Chapter 5 -Darating Ang Araw

1878 Words
Chapter 5 -Darating Ang Araw May kalaliman na ang gabi at tahimik na ang kapaligiran. Nang huli kong sinulyapan ang relo ko ay pasado alas-dose na ng madaling araw. Sa pagkakaalam ko ay halos tulog na ang lahat ng nakatira sa bahay ng Montefalcon maliban sa mga guwardiya dito na nagbabantay sa paligid. Maaga rin nagpahinga si Mrs. Pilar na personal ko pang hinatid sa silid niya matapos itong mag-gabihan. At para masiguro na payapa ang pahinga niya ngayon gabi ay chi-neck ko pa ang loob ng kwarto niya maging ang mga bintana at pinto. Nagbilin rin ako dito na mag-lock paglabas ko at tawagan ako anumang oras kung sakali man na may maramdaman siyang kakaiba. Pero lingid sa kanyang kaalaman ay lihim rin akong naglagay ng isang maliit na cctv camera na konektado sa cellphone ko kung saan kita ang halos buong silid nito maliban sa CR at walk-in closet upang mas mabantayan ko siya kahit pa wala ako sa tabi niya. Tulog na tulog na rin si G pero ang diwa ko ay mulat na mulat pa rin. Kahit na anong pilit kong matulog at magpahinga dahil sa may importanteng lakad ang ginang sa umaga ay hindi ako dalawin ng antok kaya napagpasyahan ko na balikan ang mga liham na nasa pag-iingat ko. Ito ang mga death threat letters na natanggap ng dating unang ginang mula sa hindi kilalang tao. Habang binabalikan ang bawat liham ay patuloy na tumatakbo sa isip ko ang mga salitang binitawan kanina ng personal driver ni Mrs. Pilar. May kakaiba talaga sa paraan ng ikinilos ni Mang Baste maging ang mga salitang binitawan nito ng kausap namin siya kanina ni G sa garahe. Matagal na ako sa trabahong ito at halos memoryado ko na ang mga kilos ng tao kahit na hindi ito magsalita. At base sa mga nakita ko kay Mang Baste kanina, I am definite na may nalalaman siya tungkol sa kung sino ang posibleng nasa likod ng mga banta sa dating unang ginang. Nilista kong lahat ang observation ko sa aking handy notebook. Isang bagay na itinuro ko noon kay Jewel ng baguhan pa lamang siya sa BRICA. Iba narin kasi kung nakalista ang mga detalyeng makukuha mo sa mga assignments mo dahil anytime ay pwede mo itong balikan at pag-aralan. Matapos kong maglista ay sinilip kong muli ang aking cellphone upang tingnan ang ginang. “Matulog ka na Dave, halos two na pala. Maaga pa ang alis nyo mamaya.” paalala ko sa sarili ko ng makita ko ang oras. Tinabi ko na ang notebook ko kasama ang mga death threat letters sa unang drawer na nasa gilid lang ng kama kung saan ako nakapwesto. Pinatong ko rin ang aking cellphone sa ibabaw saka nagpasya na humiga na. Kailangan kong makapagpahinga dahil ayon kay Mrs. Pilar ay baka maghapon ang lakad niya kaya kailangan ko ng lakas. Pumikit na ako kahit pa hindi pa rin ako inaantok. I have also cleared my mind sa mga isipin ko para makatulog na ako. Pero bigla akong napamulat ng may naririnig akong isang boses ng lalaki na nagsalita tapos ay may sumagot dito na lalaking tinig rin. Dali-dali akong tumayo at maingat na lumapit sa may pinto. Dinikit ko ang aking tenga upang marinig ang ingay sa labas. “Gisingin mo na si Leo pagdating natin sa quarters. Kanina pa dapat tayo nakaalis. Bakit ba kasi nag-inom pa kayo kagabi? Alam nyo naman ay may pinapa-trabaho sa atin si Boss Brendan tapos uminom pa kayo.” “Eh konti lang naman ang tinira namin kagabi, pampatulog lang. Ngayon na ba natin ili-ligpit yung isang tumalo kay Boss?” “Yun ang utos niya kaya nga dapat ay nakaalis na tayo dahil mamaya pag-gising ni Boss ay siguradong magtatanong sa akin yun kung kamusta ang lakad natin.” “Iba talaga makalaban si Boss, ano nga? Madaling mapahid ang pisi.” “Kaya ikaw, huwag na huwag kang magbabalak na traydurin si Boss dahil alam mo na kung anong kalalagyan mo kung sakali.” “Malabo yan. Loyal yata ito kay Boss Brendan.” Hanggang dun lang ang mga narinig ko dahil bigla na lang tumahimik sa labas. Imbis tuloy na makatulog ang diwa ko ay mas lalo lamang itong nagising sa mga narinig ko mula sa dalawang nag-uusap na obvious naman ay mga tauhan ni Brendan. Kung may sasakyan lang ako ay pwede akong sumunod ng palihim para makita mismo ng mga mata ko ang gagawin nila. Which reminds me na dapat pala ay may service kami ni G dito kahit pa binigyan kami ng pahintulot ni Mrs. Pilar na gumamit ng kahit ano sa mga sasakyan nila para if in case na may mga ganitong situation. I made a mental note na mamaya pala ay magre-rent ako ng sasakyan. Hindi na ako nakatulog. Pagtungtong ng alas-kwarto ay nagsimula na akong mag-handa at saka na-ligo pagkatapos ay nagpunta ako sa kitchen para magtimpla ng kape. Maagang naghahanda ang mga katulong ng agahan para sa mag-ina na inabutan kong busy na pagpasok ko ng kitchen. Hindi na ako nagtanong kung saan makikita ang kape at asukal dahil nakalagay na ito sa table kaya kumuha na lang ako ng mainit na tubig sa thermos. Sa kwarto na namin ako nagkape habang nakaupo sa coffee table na nakapwesto sa tabi ng bintana. Maya-maya pa ay gumising narin si G at naligo. Nagtimpla rin siya ng kape niya at bumalik rin ng kwarto. “Ang aga mo naman magising, D.” “Hindi naman ako natulog.” nagtataka siyang tumitig sa akin matapos humigop sa tasa niya. “Bakit? Namamahay ka ba?” pabiro pa niyang sagot. “Hindi. May narinig kasi ako kanina sa labas, dalawa sa mga tauhan ni Brendan. May pinag-uusapan sila tungkol sa pinapagawa sa kanila ng amo nila.” “Anong narinig mo?” “May tao silang ili-ligpit ngayon na inutos daw ni Brendan. Mukhang may tumarantado dito at gusto itong iligpit.” “Mukha nga na masamang kalaban ang isang yun kagaya ng sabi sa atin ni Mang Baste kahapon.” “Gusto ko sanang sundan ng palihim kanina, kaso wala nga pala tayong dalang sariling service natin.” “Oo nga D. Dapat ay may sariling service tayo para kapag may libreng oras tayo ay pwede tayong lumabas saglit at mamasyal.” umangat ang isang kilay ko sa narinig ko. “Hoy G. Nagpunta tayo dito hindi para mamasyal. We are here because of our mission at yun lang ang gagawin natin dito kung gusto natin matapos agad ito bago pa ang deadline ni Big Boss sa atin.” “Yun naman ang sabi ko ah. Mali ka lang ng narinig siguro.” napailing na lang ako. “Kailangan matapos natin ang mission na ito sa lalong madaling panahon dahil may kailangan pa akong asikasuhin.” “Ano naman? May naka-line up ka na agad na assignment pagkatapos nito? Bilis naman.” “Hindi yun. May hinahanap kasi akong tao na may malaking pagkakautang sa akin. Maniningil lang ako.” “Nagpapautang ka rin ba ng pera, D? Parang sa mga bumbay?” “Gago! Hindi pera ang tinutukoy ko. Maniningil ako ng buhay.” “Ah. Akala ko pinasok mo narin ang pagpapautang bilang sideline mo. Hahahahaha.” “Kahit kailan talaga hindi ka pwedeng makausap ng matino, ano? Maniningil ako ng buhay sa taong naging dahilan ng pagkawala ko ng mahabang panahon.” “Sino D?” “Hindi mo siya kilala kahit pa sabihin ko sayo kung sino.” “Eh sino nga? Malay mo kilala ko sa pangalan hindi ba?” ang kulit talaga ng bagito na ito. “Si Hector De Silva. Dati siyang target ko na pina-trabaho sa akin ng isang assignment ko noon. Hindi ako nagtagumpay na tapusin siya dahil tinraydor ako ng look out ko na tauhan pala niya.” Naalala ko na naman ang araw na yun kung saan naging daan upang mabago ang takbo ng buhay ko at kung saan nahiwalay ako kay Jewel. Sinumpa ko ang araw na yun. At sinumpa ko rin sa sarili ko na sa pagbabalik ko ay hahanapin ko si Hector para maningil. “Baka pwede mo naman akong isama jan habang wala pa ulit akong assignment pagkatapos natin dito, D.” “Huwag na. Hindi ko kailangan ng kasama dahil mas mapapadali ako kung solo lang akong kikilos. Isa pa, mahirap na kung madamay ka pa. Laban ko ito at ako lang ang tatapos dito mag-isa.” “Pinapabilib mo talaga ako, D. Iba talaga ang katapangan mo. Pero alam mo ba? Minsan mas mabuti na may kasama ka para kung sakali man ay may tutulong sayo kapag alanganin ka.” “Hindi rin. Nasanay ako na solo lang ako, ito ngang pagsama mo sa assignment na ito ay tutol talaga ako kaya lang ay request ni Big Boss kaya hindi na ako makatanggi pa kahit ayaw ko.” “Grabe ka naman, D. So ibig sabihin ba ay labag sa loob mo na kasama mo ako ngayon?” may himig ng tampo ang boses niya. “Kung sa labag ay Oo, pero ayos narin na kasama kita ngayon. At least may nakakausap ako na kagaya mong ubod ng daldal.” “Hahahahaha! Yun naman pala eh! Kung ganon ay isama mo na ako sa paniningil mo sa De Silva na yan, D. Promise, babawasan ko na ang kadaldalan ko at hindi na ako basta eepal kapag nagtatanong ka. Promise D, pangako. Isama mo lang ako.” mabilis akong umiling. “Kapag sinabi kong hindi, ibig sabihin ay hindi. Personal na lakad itong kay De Silva, G. At gusto ko na ako lang ang gumawa nito. Maliwanag ba? O gusto mong maliwanagan ka ng suntok ko muna?” “Ito naman. Oo na! Hindi na ako mangungulit na sumama sayo. Pero kung sakali na magbago ang isip mo at maisip mo na magsama kahit isa man lang, ako ang isama mo ha.” ang kulit talaga nitong bata na ito. Tumango na lang ako para matapos ang usapan dahil siguradong hindi ako tatantanan ng isang ito kung magma-matigas pa ako at kokontrahin ko pa ang gusto niyang marinig. Habang naghihintay ng oras ay hindi mawala sa isip ko si Hector De Silva. Siya ang dahilan kung bakit nag-kanda leche-leche ang buhay ko ngayon. Dahil sa kanya ay nawala ang memorya ko at nawala ako ng mahabang panahon na inakala ni Jewel ay patay na ako. Dahil dun ay nagmahal ulit siya ng iba na hindi naman niya kasalanan. Kaya sinumpa ko na si Hector. Sinumpa ko na sa sarili ko na magbabayad siya sa ginawa niya sa akin at sa buhay ko. Darating ang araw na muli kaming magkakaharap. Darating ang araw na mahahanap ko rin siya at magtatagpo muli ang mga landas namin. At kapag dumating ang araw na yun ay titiyakin ko na makakapag-higanti ako. Titiyakin ko that this time, hinding-hindi na siya makakaligtas pa. Na hinding-hindi na niya ako malalamangan at maiisahan ulit kagaya ng ginawa niya sa akin noon. Kaya ayaw ko rin na may kasama pa dahil sa ginawa noon sa akin ng look out ko. Ayokong maulit ang nangyari noon sa akin na tinraydor ako kaya mabuti ng mag-isa kaysa maisahan ulit. —--’--,-’-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD