DARREN’S P.O.V Nang magising ako ay hindi ko maigalaw ang aking ulo. Kahit ang aking bibig ay hindi ko kayang maibuka. Nais ko man lingunin ang paligid ay hindi ko magawa. Ang huling naalala ko ay umiwas ako sa isang malaking truck. At sa pag-iwas ko ay sa isang poste ako tumama. Ramdam ko ang higpit ng medical cervical neck brace na nakakabit sa aking leeg. Marahil sa lakas ng aking pagsalpok ay naapektuhan ang aking leeg. Rinig ko ang isang nagmamadaling yapak na papalapit sa akin. Naramdaman ko na lang na may humawak sa aking kamay. At ang nag-aalalang mukha ni Zoey ang aking nakita. "Bro, ano ba ang nangyari sayo?" tanong nito. Ngunit hindi ko magawang sagutin ang kanyang tanong. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at bakit hindi ko kayang ibuka ang bibig. Kumurap-k

