#1: When it all Started?

2581 Words
Kapag naaalala ko kung paano niya nagawang mapasagot ako... Masasabi ko talagang dumaan siya sa maraming rejections galing sa akin. Ilang beses niya akong kinulit at niligawan non pero ilang ulit ko rin siyang tinurn down. He gave all his time and effort para lang mapatunayan ang sarili niya at para maipakita niya sa akin na malinis ang hangarin niya. That he's sincere and all. Everything! Lahat naman nang 'yon nakita ko at naramdaman ko. ---- ---- ---- "Hey, Lirah!" Narinig ko yung pagtawag nito sa akin mula sa aking likuran pero dire-diretso lang ako sa paglakad nang parang walang naririnig. "Lirah!" Tawag nito uli sa pangalan ko. Kaya huminto na muna ako sa aking pag-lakad. Ano ba kasing kailangan niya sa akin? Saka ko napansing tumigil na rin pala siya sa kanyang mga pag-hakbang dahilan para hindi ko na marinig ang mga yabag ng paa nito. Saka ako lumingon sa kanya. "Bakit, May kailangan ka ba sa akin?Importante ba yang sasabihin mo? Nag-mamadali kasi ako e! Marami pa akong kailangang gawin at dapat na tapusin." Dire-diretso kong sabi sa kanya habang magkakrus ang aking mga braso. "Puwedeng importante?" Patanong na pagkakasabi nito saka siya ngumiti sa akin. Ano bamg sinasabi niya diyan? "At puwedeng hindi yan importante. Di ba? So hindi na. Saka mo na yan sabihin sa akin. Busy ako." Madiing sabi ko. Saka ako muling humarap sa direksyong nilalakaran ko. It was him. Ever Pollux Arellano. Classmate ko nong Highschool. "Importante sa akin yon. Kaya nga kita sinusundan ngayon e! Saka kailangan kong sabihin sayo 'to." Plain niya pang sabi saka pa ito muling ngumiti pagkatapos. May sapak ba siya sa Utak? Bakit ba ngiti siya ng ngiti? "Well! Para sa akin hindi. Kaya pasensya ka na. Kasi may mas importante pa akong dapat gawin kaysa ang tumayo dito at pakinggan pa yang mga susunod mong sasabihin." Saka ako muling lumingon sa kinatatayuan niya. "Pero sige! Bibigyan kita ng time na mag-salita but make SURE na importante talaga yan at hindi mo masasayang ang oras ko." Talagang in-Emphasize ko sa kanya ang mga salitang yon. Ngumiti ako rito ngunit pilit. Kunwari natutuwa pa ako pero ang totoo naiinis na ako. Nandoon na kasi dapat sa loob ng Library pero eto ako.. Nag-aantay ng mga sasabihin niya daw sa akin. Napapairap na lamang ako sa loob ko. "Teka ha! Saka sinabi ko ba sayong sundan mo ako kung saan ako pupunta? Hindi naman di ba?" Nakataas pa ang kilay ko habang sinasabi pa ang mga yon sa kanyang harapan. Am I too Harsh to him? Pero imbis na simangutan niya ako sa mga sinabi kong yon sa kanya.. Ngumiti pa rin ito sa akin ng pagkalapad-lapad na halos kaunti na lang e.. mapunit na ang buong bibig niya. Kaya mas lalo lang akong nabuwisit dahil sa mga pangiti-ngiti niya roon. Hindi na siya nag-salita pa sa akin. Kaya naman nag-patuloy na ako sa aking paglakad. Hanggang sa makarating at makapasok na ako doon sa Library. Iniwan ko na siya doon pero nakasunod pa rin pala siya sa akin nang makapasok na ako doon sa loob. Bahala siya diyan! Dumiretso na ako roon sa Shelf section ng libro na kailangan kong basahin. Nang bumungad ang pag-mumukha niya doon sa nablangkong space nong kinuhaan kong book. "Gusto ko lang namang makipag-kaibigan sayo." Aniya at nag-taas baba pa siya ng kilay. Weird. Napaismid na lamang ako dahil sa sinabi niyang iyon. Saka ako diretsong pumunta sa mga bakanteng upuan. "Hindi ko kailangan ng maraming Kaibigan. Okay na ako sa small group of friends na mayroon ako." Sagot ko sa kanya habang sumusunod ito sa akin. Saka ako agad na naupo doon sa Chair. "Edi dagdagan natin. The more the Merrier hindi ba?" Inilapag ko na ang librong hawak ko at ang bag na bitbit ko doon sa katabi ko pang upuan. "What do you think?" Sabi nito habang naka-lean forward sa tapat ko. Napalayo ako sa kanya. Idudukdok niya ba yang pag-mumukha niya sa akin sa sobrang lapit niya?! "Ako? Sa tingin ko hindi na. Hindi ko na kailangan ng mas maraming kaibigan. Okay na ako sa kakaunti lang pero totoo." Bahagya kong itinaas iyong libro para matakpan na ang aking mukha nang sa ganon ay hindi ko na siya makita. Pero mas lalo pa itong lumapit sa akin. Paupo na sana ito sa katabi kong silya pero hindi na siya tumuloy at bumalik na lamang siya doon sa kabilang side nitong Lamesa. Nakita niya sigurong nandoon ang bag ko sa Vacant seat na tabi ko kaya siya napaurong. Gusto kong matawa pero hindi ko magawang gawin iyon sa harapan niya. Dami niyang time mangulit ha? Wala ba siyang ibang gagawin? Hindi ba siya mag-aaral instead na manggulo at mag-ingay? Hindi kasi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil sa ingay na ginagawa niya. "Aware ka naman siguro kung nasaan ka di ba?" Kunot noo ko pang tanong sa kanya kahit hindi naman niya ako nakikita. Nasa tapat pa rin kasi nitong face ko ang binabasa kong libro. "Nasa library." Aniya saka ko siya pasimpleng sinilip. Idinudutdot niya pa ang mga daliri niya roon sa Mesa. "So alam mong hindi ka dapat na nag-iingay dito." Tumayo na ako mula doon sa kinauupuan ko. Saka ako nag-punta sa desk nong Librarian na siya ding malapit sa Exit door. "Ano okay na ba sayo na maging magkaibigan tayong dalawa?" Hindi ko siya pinansin. Kunwari na lang wala akong naririnig. Bahala siya diyan sa buhay niya. Napaka-ingay niya! Hindi ako makapag-aral. Lalaki ba talaga ang isang ito? Bakit ang kulit at ang daldal niya? Tinignan ko siya nang diretso ngunit walang emosyon. Saka ko ulit humarap doon sa Librarian. "Library ID?" Rinig kong sabi noong Librarian sa akin. Sabay abot sa ID na hinihingi nito sa akin. Diretso na uli akong nag-lakad nang ako lang at walang ibang ingay na naririnig sa paligid. Napaka-peaceful! Lahat kasi nang nadadaanan kong Classroom ay ongoing pa ang klase. Kaya ayon medyo tahimik iyong buong Veranda. Simoy ng hangin lamang ang maririnig mo. Buti naman at nawala na yung isang yon sa paningin ko. Mas maganda yung ganyan na hindi ko siya nakikita at nararamdaman. "Lirah!" Oh my goodness! Medyo nagulat ako sa biglaang pagsulpot at pagtawag nito sa pangalan ko. Ayan nanaman siya! Ano ba kasi talagang gusto niya at ayaw niya akong tigilan? Ano bang gustong mangyari ng isang 'to? "Ano ba talagang gusto mo? Anong kailangan mo sa akin? Sabihin mo na kaya. Kanina ka pa diyan e!" Dire-diretsong sabi ko saka siya hinarap. "Hindi pa ba halata? Lirah naman o?Kunwari ka pang hindi mo alam!" Aniya habang nangingiti siya doon. Para siyang inasinan na bulate doon sa kinatatayuan niya. Ang likot-likot niya. Natatae ba siya?! Duh! Ako pa ba? Syempre alam ko at nahahalata ko oo. I just preferred na hindi siya pansinin at huwag na siyang I-entertain pa. Wala ayoko lang! Saka hindi kasi ako interesado. Yun lang! So sa sinabi niyang yon... Tiningnan ko lang siya saka ikinunot itong noo ko na parang gusto kong sabihin na... "Ano bang gusto mong palabasin? Hindi mo na ako diretsuhin!" But I used to be silent in that situation and sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. "Tss.. Bakit hindi mo ako diretsuhin, Puro ka pabitin diyan!" Sarcastic kong pag-kakasabi saka siya inirapan. I'm just not interested. I have no time sa mga ganyang bagay. Sisirain lang niyan ang focus ko sa pag-aaral. Dahil alam ko sa sarili ko na ang Love na yan ay isang malaking DISTRACTION lang. Na once pasukin mo magugulo na ang buong time mo. Made-divide na siya sa maraming bagay. At ayoko pa na mangyari yon sa akin. That's why sinasabi ko ngayon na hindi ko pa gustong pasukin ang pag-kakaroon ng Relasyon. "I like you Lirah." Ang diretso pala talaga niyang tao masyado no? Nagulat ako pero hindi ko masyadong pinahalata sa kanya. "And I don't like you! Sorry hindi ako interesado." Plain kong pagkakasabi at sinubukan ko pang ngumiti sa kanya. Para kahit papaano naman hindi ganong maging Rude ang dating ko sa kanya.. Hindi pa ba? It's okay for me to do things like that kaysa ang paasahin ko pa siya then after all his effort wala rin akong gagawin kung hindi ang sabihin na "No. Hindi ko siya gusto. Huwag na siyang umasa pa!" Wala. Ayoko muna kasi talaga! Ayoko pang mamroblema at isipin ang lalaki sa buhay ko. Gusto ko munang mag-aral at buoin ang pangarap ko hangga't maaari. Marami pa akong mga bagay na mas dapat kong unahin. Kaysa ang piliing magulo ang buong sistema ko nang dahil sa pagkakaroon ng what so called... Love life. At medyo nakicringe pa ako sa idea na iyon! "Bakit, Bakit mo sinasabi sa akin ang bagay yan?" Finally nakapag-construct na ako ulit nang pwede kong sabihin sa kanya. Acck... Aaminin ko kahit alam ko namana na yung maaaring sabihin niya pero nagulat pa rin ako. "Kasi sayo ko talaga gustong sabihin to! Sayo lang hindi sa kahit sinong ibang babae diyan." He smiled after niyang sabihin yon sa pagmumukha ko. Hindi man lang ba siya madidisappoint o maaapektuhan sa mga sinabi ko? Like I rejected him already. I turned him down! Lillian Jairah mag-isip kang mabuti okay! Ang lalaki mabait lang yan sayo kasi may gusto yang makuha galing sa'yo. Gusto niyang mapa-Oo ka. Gusto niyang pumayag ka. Kaya gagawin niya ang lahat at ipapakita niya lahat nang mabuting side niya sa'yo para makuha ka. He's just starting to confess his feelings for you. Just don't give him a chance. Don't! Kung anu-ano na ang mga thoughts na nag-lalaro sa isipan ko. Nasisiraan na ba ako ng ulo?! Wendy hindi ka puwedeng madistract sa mga sinasabi niyang matatamis na salita sa iyo. Hindi puwede yon! Hindi totoo lahat nang pinapakita niya. Kinukumbinsi ka lang niya hanggang sa bumigay ka at umoo ka. Pero sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano ang totoo sa hindi. Pero may isa akong alam. Masasaktan at masasaktan ako! Yon ang sigurado don! At sa ngayon... Hindi ko pa gugustuhing sumugal sa Pag-ibig na yan o kung ano man ang tawag nila sa bagay na yon. "Bakit?" "Bakit ako?" I asked him again. Simpleng taong pero hindi gaanon kadaling sagutin. Huminga pa ito ng malalim bago siya muling mag-salita sa akin. "Ito ha... Sasabihin ko ang totoo sayo at sasagutin ko yang mga tanong mo sa akin. Okay. Sayo ko sinasabi ang lahat nang 'to dahil ikaw ang gusto ko. Ikaw yung nakakuha ng Atensyon ko. At alam ko sa sarili ko mismo na iba ka sa iba sa ibang babae na nandirito. Alam ko na hindi ka katulad ng ibang babae diyan! You're simple and beautiful just the way you are. Ikaw ang nag-patibok sa natutulog kong puso. Sayo ako naging interesado. Sayo ako tinamaan! Ganon mo nakuha ang atensyon ko. Bonus na lang yung Kagandahan mo at Katalinuhan mo. Saka alam kong hindi ka maarte kasi simple ka lang." Aniya at pagkatapos ay ngumiti nanaman siya sa akin. Napakarami niyang sinasabi sa akin. Gusto kong matawa sa kanya pero hindi ko magawang tumawa. Bakit ganon? Pakiramdam ko may mga nag-rarambulan sa loob ng tiyan ko? Teka lang muna ha! Hindi ba siya napapagod sa kanina niya pang pag ngiti-ngiti diyan? Umiling-iling na lang ako sa mga narinig ko galing sa kanya. Alam ko kasi na lahat sila at karamihan sa mga lalaking tulad niya... Yan ang mga sinasabi sa mga babaeng nakukursunadahan nila. Lahat naman ata sila ganyan talaga ang isa sa mga sasabihin sa mga babaeng katulad ko. They do everything just to caught your attention. Bobola-bolahin ka! Dadaanin ka sa mga flowery words. Iba ka. Ikaw ang gusto ko. Sayo ako interesado. At ikaw ang nagustuhan ko. Lahat sasabihin nila sa'yo e. Hindi ko nilalahat pero ganon yon hindi ba? Hindi naman ako nagpapapansin sayo e! Pero nakuha ko yang Atensyon mo. Pero it's final! Ayoko. Ayoko pang sumubok. Ayoko pang sumugal. So hangga't maaga pa umiwas na. Stop doing this kind of stuff, Ever Pollux! "Don't get me wrong ha, If I will Reject you. I'll go ahead! Marami pa akong gagawin. Excuse me lang." Naiwan siya doong nakatayo at hindi ko na sinubukang lingunin pa siya ulit. Tama naman siguro yung ginawa ko di ba? Hindi pa ko ready sa Commitment. At inuulit ko. Ayoko munang sumugal sa Pag-ibig na iyan! And ang Korni ng idea na yon. *** *** **** Lahat na ata ng klase ng pang-iignore ginawa ko na sa kanya. Pinapakita ko sa kanyang hindi ako interesado sa mga sinasabi niya and all of that... Walang epekto sa kanya. Wala siyang pakielam! Walang kuwenta at walang sense ang lahat ng pang-rereject ko sa katulad niya. Ang dami niyang energy, Actually. Parang ako pa ang mas napapagod keysa sa kanya. Hindi ko alam! Kung naiintindihan niya ba ang mga sinabi ko or sadyang Nag-tatanga tangahan lang siya? But at the end of the day... Your choice and your decision pa rin ang mananaig sa'yo as a person. Hindi ka dapat bumase nang mga magiging desisyon mo sa kung ano ang puwedeng maramdaman mo lalo't hindi ka sigurado. Hindi rin puwedeng mag-based ka sa mga pinapakita ng taong nasa paligid mo. Pagdating kasi sa Pag-Ibig... Kailangan mo talagang sumugal oo. Kailangan mong mag-take risk. Kasi kung hindi mo susubukan, hindi mo alam kung ano ang magiging resulta. Pero ako kasi... As much as possible hindi ko muna gagawing mag-take risk at pumasok sa isang bagay lalo na kung hindi pa ako handa. Happiness is a choice. And every one od us deserves to happiness in life. But be ready sa sakit na maaari mong makuha once you enter to something na ginusto mo. Maging handa ka sa paiba-ibang emosyon na puwede mong maramdaman. Once na pasukin mo ang pagkakaroon ng Romantic relationship! Hindi kasi palaging masaya. Dahil hindi palaging ganon sa Relasyon. Pero hindi rin naman ibig sabihin na nag-sasuffer ka dahil sa sakit na nararamdaman mo at pinagdadaanan mo e... Forever mo na ring Idadown at Ito-torture ang sarili mo. Kasi when you're in a relationship and when you commit to something that you want and something you're interested... Madami kang puwedeng pagdaanan. At part noon ang minsang magiging masaya ka at magiging malungkot. Mararanasan mong masaktan at madapa ng maraming beses. Pero sa lahat nang iyon hindi bat may pag-pipilian naman tayo? Choice mong maging masaya. Choice mong maging malungkot. At choice mo kung habangbuhay kang mag-papakalunod sa sakit na maaari mong danasin. Ang buhay ay isang malaking Dagat. Hindi mo alam kung gaano kahaba at gaano kalalim ang maaari mong sisirin hanggang sa makarating ka sa dapat mong patutunguhan. Hindi sa lahat nang pagkakataon ay pipiliin mong mag-stay sa isang sitwasyon kahit na alam mo na sa sarili mong hindi na maganda at hindi na okay ang mga nangyayari! Everything is a choice. There is no Perfect person in a Relationship. Dahil kayo mismo ang gagawa noon para sa mga sarili ninyo for those things to be look perfect! Ako. Hindi ko rin malaman kung paano kami humantong sa ganoong pagkakataon! Hindi ko alam kung anong nangyari sa aming dalawa. Hindi ko na alam pa kung maaayos pa ba kami. Saka paano nga ba at bakit kami napunta sa ganoong sitwasyon? Maski ako hindi ko rin magawang masagot. Ngayong tapos na ang pakikipaglaban namin. At tapos na rin ang lahat-lahat ng namamagitan sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD