Ivan pov: Sumapit ang gabi at nasa bahay kami ngayon ng mag-asawang Arkin at Nixa, kasalukuyan kami ngayong nasa labas ng bahay ng mag-asawa upang mag usap-usap. "Anong plano?" tanong Jannelliza. "Oras na managinip si Nixa ay ang ibig sabihin nito ay malapit lang ang tikbalang sa paligid," sagot ko. Napa-tingin naman ako kay Morrigan at pinaglalaruan nito ang tubig mula sa baso n'ya. "May problema ba?" tanong ko kay Morrigan. "Iniisip ko lamang ang karagatan," sagot ni Morrigan sa tanong ko. Mag-sasalita sana ako pero biglang lumabas si Edrian mula sa loob ng bahay. "Ivan nanaginip na si Nixa," sabi ni Edrian. "Bantayan n'yo si Nixa at si Arkin," seyoso kong saad bago tumakbo. Habang tumatakbo ay pinapakiramdaman ko ang paligid at nang madama ko ang kakaibang enerhiya ay agad ko

