Ivan pov: Huminga ako ng malalim bago tumingin kay Hanna na naka-tingin din sa tubig. "Paano tayo aalis sa islang ito?" tanong ko kay Hanna. "Hanggang sa mapatay kita," sagot ni Hanna. Inikutan ko naman ito ng mata dahil sa sagot nito. "Bakit gusto mong gawin impyerno ang buhay ko?" tanong ko kay Hanna. Pansin ko naman na huminga ng malalim si Hanna bago sinagot ang tanong ko. "Ginagawa ko lahat ng iyon dahil gusto kong makita ni Ina na pinahirapan kita para natuwa s'ya sa'kin," sagot ni Hanna. "Natuwa ba?" tanong ko Bigla namang binalutan ng gintong apoy si Hanna pero pag-tingin ko at umiiyak ito. "Ang tanging gusto ko ay matuwa sa'kin si Ina pero sadyang ayaw nya sa'kin," sagot ni Hanna habang ito'y patuloy na umiiyak. Nang humupa ang gintong apoy nito ay agad ko syang niyak

