Ivan pov: Pag-pasok namin sa portal patungo sa Fantamagia ay agad kaming namangha sa ganda ng tanawin. "Grabe ang ganda rito!" tili ni Edrian. "Eto ang Fantamagia," lutang kong saad. "Nasa huling hakbang na tayo ng misyon natin," ngiting sabi ni Jannelliza. "Ivan tignan mo ito!" sigaw ni Morrigan. Mabilis naman ako lumapit may Morrigan at biglang nag-iba ang itsura ng mapa, tinignan din ito ni Jannelliza at Edrian at napa-nganga. "Hala beks ang mapa na ng Fantamagia ang hawak natin!" gulat na sabi ni Edrian. Lumayo naman ako para lapitan si Jepoy, ngumiti naman si Jepoy sa'kin bago mag-salita. "This place is so beautiful," he said while holding both of my hands. "Tama ka, kakaiba nga ang ganda ng pinagmulan kong lugar," ngiting sagot ko. "May parating!" sigaw ni Jannelliza. Ma

