Chapter 06: Salarin

1231 Words
“MALANDI!” Gigil na ikinuyom ni Kelsey ang kaniyang kamay. Naramdaman niya ang pagbaon ng mahahabang kuko sa kaniyang palad nang dahil sa ginawa pero hindi niya iyon ininda dahil mas nanginginig siya sa galit sa nakikita. Ang haliparot na si Maddie! Pa-victim effect pa at bitter kuno sa pakikipaghiwalay ng ex-boyfriend nito, pagkatapos ay mahuhuli niya ngayon na inaakit si Adrian. Hindi siya makapapayag! Kailangang may gawin siya bago pa siya tuluyang maagawan. She cannot allow na bukod sa letseng girlfriend ni Adrian na hindi pa niya nakikilala ay meron pa siyang ibang makakokompetensya sa lalaking napupusuan. Lalabas na sana siya mula sa gilid ng pintuan na kaniyang pinagtataguan para sumingit sa pag-uusap ng dalawa nang biglang sumulpot sa kaniyang likuran si Candy na hindi niya alam kung saang impyerno nanggaling. Pagagalitan sana niya ito dahil ginulat siya pero nagbago ang isip niya after hearing what she has to say. “Close pala talaga ‘yang si Miss Maddie at si Sir Adrian, ‘no? Hindi ko agad napansin ‘yon, ah,” sabi nito habang nakamasid din sa tinitingnan niya. “Anong pinagsasasabi mong close talaga? Huh?” magkasalubong ang mga kilay na tanong niya. “Kahapon po kasi Ma’am, nakita kong sumakay si Miss Maddie sa service ni Sir Adrian. ‘Tapos ngayon, ‘ayan oh. Para pa silang may sariling mundo sa isang tabi.” Tumaas ang isang kilay niya. “Si Maddie... sa sasakyan ni Adrian? Are you sure, Candy?” “Opo, Ma’am. Nakita ko nung sinundan ko si Miss Maddie gaya ng iniutos mo.” Dinukot nito ang cellphone sa bulsa ng pantalon. “Nakuhanan ko pa nga po ng picture, oh. Tingnan n’yo.” Hindi na niya hinintay na iabot sa kaniya ni Candy ang cellphone at siya na ang kusang humablot niyon mula sa kamay nito. Mas lalong nag-apoy ang kaniyang galit matapos makumpirmang totoo ang mga sinasabi ng alalay niya. Malinaw na malinaw ang litratong nagpapakita ng tila pag-uusap nina Maddie at Adrian habang nakabukas ang bintana ng van ng lalaki sa gawi ng babae. Sa sumunod namang picture, magkatabi na ang dalawa sa loob ng sasakyan. She once again glared at Maddie who was still sitting next to Adrian outside of the house. Ibig sabihin, iyon pala ang dahilan kaya natakasan nito ang mga reporter na ipinatawag niya. “Patunayan natin ngayon kung totoo nga ang sinabi mo.” “P-po?” Rumehistro ang pagtataka sa mukha ng alalay ni Kelsey. “S-sige po. Paano ko po patutunayan ang sarili ko sa inyo?” “Madali lang. May ipagagawa lang ako sa ‘yong... something challenging. Pero gusto ko, huwag kang magpapahuli sa iba dahil secret lang natin ‘to.” Napangisi siya. “Ano, game ka ba?” Inutusan niya ang kaniyang PA na palihim na i-delay ang pag-alis ni Maddie sa location nila, habang siya naman ay gumawa ng paraan para mabilisang makuha sa cellphone ni Chinno ang number ng mga reporter na may koneksyon dito. She then instructed Candy to contact the reporters at magpanggap na tauhan ng agent ni Maddie para sabihing nagbago na ang isip ng babae at gusto nang magpa-interview. “Iiwan ninyo ako rito, Ma’am Kelsey?” may himig-pagtutol na tanong ni Candy nang pagkaabot niya rito ng listahan ng mga numero ay sumakay na siya sa SUV ni Chinno. “Of course! Para siguradong hindi madadawit ang pangalan ko sakali mang pumalpak ka.” Inirapan niya ito. “Saka, hindi pa tapos ang trabaho mo rito. I want you to record that b***h’s expression once na pinagpipiyestahan na siya ng mga tinatakasan niyang reporter. I wouldn’t wanna miss that great show!” Akmang aangal pa si Candy pero wala na rin itong nagawa, lalo pa nang bumalik na si Chinno mula sa saglit na pagbabanyo. She immediately returned his phone as soon as he landed on the driver's seat. “Here’s your phone, Chinno. Thanks,” malapad ang ngiting sabi niya. He glanced at her suspiciously, bago nito tinanggap ang telepono. “Nakausap mo na ang mommy mo?” Tumango lang siya. “Next time, huwag mong hahayaang ma-empty batt ang phone mo, okay? Paano na lang kung kailangan mo kaming contact-in?” Pinagtawanan niya ang panenermon nito. “Oo na po, Sir. Now, can we get going? Come on, I had such a tiring day!” Paaandarin na sana ni Chinno ang sasakyan pero kumunot ang noo nito nang mapansing nakatayo pa rin sa labas si Candy. “Ano, d’yan ka na lang, Candy? Kaya ba today?” “Hindi sasabay sa atin si Candy. Nagpaalam na siya sa ‘kin,” sabad ni Kelsey. “Bakit?” “Nasagasaan daw ‘yung aso ng kapatid niya. Kailangan na niyang umuwi agad para masamahan ang sister niyang isugod sa vet ‘yung dog nila.” “Totoo ba, Candy?” Pasimple niyang pinandilatan ang alalay niya. Subukan lang nitong ilaglag siya kay Chinno at makatitikim ito sa kaniya. “Ah... o-oo, Chinno. Pasensiya na.” How come na ang simpleng planong binuo niya para gantihan at buwisitin si Maddie ay mukhang naging daan pa para mapalapit ito kay Adrian? She gritted her teeth upon the thought. “Bakit hindi mo kaagad ito sinabi sa ‘kin?!” asik niya kasabay ng pabalibag na pagsasauli ng cellphone ni Candy. “Tinanong n’yo lang naman po ako kung nagtagumpay o hindi ‘yung plano, eh,” nakuha pa nitong isagot. “Hindi ko naman po alam na interesado ka pang malaman kung paano niya natakasan ‘yung patibong mo.” “Boba!” mahina ngunit gigil na gigil niyang bulalas. “Lumayas ka na nga lang sa harapan ko!” Kung puwede lang niyang sampalin at pagsisigawan sa mga oras na iyon ang walang kwentang alalay ay ginawa na niya. Pasalamat ito at maraming tao sa paligid nila. “Eh, Ma’am, p-paano po itong susi ng kotse ni Miss Maddie? Isasauli ko pa ho ba?” Lalong kumulo ang dugo niya nang ilabas nito mula sa bulsa ng bag ang susing tinutukoy. “Bakit nasa iyo pa ‘yan?!” Halos dikdikin na niya ang babaeng wala yatang utak. “Nagawa’n mo ng paraang makuha ‘yan kaya gumawa ka rin ng paraan para idispatsa ‘yan! Kung hindi, ikaw na ang ididispatsa ko!” Gusto na talaga niyang magwala. Maya’t maya na lang ay merong nakasisira ng araw niya. Una ay ang pagpapamukha sa kaniya ni Adrian na may iba itong mahal at hindi ito interesado sa kaniya, pagkatapos ngayon ay ang bruhang Maddie namang ito! Daragdag pa ang assistant niyang ang sarap tirisin. Buwisit na buwisit pa rin si Kelsey sa takbo ng mga pangyayari nang muli niyang maalaala ang mga picture. A brilliant idea suddenly formed in her mind. Hmmm... Why don’t I hit two birds with one stone? “Hoy, sandali!” habol niya sa papalayo nang si Candy. “Huwag mong buburahin ang pictures na na-capture mo, okay? Kailangan mo pa ang mga ‘yan para makabawi sa ‘kin.” Isang evil smile lang ang isinagot niya nang bigyan siya ng nagtatanong na tingin ni Candy. Sunod ay binalingan niya si Adrian na nag-iisa na sa kinauupuan nito. Kaunting panahon na lang at mawawala na ang mga peste sa buhay ko, Adrian. Magiging akin ka na, gano’n din ang fame na nararapat para lang sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD