ELLA'S P.O.V Makalipas ang isang buwan ay nagpatuloy ang aking magandang pangangatawan. Dahil sa pag-aalaga ni Darren ay naging maayos kami ni baby. Dumadalaw sa akin si Mama every weekend para dalhan ako ng sariwang prutas. Ngayong araw ay uuwi na kami ng tagaytay. Nauna na sila ni Mama kasama ang mga kaibigan ko. Ang sabi ni Darren meron kaming party na dadaluhan. Ngunit ako'y nagtataka kung bakit ang binili niyang damit sa akin ay puti na para manan akong ikakasal nito. Well, I like white dress and he knew that. Nasa harap ako ng salamin at inaayusan ng isang make-up artist. Isang kasal ang dadaluhan namin sa Tagaytay at ang gusto ni Darren ay isa ako sa mga magiging abay ng kasal. Pero sa ayos ko ay parang ako ang ikakasal, baka dinaig ko pa ang bride sa ayos ko. Simpleng whi

