DARREN’S P.O.V Naging abala ako sa apat na araw. Madalas ko rin naman tinatawagan si Ella para kamustahin. Agad ko naman natapos at naayos ang problema sa hotel. Ngunit ang pinagkakataka ko lang ay parang sinadya ang nangyaring pagsabog. Ayon sa imbestigasyon ay mayroong hindi kilalang lalaki na umaaligid sa hotel. At ang pagsabog na naganap ay sa pagitan ng hotel at ang katabing gusali nito. Hanggang ngayon ay wala pa ring lead ang mga pulis kong sino ang gumawa nito. Kahit wala pang resulta ang imbestigasyon ay napagpasyahan ko na umuwi dahil nasa maayos na ang operasyon ng hotel. Kinagabihan ay nagpasya akong tumawag kay Ella para ipaalam na uuwi na ako dahil bumalik na sa normal ang lahat. Inihanda ko na ang lahat na gamit. Sabik na akong makita at mayakap siya. Napahatid ako

