Chapter 32 -Suddenly Turned Sour Matapos namin mag-usap ni Tamara ay pinilit kong balikan ang ginagawa ko pero ilang oras na ang nakalipas ay hindi ko nabalik ang focus ko. Binabagabag ako sa sinabi niya sa akin kanina. Nag-aalala ako para sa kanya at sa kalagayan niya sa bahay nila. Alam ko naman na ligtas siya dun kaya lang ay hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala dahil sa present na condition nilang mag-ama. Kung may pwede lang sana akong gawin para makatulong ako sa pinagdaanan ngayon ng girlfriend ko kaso ay alam ko sa sarili ko na away pamilya ito at hindi dapat ako makialam. Isa pa ay mukhang kaya naman ni Tamara na suyuin ang daddy niya according to her. Hindi ko na tinuloy ang naantala kong ginagawa at natulog na lang ng maaga. Kinabukasan ay nagpunta ako sa DE SILVA CONDOTEL p

