Ivan pov: Lumipas ang tatlong araw at ngayon na namin na isip na hanapin ang isa pa sa tatlong susi ng Fantamagia, nasa byahe kami ngayon papuntang Apayao dahil nandito ang isa sa tatlong susi. "Sa tingin mo Ivan, paano natin matutulungan ang mga taga hawak ng sagisag?" biglang tanong ni Edrian. "Sa totoo lang hindi ko rin kasi alam eh," sagot ko. "Basta ang importante lang naman is hindi hayaan si Hanna makuha ang mga powers na yun," ngiting sabi ni Edrian. Matapos ang mahigit na limang oras na byahe ay agad kaming bumaba ng bus at nag-lakad. "Hindi ko alam pero pakiramdam ko may isang enerhiya akong nararamdaman," biglang sabi ni Morrigan. "May isang sagisag akong nararamdaman," sagot ni Jannelliza. Dahil dito ay agad naming pinatalas ang pakiramdam namin, dahil maaaring nasa pal

