Chapter 1

1422 Words
The Gangster’s Love Chapter  1.   Huminga ako ng malalim bago muling tinignan ang school na bago kong papasukan. Hindi ito ang unang beses kaya naman sanay na ako, pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi kabahan. I went to different schools since I was in grade school, at halos lahat na yata ng klase ng tao ay naka-salamuha ko na. But that didn’t concern me kasi alam ko na hindi rin naman ako magtatagal sa eskwelahan na ito. I enter and was greeted by security guards at the entrance. I heard this is an elite school and having a high security like this is considerable. Dumiretso ako sa dean's office to submit some of my requirements and also to get my schedule. Hindi na rin ako maliligaw dahil naka-punta na ako rito nang i-enroll ako ni daddy. I spent two hours nang libutin ko ang buong school na ito ng mag-isa lang. Ayoko kasi na nale-late ako sa mga class ko. Natanaw ko ang dean sa labas ng office nito na may kausap na isang student kagaya ko. Matangkad siya and he's wearing glasses. Sa unang tingin pa lang ay mukha na siyang matalino, siya siguro ang student president ng school na ito. Tinapos ko muna ang paguusap nila bago ko nilapitan ang dean. Akala ko ay aalis na ang student ng mapahinto ito matapos makita ako. Bumaling ako sa dean at ngumiti. "Miss Harrison?" Good thing the dean recognized me. He offered a hand shake na hindi ko naman tinanggihan or more likely to say, wala akong choice. "Before we proceed inside, I'd like to introduce you the St. Martin's pride- Mr. Cielo Gutierrez, he is the school's president and the candidate for Valedictorian." Maikli akong ngumiti at tinugunan ang kamay ni Cielo. I was right! He is the schools' president, but to be honored as a candidate for Valedictorian? Hindi ba masiyado pa na maaga para diyan? First semester pa lang ng klase. Siguro expected na nila. "I'm Summer Harrison," pakilala ko. Ngumiti rin siya bilang pagbati, "I hope you enjoy here, St. Martin is a good school." I nodded at him. Obviously, wala akong balak makipag-kaibigan sa kaniya o makipag-usap pa. I am just here to study, and aalis kapag kaylangan na ulit. Bumaling na ako sa dean para maalala niya ang pakay ko. Baka kasi humaba pa ang conversation kapag nagpatuloy pa ito. Buti naman, nakaramdam ang dean at agad na akong niyaya sa loob ng office nito. Cielo bid his good bye pero hindi ko na lamang ito tinignan para hindi ko na kaylangan sumagot. "Your grades are good, hija. Umaasa ako na magiging isa ka sa mga pride ng paaralan ko. Here's your schedule and uniform. In case na may gusto kang malaman, feel free to visit my office," Kinuha ko ang folder na naglalaman ng schedule ko at ang paper bag kung nasaan nandoon ang uniforms ko. Since maaga pa naman, dumiretso ako sa locker room at hinanap ang locker # ko. Kinuha ko ang uniform na susuotin ko ngayon at sinabit sa hanger ang ilan. Nagdatingan na ang ibang students na babae. I almost cursed upon seeing their uniform. This is ridiculous! I went inside the bathroom at sinuot ng kompleto ang uniform ko. The top is a white long sleeve na lalagyan ng neck tie na color red, sa left part ng long sleeve polo ay may patches kung saan naka-tatak ang image ng school. I needed to tack in the polo dahil iyon ang style nila. The skirt is a red/black checkered above the knee. Actually, hanggang gitna pa ito ng hita ko, tapos long sock na hanggang tuhod at black na flat shoes. Just who invented this uniform? Ito ang unang beses na nakakita ako ng ganitong uniform. Well, it's quite stylish but weird at the same time. Paglabas ko, nagtinginan ang mga babae sa akin. Hindi ko iyon pinansin at bumalik ng tahimik sa locker para ibalik doon ang damit na sinuot ko kanina. When I think I was done, lumabas na ako bitbit ang bag na kaparehas ng lahat ng students dito. Pati sa bag kaylangan pare-pareho? Madali kong nahanap ang room ko. I choose a good seat na malapit sa black board. Second row is better and ‘yung malapit sa window. Isa isa nang nagdatingan ang mga magiging classmates ko, habang ako naman ay busy sa pag do-drawing sa likod ng notebook. Sinusulat ko lahat kung ano lang ang maisip ko para maalis ang boredom ko. 10 minutes late na kasi ‘yung teacher. Napansin ko na rin ang ilang pagsulyap sa akin ng mga babae, lalo na nung mga lalaki. Siguro nagulat sila dahil may bago sa klase nila. Normal na lang naman ito sa akin. Isang oras na pero wala pa rin ‘yung teacher kaya nainip na ako. Napatingin na ako sa paligid ng classroom pero mukhang hindi naman nagtataka ang mga classmate ko. In fact, mukhang sanay na nga sila sa ganitong pangyayari. Kinuha ko ang schedule ko at muling tinignan kung ano ang section ko. Baka kasi nagkamali ako ng pasok. SH-A. Iyon ang nakasulat sa itaas ng blackboard at ganon din ang nasa papel ko. I’m in the right room pero bakit ganito ang mga kaklase ko? SH-A is a special section for intelligent students, pero bakit parang hindi naman sila nagtataka na wala pa rin teacher? O baka dahil sa sobrang talino nila, hindi na nila kaylangan ng teacher? Kung ganoon, hindi ako dapat narito. Average lang naman ang talino ko at hindi mala-genius ang dating. Bumukas ang pinto, I was expecting na ang teacher na iyon pero nadismaya ako ng makita ang isang lalaki na pumasok. Matangkad siya, gwapo at nakataas ang buhok. Nakabukas din lahat ng butones sa uniform niya kaya ang puting t-shirt niya ang nakikita, habang ang sling ng bag nito ay nakasabit sa isa niyang balikat. Biglang tumahimik ang lahat. In just a snap, umupo ng maayos ang lahat ng students at tumingin sa harap, ako lang ang nag-iisang nakatingin sa direksyon ng bagong dating. Napansin iyon ng katabi ko kaya nagulat ito at lihim na tumingin sa akin. "Just what the hell are you doing, newbie? Look at the board kung gusto mo pang mabuhay!" Bulong nito. Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin kaya ang tingin ko ay napako sa bagong dating. Somehow, bigla akong nanlamig nang dumapo ang tingin nito sa akin. His eyes are full of intensity na kapag tumitig ka, makukuryente ka. "Did one of you forget my number 1 rule?" - matigas na pagkakasabi nito. His voice brings an authority to everyone na nagpanginig sa lahat. Inaamin ko, maging ako ay kinabahan. Just who the hell is he? No one dare to answer him. Sobrang tahimik na miske paghinga ay hindi ko marinig. What is happening? Why is everyone so afraid of him? "Second row 4th seat, state your name," Pagkasabi niyang iyon, tahimik na nagbilangan ang mga nasa 2nd row, and before I exhale, the 4th count stopped at me. Tinignan ko ang tatlong katabi ko na puro babae. Lahat sila ay may tingin na kinakaawaan ako maging ang ilang students. It's like something will happen na ikamamatay ko. Wait, anong gagawin ko? "Say again my fifth rule?" "Never make me repeat my words." someone answered. Ano bang nangyayari? Nakita ko kung gaano kasama ang tingin ng lahat sa akin ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko. T-teka, sino ba ‘tong lalaking ‘to? Nagulat ako ng hampasin ako ng katabi ko at bumulong sa akin. "Stand up and f*****g say your name idiot!" utos ng katabi ko. Mabilis akong tumayo. "S-Summer Harrison, m-my name..." Nakita ko ang pag-tagis ng bagang ng lalaking bagong dating. Malamig ang mga titig nito sa akin. Hindi ko alam, pero imbes na umiwas ng tingin, nilabanan ko pa ito ng tingin. Bakit hindi maalis ang tingin ko sa mga mata niya? He is very intense, like a hard one, he is as cold as ice and when you stare in those pair of cold eyes, it freezes you for a moment. Bigla siyang nag-iwas ng tingin, kasabay nun ang pagpasok ng teacher na kanina ko pa hinihintay. Automatic na nakahinga ako ng maluwag. He sat at the last row and the teacher began with her introductions. What was that? Tumingin ulit ako sa likod kung saan siya nakaupo at halos manlamig ako nang makita ang masamang tingin niya sa akin. What did I do?!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD