Rhod pov: Hawak ko ngayon ang aking sagradong spada habang kasama sila Ralph na nasa likuran ko, bigla naman lumamig ang hangin kasabay nito ang pag-labas ng mga elementong lobo. "Mukang magiging magandang labanan ito," sabi ni Laura habang hawak ang mahabang spada nito. Bigla naman sumugod ang mga lobo pero mabilis itong iginapos ni Ralph gamit ang mga kadena nito, pansin ko naman na hinigpitan ni Ralph ang mga kadena nito hanggang sa naging abo ang mga ito. "Ang gahaman mo naman Ralph," sabi ni Laura habang tumatawa. "Ihanda ninyo ang inyong sarili dahil hindi pa tapos ang laban," seryoso kong saad. Kasabay nito ang pag-labas ng dalawang elementong elepante at sampung elementong lobo, lalo kong hinawakan ang spada ko matapos sumulpot ni Louiza. "Kinagagalak kong maka-kilala ng isa

