Ka-agad nagkagulo ang mga estudyante ng biglang bumagsak si Hades sa sahig. Lahat ay nagsi-layuan. Samantalang ako ay hindi ko alam ang gagawin ko. Kaagad dumaloy ang pagaalala sa dibdib ko at balak ko sana silang awatin ng hawakan ni Yeuseff ang kamay ko. Kaagad nakatayo si Hades at bumawi ng suntok kay Red, hanggang sa nagpatuloy na ito. "Let them, Summer. It's a man to man combat, it would be a shame on King's part kung makikialam ka." Boys and their ego. Bakit kaylangan daanin lagi sa dahas? Hindi ba pwede na magusap na lang? "Baka ma-suspend sila, Yeuseff!" "I don't know. It depends on how King will handle the situation." Tutok na tutok din sa panunuod ang grupo nina Gino. Parang nagugustuhan pa nila ang nangyayari. Bakit hindi sila ang lumaban? Nagtawag pa talaga sila ng tatapat

