Louiza pov: Naka-tingin ako ngayon sa salamin ko at kitang-kita rito ang itsura na namana ko sa Ina ko, bigla naman may kumatok sa pintuan ko kaya binuksan ko ito gamit ang kapangyarihan ko. "Reyna Louiza may balita ako tungkol sa grupo nila Ivan," saad ni Clarisse. "Ano ang tungkol sa taga-pangalaga?" tanong ko. "Nasa Apayo ang grupo nila upang hanapin ang isa pang susi," sagot ni Clarisse. Bigla naman akong naka-isip ng ideya dahil dito. "Reyna Louiza, maaari ba kitang kausapin tulad nung panahon na tayo'y mga bata pa lamang?" tanong ni Clarisse. Dahil dito ay napa-tingin ako sa kanya at napansin na seyoso ito. "Tungkol saan Clarrise?" tanong ko. "Tungkol sa anak mong si Prinsesa Hanna," sagot ni Clarrise. "Ano ang tungkol sa kanya?" tanong ko. "Ginagawa lahat ng ana

