Three months later “ANO’NG ibig mong sabihing nagdadalawang-isip kang gawin ang pelikula? Nando’n ako mismo nung binanggit sa iyo ni Wilfred ang tungkol sa movie na ‘yon... and the way I saw it, mukha namang interesado ka. What’s wrong with you now?” “Eh, Tita Cherie, hindi ko naman kasi sineryoso ang sinabi ni Mr. Montealto sa gabing ‘yon ng anniversary party, lalo na’t halos kalahating taon na rin mula nang binanggit niya iyon.” Nagkibit-balikat si Maddie. “Saka isa pa, feeling ko rin kasi hindi bagay sa akin ang role. Masyadong mabait ang heroine ng movie. Baka hindi ko lang mabigyan ng justice.” “Hindi bagay sa iyo? ‘Yan lang ang idadahilan mo sa akin?” Tita Cherie shook her head in disbelief. “Maddie... ang producer na ang mismong naghahain ng project sa harapan mo! Marami ngang ib

