Chapter 2 -Kahit Ngayon Lang
Kinabukasan ay maaga akong gumising at ginising ko rin si G, nagkape muna kami bago ko siya niyaya sa bakuran ng BRICA. Balak kong alamin ang kakayahan ng bagitong ito. Gusto kong makita kung ano ang kaya niyang ibigay at kung paano siya nakikipaglaban ng walang gamit na kung ano pa man na sandata. I will test his strength kung hanggang saan ang kakayanin ng stamina niya sa matagalan na laban and his ability to adapt from me. Isa pa sa titingnan ko ay ang bilis ng galaw niya dahil sa nature ng trabaho namin bilang hitman or bodyguard agent, malaki ang lamang mo sa kaaway mo kapag alerto ka at mabilis kang kumilos at mag-isip lalo pa kapag nasa harap ka na ng kaaway.
"Anong gagawin natin dito, D?" nagtatakang tanong niya dahil wala kaming bitbit na kahit ano maliban sa mga sarili namin although sinabi ko sa kanya kanina sa kwarto na mag-eensayo kami.
"Sparing tayo."
"Talaga D?" kitang-kita ang excitement sa kanyang mukha.
"Oo. Subukan mo akong tamaan, kahit isa lang. At kapag tinamaan mo ako sa kahit na paanong paraan, may premyo ka sa akin." ngumiti siya ng malapad at nag-unat.
"Ang dali naman nun D. Hahahaha! Tatamaan ka lang pala eh! Sisiw yan!"
"Huwag puro satsat bata, kilos!"
Mabilis akong sumugod sa kanya ng hindi niya inaakala, isang suntok sa sikmura ang bumungad sa kanya na ikinatumba niya sa sahig. Napailing ako dahil obviously ay mahina pa ang stamina ng sikmura niya sa atake. I made a mental note na sikmura niya ang unang dapat na ma-improve sa kanya. Nakuha niyang tumayo pero nakangiwi ang mukha niya at halatang nasaktan siya sa pabungad ko sa kanya.
"Naisahan mo ako dun D ha. Pero hindi na mauulit yun!" kaagad siyang sumugod at nagpakawala ng isang left hook punch at saka right kick pero nasangga ko ang mga tira niya ng walang kaabog-abog. Hinayaan ko siyang sumugod sa akin at magpakawala ng mga suntok at sipa, pero ni isa ay walang nakalusot sa mga tira niya. Saglit siyang huminto at dumistansya sa akin bago huminga ng malalim. Napansin ko na mabilis siyang kapusin ng hininga, hindi siya pwede sa pang-matagalan na laban kung mano-mano ang gagamitin.
"Yun na ba ang best mo, bagito?" biglang naging seryoso ang mukha niya at kumuyom ang kamao.
"Sinabi ng huwag mo akong tatawagin na bagito!" mabilis ulit siyang sumugod at sabay-sabay na bumira ng mga suntok. May kabilisan siya pero hindi parin kasing-bilis ko. Sa pagitan ng mga suntok niya ay nagawa ko pa rin na mabigyan siya ng isang straight punch na naging dahilan upang dumugo ang ilong niya. Napaatras siya at napamura ng malakas. "Iba ka talaga Legend! Nakakarami ka na sakin ha!" pinagmasdan ko siya habang kinokondisyon niya ang sarili niya. Pinahiran niya ang duguan niyang ilong saka huminga ulit ng malalim. Siguro nakita niyang medyo nag-relax ako kaya kaagad siyang sumugod. Tumalon siya sa ibabaw ko para maiwasan ang suntok ko, pero pagbagsak niya sa likuran ko ay isang front kick ang sumalubong sa kanya kaya napadpad siya sa dulo ng bakuran nang nakadapa.
"Ano? Kaya pa ba?" ine-expect ko na sasabihin niya ay a-ayaw na siya dahil bukod sa dumugo ulit ang ilong niya, bumulwak ang dugo mula sa bibig niya. Nahirapan siyang tumayo kaya may ilang mga baguhan ang tumulong sa kanya upang makatayo na nanonood sa amin. "Ayaw na bagito! Duguan ka na eh! Bukas ulit!" dumura siya at galit na pinahiran ang dugo sa kanyang ilong.
"Hindi pa ako naka-ganti sayo D! Ako ang magsasabi kung kailan tapos na ang laban natin!" kahit may iniinda ay nakaya pa rin niyang sumugod ulit na nagpabilib sa akin. Determinado ang batang ito, hindi siya basta umaayaw sa laban kahit pa dehado na siya. Matapang at hindi basta bumibigay sa sakit. Sinubukan niyang makatama sa akin kahit isa pero hindi makapasok ang mga pinakawalan niya hanggang sa tuluyan na siyang napagod sumubok at nahiga na lamang sa damuhan out of exhaustion. Nilapitan ko siya at inilahad ang kamay ko. Nang abutin niya ito ay buong pwersa ko siyang itinayo at inalalayan na maglakad.
"Marami ka pang kailangan matutunan G sa mano-manong labanan. Bukas ay target shooting naman ang gagawin natin sa umaga at sa hapon ay lecture tayo. Sa susunod na araw ay tuturuan kita ng mga techniques na tinuro ko dati kay J."
"Sige D. Salamat." nakuha pa niyang ngumiti kahit na nakangiwi ang mukha niya sa sakit ng katawan na tinamo sa akin.
Isang linggo kong tinuruan si G. Kailangan na namin kasi na mag-report sa dating first lady next week at alamin kung sino ang tao o grupo na gustong gumawa sa kanya ng masama. Kung tutuusin ay madali lang ang misyon na ito kung ako lamang mag-isa ang kikilos, pero dahil sa dalawa kami ni G ay kailangan alalayan ko rin siya bagay na medyo nagpapabigat sa akin.
Bukas na ang simula ng assignment namin ni G kaya nagpasya kami na magpahinga ngayon araw para fully charge kami bukas. Nasa kwarto ako mag-isa at naglilinis ng mga baril ko nang biglang tumunog ang aking cellphone. Unknown caller ito kaya hindi ako nag-aksaya ng panahon na sagutin ito. Nang mamatay ang tawag ay may pumasok na message. Binuksan ko ito at binasa.
Ako ito Dave.
Ilang tao lamang ang nakakaalam ng tunay kong pangalan, mga taong importante sa akin at mga malapit lamang sa akin. Kung sino man ito ay malamang ay importante ang pakay nito sa akin. Bago ko pa mapindot ang call button ay muling nag-ring ang cellphone ko.
"Hello, sino ito?"
"Hi Dave, kamusta?" kaagad akong napapikit nang marinig ko ang boses niya. Boses pa lang ay kilalang-kilala ko na kung sino siya. Hindi na niya kailangan pa na magpakilala dahil kahit nakapikit ako ay kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun. Bumilis ang t***k ng puso ko at mahigpit na hinawakan ang cellphone ko. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Kamusta Jewel. Napatawag ka.’ humiga ako sa kama at dinantay ang braso ko sa aking noo.
"Maayos naman ako, Dave. Ikaw, kamusta ka na? Nasa Pilipinas ako ngayon kaya naisip ko na tawagan ka. Nasaan ka?"
"Nandito ako sa BRICA."
"Bumalik ka na! Since when?"
"Just a week ago. Namiss kong makipag-patintero kay kamatayan kaya bumalik na ako."
"Hahahaha! So how’s everyone there by the way?"
"Ayos naman sila. May assignment ako bukas, my first."
"Wow congrats! Iba talaga ang original rank 1, may assignment agad kahit kababalik lang." tumawa siya sa kabilang linya. Namiss ko pati ang tawa niya.
"Kasama ko si G sa assignment kong ito, dalawa kami."
"Mabuti pumayag ka. Teka! Si G? Si Gerald Montes ba?"
"Oo siya nga. Siya ang partner ko ngayon hanggang sa matapos namin itong assignment namin. Bakit ka pala nandito sa bansa? Kasama mo ba si Cale?" may kirot pa rin sa puso ko ng banggitin ko ang pangalan ng lalaking kapalit ko sa puso niya.
"Ako lang mag-isa. May inaayos lang ako pero hindi ako magtatagal dito. Gusto sana kitang makita kaso ay may assignment ka pala."
"Pwede naman tayong magkita ngayon kung hindi ka busy, Jewel." hindi parin mawala sa akin ang pagkasabik na makasama ko siya, ang babaeng tanging minahal ko ng lubos. Kahit sandali ay papayag ako na kasama siya para kahit saglit ay maging masaya ulit ako kapiling siya.
"Are you sure? Hindi ka ba naghahanda para sa assignment mo bukas?"
"Tapos na, kahapon pa. So ano? Maliligo lang ako."
"Sige. Daanan na kita diyan. I’ve rented a car para hindi hassle sa mga nilalakad ko."
"Okay sige, ligo na ako para pagdating mo ay ready na ako."
"Alright. See you in a while, Dave."
Ilang minuto ko pang in-absorb ang lahat bago ako dali-dali na tumayo at tumungo sa banyo. After less than an hour ay nakita ko kaagad si Jewel lulan ng isang itim na sasakyan. Automatic siyang ngumiti sa akin ng magtama ang aming paningin. She signalled na pumasok na ako sa loob kaya mabilis akong humakbang papunta sana sa front seat pero mabilis siyang lumabas ng driver’s seat at lumipat sa kabila. Tinitigan ko muna siya bago ko pinaandar ang sasakyan. We ended up sa isang mall para makapag-lunch.
She hasn't changed a bit. Siya pa rin ang Jewel na kilala ko at memorya ng utak ko. Although medyo nagkalaman siya ng konti yet, her face is still beautiful and angelic pati ang ngiti niya ay hindi parin nagbabago. Kinapa ko ang puso ko habang nakatitig ako sa kanya at hinihintay ang mga orders namin. Yes, she is still here inside my heart. Siya pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko hanggang sa mga oras na ito. Alam kong mali dahil iba ang sitwasyon namin ngayon ni Jewel, alam kong hindi na dapat dahil may iba ng laman ang puso niya ngayon. Pero kahit ngayon araw lang, kahit sa mga oras na ito lang ay pikit-mata kong kakayanin ang sakit at lungkot sa katotohanan na hindi na siya akin basta makasama ko lang siya. Kahit ngayon araw lamang, kahit ngayon lang.
------,--'-,-{@