Chapter 1: The Accidental Kiss

2503 Words
"Baby, stop it. Baka mahulog ka." Nag-aalalang sigaw ng mommy niya. As usual, nasa malaking puno na naman siya nang mangga. Umaakyat siya roon kapag pumupunta sila sa Hacienda ng lolo niya. Ang ama ng mommy niya. Kaya heto, sinasaway siya ng ina. Pilit siyang pinapababa. "Baby." Ang sabi lang nito ay siya lang naman ang nag-iisang baby niya, so hayaan na lang niya ito. "Wait mommy. Maaabot ko na. Konti na lang." ani niya at pilit na inaabot ang mga manggang maglalaway ka sa sarap. "Just be careful baby." paalala ng mommy niya. "Yes mom." Nang maabot na niya ay mabilis siyang bumaba. Naglakad siya patungo sa ina na abala ito sa paglalabas ng mga pagkain sa basket. Pag nasa Hacienda kasi sila ay parati silang nagpipicnic kasama ang daddy niya. Ito ang buhay nila. Masaya, kontento. Wala ka ng hihilingin pa. "Look at yourself young lady. Nagmukha ka ng basang sisiw dahil ang dungis dungis mo na." wika ng daddy niya na tumatawa. Nang tingnan niya ang damit ay may dumi nga. Yumakap kasi siya sa punong mangga ng kamuntikan na siyang mahulog kanina. "Daddy naman." sabi niya na nakapout ang mga labi. Lumapit siya rito at niyakap ito. Ganito ang daddy niya pag nang-aasar. Pero kahit na ganito mahal na mahal siya nito. But daddy I'm the most pretty madungis sa lahat becuase I'm your one and only baby. Right mommy?" sabi niya na nagpasaklolo sa mommy niya. Natatawa na lang ang mga ito sa turan niya. "Yes of course, kahit madungis ka o kaya mukha ka ng pulubi ikaw pa rin ang baby namin ng mommy mo. Ang bunga ng pagmamahalan namin ng mommy mo." ani ng daddy niya at sa harap mismo niya hinalikan ang ina. Nasasanay na siya na nakikita ang mga ito na sobrang sweet pati yata langgam tatalunin. Lahat ginagawa ng daddy niya para sa kanya at sa mommy niya. Reyna ng buhay nito ang mommy niya at siya naman ang nag-iisang prinsesa nila. Kaya ipinangako niya sa sarili na katulad ng daddy niya ang mamamahalin at pag-aalayan ng pagkakababae niya. Tulad ng daddy niya na kontento sa buhay. Masaya sa piling nila. At mahal na mahal sila. Maybe her dad is not a perfect prince charming for her mom but he is her knight in shining armour. Iniligtas kasi nito si mommy nang muntik na itong gahasain ng mga addict. Buti na lang dumating ang daddy niya at nailigtas ito. Naging magkaibigan muna ang mga ito bago naging sila. And the rest is history. Kaya ito siya dumating sa buhay nila at walang kahit anong bagay sa mundo ang makakatalo sa kasayahang na dama nilang mag-anak. "Hon, bakit yata ang tagal nina kumpadre?" tanong ni mommy. "Nasiraan sila ng gulong hon, pero pinasundo ko na kay Mang Thomas at patungo na sila rito." sagot ni daddy. Ang tinutukoy na kumpadre nila ay si Tito Faustino. Naging ninang at ninong kasi ang mga magulang niya sa nag-iisang anak nga mga to. "Ganoon ba." ani ng mommy niya at nakangiting tumingin sa kanya. "Baby, mamemeet mo na rin ang inaanak namin ng daddy mo. Ang kinakapatid mo." "Yes princess and I'm sure magiging magkaibigan kayo ni Finn." sabi ng daddy niya na may malapad na ngiti sa mga labi. She knows Finn kasi palagi itong binabanggit ng daddy niya sa kanya. Nixon Finn Licht Vauxhall ang totoong pangalan niya. Siyam na taon na ito at dalawang taon ang tanda nito sa kanya. "Sana nga po dad." Kibit-balikat niyang sagot. KANINA PA SIYA SINASAWAY ng mommy niya na tumigil na sa pagkain ng chocolates pero hindi siya nagpaawat. Hindi na nga niya namalayan na dumating na pala ang bisita nila kung hindi pa siya kinalabit ng daddy niya. Nakafocus kasi ang buong attention niya sa kinakain. "Baby, andito na sila." ani ng daddy niya kaya humarap siya na ngumisi siya bigla ng makita si Finn. "Yucks! Kadiri ng ngipin mo. Magtoothbrush ka nga." maarteng wika ni Finn. May nakasuksok kasi na mga maliliit na chocolates sa ngipin niya. Tinaasan lang niya ito ng kilay. "Hindi Kadiri ang ngipin ko noh. Dahil lang ito sa chocolates at kung may kadiri man sa ating dalawa ikaw iyon. Look at yourself ang payat-payat mo kung hahangin dito baka matangay ka pa and your face, My God!! Ang kapal ng salamin mo..Yuckssss!" wika niya na may pandidiri sa mukha. Ayaw naman talaga niya ipahiya ito ehh kaya lang ito ang naunang nambastos sa kanya at yon ang hinding-hindi niya papalampasin. Lalaban siya pag inaapi siya. "Azrael..." gulat na sambit ng mommy niya. "Siya po ang nauna." tanggol niya sa sarili. "Demonica Azrael Michelle Natividad!" ani ng daddy niya. Pagtinawag na nito ang buong pangalan niya ay hindi ito nagbibiro. Nakayuko na lang siya pero sinamaam niya muna ng tingin ang payat-payat na si Finn. "Humingi ka ng tawad." "No. Ayaw ko daddy. Siya ang nauna-." "Magsorry ka sa kanya." diing utos ng ama niya. "S-sorry." naiiyak niyang wika at nilingon at inirapan ang binatilyong si Finn at mabilis na lumayo sa mga ito. "Nica." tawag ng daddy niya pero tuloy-tuloy lang siya. Naiinis siya rito kung kampihan nito ang binatilyong iyon. "Bahala kayo sa buhay niyo. I hate you payatot ka. Nakakadiri ka ang daming taghiyawat sa mukha mo." bulong niya at napansing napalayo na pala siya sa mga magulang. Pero wala siyang balak na tumigil. Tuloy-tuloy lang siya sa paglakad minsan tatakbo hanggang sa mapagod. Napaupo na lang siya sa isang malaking ugat ng puno at napaiyak. Maya-maya ay may tumabi sa kanya. Nang lingunin niya ito ay si Finn iyon. "Sorry na talaga Monica. Hindi ko naman intention na paiyakin ka. You are so pretty kasi." hingin tawad ni Finn sa kanya. "Lumayo ka nga sa akin." matulis niyang bulyaw dito. "I hate you. I hate you." bulyaw niya habang umiiyak. "Sorry na Monica please." ulit nito na sinusundan siya. "Stop following me weirdo." inis niyang wika. "No, ayaw ko nga. Baka mamaya mapaano ka pa." "Ang kulit mo rin eh." sigaw niya "Basta susunod ako sayo. Tignan mo." turo nito sa dinaraanan nila. "Hindi na tayo makakabalik sa mga magulang natin dahil napalayo na tayo." "I don't care." "Monica naman. Sorry na please. Gusto kitang maging friend. Ang ganda mo kasi eh." wika nito at ikinapula niya. "Ayaw kong makipagfriend sa weirdong may salamin. At payat-payat mo rin." wika niya at binilisan ang paglakad. Pero sinusundan pa rin siya nito at hinablot siya sa braso kaya bumangga siya sa katawan nito dahilan upang maglapat ang kanilang mga labi. Namimilog ang mga mata ni Monica at mabilis na lumayo siya dito at hinawakan ang sariling labi. "Y-you kissed me!" nag-iiyak ito. "S-sorry. It was an accident." hindi malaman nito kung hahawakan ba siya o hindi. "Hindi ko sinasadya." Mas lumakas pa ang iyak ni Monica. "Oh my God! Ayaw kong maging mama. It's your fault!" sigaw niya. Mas naguguluhan ang ang batang si Finn sa sinabi niya. "Bakit ka magiging mama?" "Because you kissed me!" "Ha? Anong connect?" "Sabi kasi ng yaya ko kapag kiniss mo daw ang isang girl mabubuntis siya. Okay lang naman si daddy magkiss kay mommy kasi gusto ko may baby kami. Pero ayaw ko maging mommy. Bawiin mo yong kiss mo. Ayaw ko maging pregnant." Napakamot ang batang si Finn. "Hindi naman yon totoo e." "Totoo yon. Yong friend ni yaya may kakiss ngayon may baby na siya." iyak na turan ni Monica. "Kaya bawiin mo yong kiss mo." "But how?" nag iisip tanong ni Finn. "Maybe you need to kiss me back para mabawi ko yong kiss ko." Nagpunas ng luha si Monica. "E di mabubuntis ka kapag binawi ko yong kiss." Namimilog ang mga mata ni Finn. "Oh my God! That's hillarious!" "I won't forgive you Finn." sigaw ni Monica at kumarepas ng takbo. Agad namang siyang sinundan ni Finn. "Monica, let's go home." "Ano ba- Ahhhhhhhhh!" sigaw niya dahil nakaapak siya ng kumunoy. "Hintayin mo ako dito. Hihingi lang ako ng tulong." ani ni Finn na hindi malaman ang gagawin. "Kapag humingi ka pa ng tulong pagbalik ninyo kinain na ako ng kumunoy na ito. Kaya gumawa ka ng paraan agad." utos niya rito na natulala. "Ano na? Tatanga ka lang ba diyan at hintaying lumubog na buong katawan ko?", "O-oo." mabilis itong kumuha ng sanga ng kahoy at ibinigay nito sa kanya pero nabali iyon. "Kumuha ka ulit ng mas matibay pa dito. Bilisan mo dahil hanggang dibdib ko na ang lumubog." turan niya at mabilis naman ang binatilyo na tumakbo. Bumalik agad ito na walang dala kaya hinubad nito ang damit at pinagbuhol iyon at inihagis sa kanya ang pantalon nito habang hawak nito ang dulo. "Humawak ka ng mahigpit at hihilain kita." wika nito at napatango na lang siya. Dahan-dahan siyang hinila nito hanggang sa maiahon siya nito sa kumunoy. "Are you okay?" tanong nito at tinanggal ang pagkakabuhol ng pantalon at polo at isinuot iyon. "Yeah." nanginginig niyang wika. "Still mad at me?" tanong nito. "Y-yes." "Halika na umuwi na tayo." anito na may lungkot ang mga mata. "O-okay." at sumunod siya dito. "S-salamat pala." "Hindi ko matatanggap ang salamat mo." wika nito. "W-what? Bakit naman?" gulat niyang tanong. "Gusto ko ng bayad." "Mukha kang pera at hindi ako magbabayad noh." inis niyang turan. "Hindi naman pera eh." "Ehh ano?" konti na lang talaga at sasapakin na niya ito. "Someday sisingilin kita. Hindi muna sa ngayon dahil mga bata pa tayo." nakangiti nitong ani. Inirapan niya na lang ito. "And someday, hindi mo na ako kakamuhian dahil payatot ako. Magkikita tayo someday na may abs at gwapo na ako. At paglaki natin pakakasalan kita." sabi nito na parang nangangako. "Never akong magpapakasal sayo noh." turan niya na inirapan ito at mabilis na bumalik sa mga magulang. Nang makalabas sila ng gubat ay mabilis silang sinalubong ng mga magulang nila. "Are you okay baby? What happened?" tanong ng mommy niya na may pag-alala sa mukha. "I'm fine mom, I want to go home." aniya na hindi binalingan si Finn na nakatitig lang sa kanya. "Hey! you okay?" tanong ni Camille. Napakurap siya ng mga mata at bumalik sa kasalukuyan. "Yeah. I just remembered something." Azreal sighed. Nasa headquarter siya ngayon dahil pinapunta sila ng leader nila. May bago na naman daw silang mission. "Girls, dahil sa matagumpay nating misyon sa Egypt at ngayon ay nakabalik na si Kitty dito at may bago na naman tayong kasapi sa organisasyon na si Dharlene ay may panibagong misyon kayo." wika ni Nellangel Inilagay nito sa center table ang mga folders na may kanya-kanyang pangalan. Agad nilang kinuha ang mga folders at binuksan iyon. "Make it sure na magagawa ninyo ng maayos at malinis ang mga misyon niyo." "Okay lady boss." sabay-sabay nilang wika. "Laby boss, paano naman ako?" tanong ni Dharlene na walang folder itong hawak. "Magsisimula ka ng magsanay at ako mismo ang magsasanay sayo. So, ready yourself because I will train you without mercy." ngisi nitong turan. Their lady boss is really a b***h. Lahat sila ay dumaan mismo sa mga kamay nito kaya alam nila kung anong hirap at sakit ng katawan ang mararanasan ng bagong miyembro ng organisasyon. "Okay, tapos na ang meeting natin. Maysilayas na kayong mga pangit!" pagtataboy ng boss nila. Isa din sa pag-uugali ng boss nila ay may pagkamasungit at laitera ito. Pero alam naman nila na hindi iyong totoo dahil walang kasapi ang organisasyon na mga pangit. At ang pagiging laiteta at pagsusungit ng boss nila ay sanhi lamang ng wala itong s*x life. "Wow hah! Kung makapangit ka sa amin parang ang ganda-ganda mo naman. Nahiya naman ang pagpapabelo namin nito." anas ni Marygrace. Si Marygrace ang mahilig mangsupalpal sa boss nila. At hinahayaan lang din ito ni Nellangel. Sabi nga ni Nellangel kulang sa aruga si Marygrace kaya hinayaan lang niya. Tumayo na silang lahat at kanya-kanyang labas ng meeting room. "Be careful girls." sigaw ni Nellangel na naririnig nilang lahat sa labas. Naiiling na lang si Azreal. Wala pa ring pagbabago ang samahan lalo na ang leader nila. Dumeretso na siya sa silid niya at inihanda ang mga kagamitan. Nang matapos siya sa ginagawa ay binasa niya ang misyon niya. Pinag-aralan niya iyon ng mabuti. Wala siyang nilaktawan kahit isang detalye. Lady Angels Orphanage. Yan ang mission niya. Kailangan niyang malaman ang mga illegal na gawain sa Orphanage na iyon. Ayon sa report, ang mga bata daw ang ginagawang sisidlan ng mga imported na cocaine sa buong mundo. Inooperahan daw ang mga paslit at doon nilalagay ang drugs at pagkatapos ay idedeliver ito sa mga sindikato. Ang misyon niya ay lagyan ng hidden camera ang buong Orphanage at alamin kung sino ang nagpapatakbo ng illegal na gawain sa loob. Pero mahihirapan siya dahil hindi ka basta-basta makakapasok doon. Ang namamahala doon ay ang mga madre pero ayon rin sa ulat na ibinigay sa kanya ay hindi lahat ng madre ay totoong madre. "This is easy. Hindi man lang ako pagpapapiwasan nito." bulong niya sa sarili habang iniikot ang ballpen sa kamay niya. "Ano kayang dapat kong gawin para malaya akong makapasok sa Orphanage na iyon? Hindi naman pwedeng basta basta na lang ako papasok dahil automatic CCTV ang ginagamit nila kung saan mag-aalarm agad ito kung hindi ka nakaregister sa ampunang iyon. Ang hightech din ng Orphanage na iyon huh." wika niya at nag-isip siya ng mabuti. Maya-maya ay nakaisip siya ng ideya. "Hmmm tama. Papasok ako bilang madre. f**k! Ibig sabihin rin nito ay papasok ako sa simbahan?s**t!!! Pero bahala na para sa misyon ko." aniya at humiga na sa kama. KINABUKASAN AY NAGTUNGO agad siya sa Lady Angels Orphanage. Kausap niya ang mother superior na may katandaan na rin. "Good morning po mother superior." bati niya dito. "Good morning din iha, anong maipaglilingkod ko sayo?" nakangiti nitong ani. "Mother superior, gusto ko po sanang magmadre." "Sigurado ka ba iha? Alam mo bang madami pa kaming proseso na gagawin sayo para malaman namin na isa kang malinis at kung malinis din ba ang iyong hangarin." wika nito. "Handa po ako." "Kung yan ang gusto mo. Tinatanggap ka namin. Kasali ka na sa mga bagong pumasok." wika nito at sinamahan siya sa paglibot sa buong lugar. Nang matapos sa paglilibot ay hinatid na siya sa isang kwarto kung saan mga sampu yata silang nandoon. Katulad rin niya ang mga ito na baguhan. Kahit gustuhin man niyang magrequest ng sariling silid upang makagalaw ay hindi maaari baka mahalata siya. "Isa sa mahigpit na rules ng orphanange ay kung ano man ang makikita o maririnig ninyo ay huwag na huwag kayong mag-iingay. Ang tungkulin natin aside sa pagiging madre ay ang alagaan ang mga bata." paalala ng assistant ni mother superior. "Nagkakaliwanagan ba tayo?" "Opo sister Amelie." sabay-sabay na sagot nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD