ELLA’S P.O.V Napatayo si Darren nang makita siya. Hinarap niya si Florence at ang lapad naman ng ngiti nitong papalapit sa amin. Ibinalik ko na lang ang atensyon sa harapan ng aming mga kasama sa mesa. Hinayaan ko silang mag-usap at nais ko ring umiwas sa babaeng ito. "Hi how are you? Kailan ka pa nakabalik ng bansa?" tanong naman ni Darren. Kahit nakatalikod ako sa kanila ay dinig ko ang kanilang usapan kahit pa medyo maingay ang paligid. "Ahm... 2weeks ago. How about you? What are you doing in life?" tanong naman nito. "Oh' welcome back! Same my parents, I managed a business here and outside the country!" "Thank you! Why don’t you join us in front? Your parents is there," aniya. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko napigilan ang lingunin sila. Parang toko na itong kumapit sa bras

