DARREN’S P.O.V Napasarap ang kwentuhan ng dalawa habang binabantayan si Darren. Napakislot silang dalawa ng marinig na umuungol si Darren. Agad nilang nilapitan ito at tinanong kung may masakit ba siyang nararamdan. Ngunit nakita nilang nakapikit pa rin ito. Kaya hinayaan na muna nila. "Ella! Ella!" sambit ni Darren. Napalingon ang dalawa ng mabigkas ni Darren ang pangalan ni Ella. Ngunit mas nagulat si Gary nang marinig ang pangalang Ella. "Ella?" kunot noo niyang tanong. "Pangalan 'yan ng babaeng minahal niya bro," sagot naman ni Zoey. Kahit sa maikling panahon ay nakapagpalagayan ng loob sina Zoey at Gary kaya kabilang na si Gary sa mga tinuturing kapatid ni Zoey. "Ah gano’n ba, siguro kapangalan lang ng kakilala ko ring Ella ang sinasambit niya," patango-tango naman na sagot ni

