Continuation...
“Oh, yeah, right!” pekeng napangiti siya at bumaling kay Hans na kumaway na rin dala-dala ang fishbowl niya.
“Ms. Dizon, sa pagkakaalam ko mula sayo ay bagong bigay ng kung sino ang goldfish mo, tapos ipamimigay mo lang ng bigla?!” angil nito.
“Mamamatay rin yung isda kung dito sakin, tapos mukhang may alam naman si Hans, ibabalik naman niya, pag may fish tank na ko.”
“Kahit na!” asik ni Nathan, “malay mo, binigay sayo para may stress-reliever ka dito sa opisina, hindi mo ba alam yun?”
“Bakit ba ikaw tong-“ napahagalpak siya ng tawa bigla, “ikaw tong naiinis, ikaw ba tong nagbigay ‘sir’ ha?”
“Guinea pig ang binili ko kahapon, para sa girlfriend kong model ng shampoo, kumpirmahin mo pa kay tita!” depensa nito, binitiwan na rin nito ang braso niya, sinulyapan ang nakalugay niyang buhok at napatalikod. Eh’ may topak pala talaga ito eh! Sungit!
DUMAAN NGA ANG ILANG ARAW AT kapansin-pansin ang pag-iiba ng ihip ng hangin sa pakikitungo ni Nathan sa kanya. Nananatili pa rin ang kasungitan nito, ngunit halos hindi na siya nito mapagalitan kung may kapalpakan siyang nagawa, sa opisina, nahuhuli niya itong matagal na sumusulyap sa kanya na animo’y pinag-aaralan siya. Hindi man niya maamin, hindi na siya nanlulumo ngayon sa katotohanang ang estrangherong matagal na hinahanap ay si Nathan Castillo pala, sa halip, naisip niyang matagal ng bumabagabag sa isipan niya ang lalaki hindi paman niya nadiskubre ang katotohanan. At ngayon, natutuwa siya sa katotohanang si Nathan pala ang estrangherong iyon, sa hindi niya maipaliwanag na dahilan…
Maybe, she was destined to really fall inlove with Nathan after all…That night, noong nasa isla sila, hinayaan niya itong halikan siya na nakatatak sa utak na ang kaharap niya ay si Nathan Castillo, hindi ang estrangherong nakadaupang-palad walong taon na ang nakakaraan…
Tapos na ang office hours kaya binagtas na niya ang parking lot patungo sa kotse niya, ng sa hindi inaasahang pagkakataon, ay hindi niya naiwasan ang biglang pagsadsad ng heels niya. Napatili siya at napakapit sa bumper ng isang kotseng nasa gilid niya.
“Chloe, are you okay?!” isang may pag-aalalang tinig ang nagpalingon sa kanya. Nang ipaling niya ang mukha ay nagulat ng madiskubreng si Nathan iyon. Bigla siyang napakunot. Tinawag ba niya akong Chloe?
“O-okay lang ako,” nakangiwi niyang pinihit ang katawan pataas at namataang sa sports nga ni Nathan siya napakapit, siguro’y ipapaandar na nito ang ignition ng bigla siyang mamataan. Tinanggal niya ang heels at nadismaya ng makitang halos matanggal na ang takong nito.
“Kaya ka pala nadidisgrasya at natitipalok eh’, kaya kung sinu-sino na lang ang kumakarga sayo,” maasim na hinablot ni Nathan ang heels niya. Nagulat siya sa sumunod na ginawa nito, napaluhod ito at pinukpok sa semento ang heels niya, ngunit hindi nito matagumpay na naidikit ang takong. Walang paalam siya nitong kinarga.
“Ho-hoy!” tili niya habang alsa nito, “anong ginagawa mo?!”
Iniitsa siya nito sa cars seat ng kotse nito, at mabilis na naisara ang pintuan. “Bibili tayo ng baong sapatos, pero kung gusto mo ng mura pupunta tayo ng Mr. Quickie,” tugon nito ng maka-upo na sa puwesto.
“Yung kotse ko, naiwan!” pakli niya at minatahan ang binata.
“Don’t worry, walang gagalaw nun, may guard naman, tsaka ihahatid kita sa inyo.”
“Your crazy, teka nga, Mr.Casti-“
“Nathan, Chloe, call me Nathan…” pagtatama nito sa kanya.
Hindi niya alam kung anong ire-reak, para siyang nasabugan ng rebentador sa utak, bigla ring tumigil ang pagtibok ng puso niya.
“Ha-ha?” maang niya.
“Kanina, narinig kong sabay na naman kayo ni Hans sa canteen, naiinis ako, wala akong pakialam kung may ugnayan kayo, basta ang alam ko, nagagalit ako kung nakikita ko kayong magkadikit! Chloe, magiging sinungaling ako kung patuloy kung ipapaniwala sa sarili ko na walang epekto ang gabing yun sa akin, I can’t take it anymore, ilang gabi na akong hindi makatulog dahil sa yo’, at hindi ko maatim sa sarili ko na hayaan at tingnan kitang mapunta sa kung sinu-sino! I like you!”
Kulang ang isang higop ng hangin upang maiproseso niya sa utak ang narinig mula kay Nathan. “Na-Nathan? Huwag mong sabihing-“
“Chloe, wala akong pakialam kong tatawanan mo ko ngayon, I can’t believe it myself that I’m swaying out again from my patterned life, hindi ko gusto tong damdaming to, minsan, hinayaan ko ang sarili kong umibig, but I end up hurting, but yes, I’m taking this risk again. Kung hahayaan mo ko, I would like to believe that our story is written in that one star.” Biglang nag-brake ang kotse nito sa gilid ng daan. Napatunghay si Nathan sa mukha niya at seryoso siyang tinitigan. “Ms. Dizon, I know this is crazy, dadalhin kita sa Mr. Quickie, kung ayaw mo, maglakad kang pabalik sa parking lot ng kompanya,” matalim nitong hamon sa kanya.
Hindi alam ni Chloe kung maiinis o matatawa sa tinuran ng lalaki. Klarong-klaro ang panggigipit nito sa kanya!
“Alam mo Nathan Castillo, tuso ka!” ismid niya at inirapan ito, “Alam mo bang may rule number three ka?!”
Malutong na tawa ang pinakawalan ni Nathan. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakita niya itong tumawa ng ganoon, yung tipong nakakahawa at mawawalan na ito ng hininga.Napakababaw naman ng humor ng hudyong ito! Nanlambot ang puso niya ng abutin siya ni Nathan at gawaran siya ng yakap habang tumatawa ito. “From this day on, rule number three is expired for Chloe Dizon…” bulong nito. Hindi niya maintindihan ang sarili, nagpatangay siya sa agos ng segundo, at nagpa-ubaya sa masarap na pakiramdam sa bisig nito.
“HAPPY VALENTINE’S!” BAGO PAMAN NIYA mailingon ang mukha ay isang mabilis na halik sa pisngi ang nagpalukso sa kanya.
“Na-Nathan…” napangiti siya. Magtatatlong linggo na silang magkasintahan simula ng sagutin niya ito may ilang linggo na ang nakakaraan. May dalawang buwan rin itong sumuyo sa kanya, bumisita sa bahay at dumalaw sa papa niya. Doon niya nadiskubreng masuyo ito at kakaiba maglambing. If he’ll let himself, Nathan could be the ultimate romantic, nadiskubre niya. “Malapit ng matapos ang office hours, may pupuntahan tayo mamaya,” bulong nito.
Matapos nga ng trabaho ay nakangiti siya nitong inabutan ng isang tankay na pulang rosas ng sumakay na siya sa kotse nito. Pakiramdam niya, isa siyang prinsesa sa piling nito. “Sabihin mo na, saan ba talaga tayo pupunta?” himig niya, wala itong tinugon kundi ang hawakan ang kamay niya at pisilin iyon.
“Alam mo, Nathan, hindi ako makapaniwalang magkasama tayo tulad nito. Salamat sa pagdating mo sa buhay ko…”
“Naks! Tingnan mo nga naman, pinagnanasaan mo talaga ako…”
Nanlaki ang mata niya, “May tulili ka ba? May sinabi ba akong pinagnanasaan kita! I-ikaw ha! Saan mo ko dadalhin?” pinalis niya ang kamay nito at in-ekis ang braso sa dibdib. Natawang hinuling muli ni Nathan ang kamay niya at marahang sinandal ang palad niya sa dibdib nito. “Chloe, mas nagpapasalamat ako sa pagdating mo sa buhay ko…”
Wari’y natunaw ang puso ni Chloe ng sambitin iyon ni Nathan.