya.
"Girls at the back!" Pagpuna ng adviser namin, masyado na atang lumalakas boses namin kaya sinita na kami.
After ng subject namin, lunch time na. Pinagmamasdan ko lang siyang inaayos ang gamit at tumayo na.
Naglakad na siya palabas kasama si Nam na classmate din namin.
"Let's go girls!" Sabi ko at dali dali nadin tumayo. Yung mga kasama ko di pa nakaprepare kaya naman umuna nakong lumabas sa kanila.
"Becca, bat ba nagmamadali ka?" Tanong nila. Diko na sila nilingon at nagdarecho nako sa cafeteria para maglunch.
Pumila nadin ako kasama nila.
"Becc, nitong mga nakaraan dito ko na kayo laging nakikitang kumakain ng mga kaibigan mo." Napatingin ako sa nagsalita mula sa gilid ko. "Nakakatuwa lang na yung grupo niyo, nakikihalubilo na dito samin." Nanliit ang mata ko dahil sa sinabi niya.
Usually kasi talaga sa tambayan namin kami kumakain dahil may sarili kaming food don. Exclusive lang siya para sa group of friends namin.
Diko alam isasagot sa kanya kaya ngumiti nalang ako sa kanya, siniko naman ako agad ni Cheska.
"Oo nga dito na naman tayo." Tanong ni Irin.
Diko din alam kung bakit nandito kami at kung bakit dito ko trip kumain.
"Masarap yung food." Simpleng sagot ko nalang. "Kung gusto niyong kumain sa place natin, go ahead, I dont mind." Dagdag ko.
Nagkibit balikat nalang sila. "Satru, masarap naman yung food." Sagot nalang ni Tin.
Muli kung ibinalik ang tingin sa transferee at tiningnan kung anong laman ng tray niya. Habang pinagmamasdan ko ito.
"Girls, umupo na kayo don kami na ni Enzo ang magoorder." Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko dito si Benz na nakangiting nakatingin sakin.
"Kami ng bahala." Dagdag ni Enzo, tila kinikilig naman tong tatlo at naglakad na nga para maghanap ng vacant table para samin.
Pero ako hindi umalis.
"Ms. Armstrong?" Taas kilay na tanong ni Benz, wondering kung bakit dipa din ako sumunod sa mga kaibigan ko na ngayon ay kinakawayan ako.
Kumunot noo ko at inilibot ko ang tingin. Malayo sa pwesto ng Transferee na to. Gusto ko sanang umupo malapit sa kanya para mawala apetite niya habang tinitingnan siya ng masama. Napatawa ako dahil sa isipin na yon, hanggang ngayon hindi padin ako nakakabawi sa kanya, gusto kong sirain ang araw niya.
"Hey!" Napabalik ako sa wisyo ng muling tumawag si Benz. "Come on, ako ng bahala" Sabi nito.
"It's okay Benz, gusto ko ako pipili ng pagkain ko."
So ng turn ko na. Ang daming dishes na pwedeng pagpilian.
"Gusto ko yung katulad ng inorder niya." Tapos tinuro ko yung babaeng nakain ngayon kasama si Nam. Tumingin naman sila at ngumiti.
"Ahh si Freen." Kumunot noo ko, kilala niya agad si Freen.
"Kilala mo siya?" Tanong ko.
"Oo, mabait na bata yan. Tinulungan niya kasi ako kahapon......" etc ang dami pa niyang sinasabi habang pineprepare ang plato ko saka inabot sakin.
Iniwan kona si Benz at Enzo dito at tumungo sa pwesto ng mga kaibigan ko.
"Dun tayo." Tinuro ko ung kabilang table malapit sa kanila. Nagtinginan naman silang tatlo.
"Occupied na yung table." Sagot ni Irin.
Ngumisi ako kasabay ng pag angat ng gilid ng labi ko.
"I want to see sit on that table." Sabi ko na ikinailing nila, so lumipat na nga kami. Pagkalapit namin sa table mukang masayang masaya pa ang grupong ito habang kumakain. Natigilan lang sila ng makita akong nakatayo sa harapan nila.
"B-becca.." Tila gulat sila.
Agad naman nilang inayos ang pagkain nila atsaka tumayo para umalis sa pwesto na to. Ramdam ko ang maraming nakatingin samin, may mga nagbubulungan at tumatawa kaya naman inilibot ko ang tingin ko sa buong cafeteria sa lahat ng estudyante dito, natigilan silang lahat kapag napapadapo ang tingin ko sa kanila, hanggang sa mapapunta sa kanya na ngayon ay nakatingin din sakin. Umangat ang gilid ng labi ko at napangisi ako sa kanya.
"Dito nalang kayo umupo." Narinig kung sabi niya mula sa mga estudyanteng pinaalis ko sa table na to.
—-
After Class pauwi na sana ako, naglalakad nako palabas ng Campus ng makita ko si Freen.
"San siya pupunta?" Tanong ko sa sarili ko, kaya imbis na magdarecho ako sa way kung saan ako susunduin ng parents ko, kusa na lamang lumakad ang mga paa ko kung saan siya patungo.
Sinundan ko siya, naglalakad lang siya. Dito ata ang way kung saan siya nakatira, malapit lang ba siya dito? Bakit naglalakad lang siya? At bakit sinusundan ko siya?
Natigilan ako, bakit ko nga naman siya sinusundan. Para naman akong stalker niya dahil sa ginagawa ko. Tumigil ako sa paglalakad at babalik na sana ng..
"Becc?!" Natigilan ako at muling napaharap sa kanya na ngayon ay nagtatakang nakatingin sakin.
"I-ikaw pala, a-anong ginagawa mo dito?" Pakiramdam ko ang init ng muka ko bakit ako nagsstutter.
"Dito yung way ko pauwi." Sagot nito na halatang nagtataka padin.
"Ganon ba." Sagot ko.
"Ikaw anong ginagawa mo dito? Dito din ba yung way mo pauwi?" Tanong nito.
Umiling lang ako. Natawa siya dahil don.
"B-bakit?" Taas kilay kung tanong sa kanya.
Umiling lang siya. "I'm sure sa mga subdivision ka nakatira." Sabi nito. "Umuwi ka na, hindi safe maglakad magisa." Sabi nito.
Hindi ko maintindihan bakit ganito nararamdaman ko kapag malapit lang siya sa tabi ko. Hindi normal ang heart beat ko. Nakakapagtaka lang din na alam niyang hindi ko siya gusto pero bakit ang bait niya sakin, kagabi binigay niya sakin yung favorite snacks niya, bakit niya ipinaubaya agad sakin, tapos tinap pa niya ulo ko na hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin, napuyat ako kakaisip sa magandang pakikitungo niya sakin after ng scene sa swimming area.
"May pupuntahan talaga ako dito." Sabi ko nalang para di nalang siya magisip na sinusundan ko siya.
"Ganon ba." Simpleng sagot nito. "Okay." Dagdag nito.
Maya maya pa, nagring na phone ko si Daddy tumatawag, tiningnan ko lang ito.
"Bat di mo sagutin?" Tanong ni Freen, nabalik tingin ko sa kanya.
"Una na ako." Sagot ko nalang sa kanya at nanakbo na pabalik sa school kung saan ako susunduin ng parents ko. "Aah!" Tili ko ng bigla nalang ako natalapid.
"Becc.." Naramdaman ko agad ang presensya niya na yumakap sakin at tiningnan ang tuhod ko na may gasgas at dugo.
—
"Ouch!" Daing ko habang ginagamot niya ang sugat ko, dinala niya ako dito sa bahay nila. Agad naman niya itong hinihipan para hindi masyadong masakit, pinagmamasdan ko lang siya habang ginagamot ang sugat ko.
Pinagmamasdan ko ang kabuuang bahay, maliit lang siya pero sakto naman para sa kanila ng Mama niya.
"Eto anak, linisin mo nito." Kinuha niya sa mama niya yung mainit na tubig na may bimpo at dahon dahon.
"A-ano yan?" Takang tanong ko, huminga lang siya ng malalim.
"Trust me okay, wag ka ng malikot." Tinuloy na niya paggamot sa sugat ko.
Ng malinis na niya ito nilagyan niya ito ng gasa at saka tumayo. Para itago ang mga pinaggamitan niya, maya maya pa lumapit mama niya.
"Magmerienda ka muna." Naglapag ng cookies ang Mama niya sa table. "Alam mo ang ganda ganda mung bata." Sabi nito na parang amaze na amaze sakin. Ngumiti lang ako.
Tumawag nadin ako sa parents ko na mamaya nalang ako magpapasundo dahil nasa bahay ako ng classmate ko.
"Thank you po." Sagot ko.
"Tikman mo yang ginawang cookies ni Freen, masarap yan." Sabi nito na ngiting ngiti padin sakin. Sa totoo lang nawiwirduhan ako, nakatitig lang siya sakin na tila naghihintay na kumuha ako at kumain ng cookies na binigay niya. "Sige na tikman muna." Dagdag nito. Palipat lipat lang tingin ko sa kanya at sa cookies na nasa harapan ko.
"Wala yang lason." Bigla kaming napatingin kay Freen na kakabalik lang ulit, kumuha siya ng isang cookies at kinagat ito habang nakatitig sa mga mata ko. "Oh!" Ibinigay niya sakin ang kalahati ng cookies na kinagatan niya. Kumunot noo ko pero agad ko naman itong inabot mula sa kanya.
Pinagmasdan ko muna sandali ang cookies at saka tuluyang inilagay sa bibig ko para kainin. Napapikit pa ako ng maramdaman at malasahan ko ang cookies na ito.
"Is it almond cookies?" Tanong ko na tila nadala ng sensasyon sa sarap ng natikman ko.
Tumango lang si Freen habang nakangiti sakin. Lumapit siya at umupo sa tabi ko, muli niyang tiningnan ang sugat ko na ginamot niya, ang lapit niya sakin na halos naaamoy kona ang buhok niya.
"Masakit padin ba?" Tanong nito at inangar ang muka paharap sakin, muli akong natigilan ng magtama ang mga mata namin, napakalapit ng muka namin sa isat isa.
Napalunok ako at napatango. "Sa susunod magiingat ka." Sabi nito habang darecho padin nakatingin sa mga mata ko, napalunok ako ng bigla niya itong ibaba papunta sa labi ko.
"Anyways," Agad siyang tumayo palayo sakin ng mapansin ko ang pagtingin nita sa labi ko. "Ahm.. Late na, umuwi kana para makapagpahinga kana." Sabi nito na hindi na makatingin sakin ngayon.
—-
Next...