DARREN’S P.O.V Inabot kami ng apat na oras sa kalsada sa sobrang trapik. Nang makaakyat na kami sa Tagaytay ay agad kong minanduan ang driver na bilisan nito ang pagpatakbo para makarating kami kaagad sa bahay ni Ella. Ngunit ang tadhana minsan kapag nagmamadali ay sadyang bumabangal. Biglang tumirik ang aming sasakyan sa ‘di malamang dahilan. “Sir , nasiraan yata tayo!” usal ng driver. “What the f*ck!” malakas kong mura. Lalo akong nayamot at tumaas na yata ang presyon ng dugo ko sa mga nagaganap. Mula pa kanina ay halos mauubusan na ako ng pasensya. Malapit na nga kami at nagkaaberya pa. Padabog akong bumaba sa sasakyan at halos ibagsak ko na ang pinto ng malakas. Ngunit lalo akong nagngingitngit sa galit nang makita ang dalawang gulong ng sasakyan ay flat. Nakabaon pa ang basag

