Halos Araw-araw ako kung padalhan ni Ever nang mga note sa Locker ko. Which was palagi ko namang kinukuha at iniipit sa ilan sa mga notebook ko. Actually sa sobrang dami ay naiipon na siya. Pakalat kalat at kung saan saan ko na nga rin dinidikit ang mga yon! Basta kapag nakita kong may mga maliliit na papel na nakasingit doon e... Kinukuha ko na lang at itinatago. Daig ko pa ang may Mail box dahil bawat araw may mga note akong natatanggap galing sa kanya.
Para pa akong eng-eng dito kung mag-tago, para lang masigurado na walang ibang tao. Ayoko kasing may makakita saakin habang binabasa ko iyong mga pinag-lalagay dito ng Ever na yan!
Ayokong mag-isip yung mga tao sa paligid ko na kung anu-ano tungkol saaming dalawa.
Ewan ko ba, kung bakit masyado akong worried.
Kinuha ko na agad iyong sticky note na nakasingit sa ilalim. Saka iyon diretsong dinikit sa first page nong librong bitbit ko.
Sabi ko nga... Sayang naman yung tinta nang ballpen na ginagamit niya. Yeah, yung ink lang talaga ng ballpen ang iniisip ko. Nothing more, nothing less. Yun lang! Ang hindi ko rin naman maintindihan sa sarili ko is bakit pa ako nag-eeffort na kunin ang mga yon.
Anything na may makikita akong kahit na anong bagay galing sa kanya, Automatic ko iyong kinukuha at itinatago.
Basta! Walang ibig sabihin yon.
Hindi ba siya nasasayangan o nanghihinayang sa pinag-gagagawa niya? Ang tsaga niyang mag-susulat sa pag gamit ng Ballpen at notepad. Minsan nga paiba-iba pa siya ng kulay e! Hindi ba siya napapagod? Best in writing ba siya before? Dati siguro siyang Pluma at Papel sa past life niya, kaya hanggang ngayon bitbit niya sa present life niya ang ganyang gawain! Tss... Gustung-gusto niyang nag-susulat at nag-bibigay ng mga ganitong love note e! I mean ang hilig niyang mang-buwisit ganyan! Ano bang pinagsasabi mo, Wendy?
Napapaisip tuloy ako... Siguro ginagawa niya rin yung mga ganito sa ibang babae?
So... Ako naman as a concern citizen para maramdaman naman niyang hindi nababalewala yung mga ginagawa niyang yon para saakin. Tinatago ko na lang rin, kahit na ang totoo labag yon sa kalooban ko.
Baka kasi kapag tinapon ko ang mga piraso ng mga papel na yon mapuno lang yung Trash bin, kasalanan ko pa.
May plano ata siyang punuin yung Locker ko, Baka nakakalimutan niya...
This is a school property, not mine. Hindi yon tambakan ng Papel at nang kung anu-anong bagay na gusto niyang isingit at ilagay doon. Kahit naman pag-sabihan ko siya, para lang akong nakikipag-usap sa hangin at hindi niya pinakikinggan.
So bahala siya diyan!
Lumabas ako nong classroom pagkatapos nong huling subject namin.
And Yes! Nandito nanaman ako sa harapan ng locker ko. Gawain ko kasi talagang iwanan ang ilang mga gamit ko dito sa school para kapag uuwi ako sa bahay wala na akong masyadong dala-dala. May panibagong note nanaman akong nakita and as usual galing yon sa kanya.
Nagiging hard at harsh na nga ako sa kanya, pero siya naman itong ngiti nang ngiti saakin. Hindi na ako natutuwa sa mga pag-ngiti ngiti niyang yan saakin. Nakiki-cringe ako sa mga pinag-gagawa niya.
Umalis na ako sa lugar kung saan ako galing at nag-lakad na akong uli sa Hallway. Saka diretsong pumasok sa Room na walang ibang tao kung hindi ako lang.
Naupo ako doon sa unahan at nilabas ang librong kailangan kong basahin.
"Lirah!" Speaking of! Ayan nanaman siya. Napapa-poker face na lang talaga ako everytime I heard his voice saying that nickname na sa kanya lang rin nanggaling at nag-simula. Kukulitin nanaman ba niya ako?! Ugh.. Puwede bang mag-pahinga naman siya?
Hindi ba siya napapagod sa mga ginagawa niya? Kailan niya ba ako bibigyan ng Peace of mind! I mean... Gusto ko lang naman mag-basa ng libro. Mahirap ba para sa kanyang manahimik muna kahit sandali lang?
And yes... Sa kanya lang rin nanggaling ang idea ng nickname ko na Lirah. Because my real nickname at home is Wendy not Lirah.
"Balita ko... Mag-kasama daw tayo sa Group Reporting?" Pilit nitong hinihila pababa yung librong nasa tapat ng mukha ko.
Ayoko siyang tignan at mas lalong ayoko siyang kausapin. Kaya pilit ko ring itinataas nang ayos yung librong hawak ko.
Istorbo siya! Nag-babasa nga kasi ako.
"And so?" Masungit kong pagkakasabi dito. Saka ko tuluyang ibinaba yung librong kaninang binabasa ko.
"Wala lang! Edi masaya. Kasi mag-kasama tayo. Mag-kagrupo tayong dalawa." Ngumiti pa siya saakin na parang proud na proud siya sa kanyang sarili. Tinaasan ko lang naman siya nang Kilay.
Kakairita ha?!
"Ako. Tanungin mo ako kung masaya ba ako?" Bigla kong sabi at agad na ring ibinalik yung atensyon ko sa harapan ng librong hawak ko.
"Hindi ko na tatanungin. Alam ko naman na yung sagot don!" Proud pa nitong pagkakasabi sa akin, na siya namang naging dahilan para mapasilip ako ng bahagya mula doon sa kinauupuan niya. Saka ko siya kinunutan ng noo.
Ano bang pinagsasabi niya diyan?!
"Tama naman ako, hindi ba? Alam ko namang masaya ka at alam kong mas lalong pabor sa'yo yon! Diba, diba? Tama naman ako don?" Aba! Look who's that makapal ang mukha! Masyadong bilib siyang sa sarili niya ah?
Napaka-presko talaga! Tsk tsk. Ang yabang-yabang!
"HINDI!" Madiin kong sagot sa kanya. In-Emphasize ko pa sa kanya yon para maramdaman niyang ayoko talaga at lalong hindi ako interesado sa kung anong mga sinasabi niya.
Assuming niya masyado ah?
"Grabe ka naman sakin. Ganon mo ba ako sobrang ka-ayaw? Pero okay lang naman. Kasi alam ko naman na kahit hindi mo aminin saakin na masaya kang makakasama mo ako... Alam ko naman yung totoo! Kayo talagang mga babae masyadong Pa-cute at pabebe. Huwag mo na kasing i-deny! Okay lang yan." Sabi pa nito saka ako nito siniko nang mahina sa braso at kumindat pa ito saakin.
Ang feeling niya na masyado ah? Feeling close na ah? Pag ako nainis sasapakin ko na 'to! Tss...
"Ang hangin naman dito masyado!"
"Saka nag-jojoke ka ba? Puwede bang huwag mong lahatin ang mga babae? Dahil hindi kami pare-pareho." Sabi ko saka siya Inirapan.
Siya na talaga ang nag-papalabas ng mga Stress ko at nang pagiging maldita ko. Tse! Bahala siya diyan!
"Hindi ah? Special ka kaya! Hindi ba sabi ko sayo, Naiiba ka sa lahat! Saka tama ka hindi ka talaga katulad ng iba." Baliw ba siya? Ang lakas ng Sapak niya e!
"Special ka sa Puso ko, Naks! Sige na nga... Hindi na muna kita guguluhin. Baka kasi mag-sawa ka na sa pagmumukha ko." Aniya saka ito agad na umalis sa harapan ko.
Sawa na ako, Ever pollux! Ngayon pa lang.
Salamat naman at umalis na siya nang tuluyan. Nakaramdam din ata siyang hindi ko feel ang Atmosphere kapag nandiyan siya. Saka kung anu-anong mga sinasabi niyang Kamaisan!
Naki-cringe nanaman ako. My ghaaaad!
Nakakairita talaga ang kulit niya sobra!
Pero ilang minuto pa lang siyang nawawala sa paningin ko, Nararamdaman ko nanaman yung presensya niya sa paligid.
Ang lakas ng Awra e!
"Lirah!" Ano nanaman Ever Pollux? Tss! Wala ba talaga siyang planong manahimik?
"Ano? Siguraduhin mong may sense yang mga sasabihin mo ha!" Panimula ko.
"Oo. Para saakin." Saka pa siya natawa sa sarili. See? Siya lang talaga ang natatawa sa sarili niya.
I pity him for that!
"Natatanggap mo ba yung mga Love note ko sa'yo?" Rinig kong pag-kakasabi nito saka pa ako kinindatan.
Wtf what? Love note? Like seriously? Ngayon lang ako natawa sa kanya. Funny siya ha!
"Love note pala tawag mo don?" Medyo naiilang ko pang pagkakasabi dito.
"Kinikilig ka no?" Oh my goodness bakit ba masyado siyang bilib sa sarili niya? Saka ang mais ha?! Ang korni niya sa part na yon. Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil doon sa mga kinikilos niya. At para akong kinikilabutan dahil sa mga sinasabi niya ngayon sa akin.
"Natatanggap ko oo. Tapos kapag nakita at nabasa ko na... Tinatapon ko na ng diretso doon sa trash bin." Sarcastic ko pang pagkakasabi.
"Okay na yon. At least natatanggap mo di ba? Update mo na lang ako about sa Reporting ha? May topic na ba tayo?" Pag-iiba nito nang Usapan.
Na-offend ata siya sa sinabi kong 'yon. Kaya iniba niyang bigla ang takbo ng usapan. Sumosobra na ba ako?
Para sa akin kasi... maganda nang habang maaga nirereject ko na siya. Pinaparamdam ko na sa kanya na hindi ako interesado sa mga pinapakita niya sa akin. Para hindi na rin masyadong maging masakit sa kanya at hindi niya na masabing Ako'y PAASA.
Baka kasi kapag pinatagal ko pa at hinayaan ko lang siya doon... Isipin niya na ayos lang sa akin yung mga ginagawa niya. Ayokong sisihin niya ako, kapag nag-kataong wala akong ginawa para patigilin siya tapos at the end hindi naman kami pareho ng interes sa isa't-isa.
"Meron na. Tanong mo na lang sa may hawak ng kopya." Tumingin ako sa kanya at hindi na siya ulit nag-salita. Saka ito tuluyang nag-punta sa likuran. Napapaisip ako sa lalaking 'to e! Sadya ba siyang pala-ngiti o talagang trying hard lang siya doon?!
---- ---- ----
"Everyone, Makinig muna kayo sa akin. Nag-assign na ako ng Reporters last time di'ba?" Teacher said sabay hampas nito sa table na nasa harapan niya.
"Yes, Ma'am" Sabay-sabay naming sagot sa kanya.
"Dahil everyday naman ang meeting ko sa klase ninyo... Gusto ko sana dalawang grupo ang makapag-present ng reporting, every other day. Nang sa ganon mabilis tayong matapos at makausad sa mga susunod nating lesson. After those presentation, We will be having a short quiz. So be ready okay? Sinasabihan ko na kayo, Ngayon pa lang. Para walang magugulat sa inyong may quizzes kayo sa akin and everything!" Paliwag pa nito sa amin habang nakatayo ito doon sa harapan.
"Bahala na kayo kung paano ninyo Ipe-present yung given topic sa inyo. I want you all to be creative sa inyong magiging group presentation. Kayo na ang bahala doon! Ang kailangan ko lang makita is maintindihan ng mga kaklase ninyo yung mga Idadada niyo dito sa harapan. Additional na lang yung creativity on how you guys will present your Reports. Nag-kakaintindihan ba tayong lahat?" Dagdag pa nito doon sa kanya mga sinabi.
"Yes, Ma'am!" We said in chorus.
"Okay sige. That's it for today, Thank you. See you again, Tomorrow na lang at may meeting pa ako with the faculty. Class dismiss!" Aniya saka ito diretsong lumabas nang classroom.
Pagkalabas nong Teacher... Nag-ayos lang kami sandali ng aming mga sarili at ready to exit na rin sana kami kasunod ng ilang mga kaklase ko nang biglang mag-salita yung isa sa mga kasama ko sa Group presentation.
"Guys, Wala munang lalabas please? May I-aannounce lang ako about our group reporting." Panimula nito saamin.
Awtomatiko naman akong naupo ulit sa kinauupuan ko kanina at handa nang makinig sa susunod na sasabihin niya.
Nagpalingon-lingon naman ako dito sa buong Kuwarto at nandoon sa tapat ko yung maingay na lalaki.
Tinaas taasan niya pa ako nang dalwang kilay niya, saka ko iniharap ang sarili ko sa ibang direksyon at nag-aantay sa sunod na mangyayari.
"Alam naman nating lahat na this coming Friday pa tayo mag-pepresent pero kailangan anytime ready na tayo. So ano sa tingin niyo? Mag-poprovide ba tayong Laptop and Projector for our group presentation or gusto ninyo yong simpleng Visual Aids na lang?" Tanong nito saamin. Kami naman ay nag-tinginan lang lahat.
Biglang tahimik after nong sinabi niya. That feeling na tunog at samyo lang ng hangin ang mararamdaman mo. As in wala! Ang sakit sa tainga ng katahimikan sa buong paligid.
"Guys, Ano sa tingin ninyo?" Tanong pa nitong ulit saamin.
"Kapag gumamit tayo nang Laptop and Projector, Mas okay siya. Mas formal tignan kapag ganon at mas in proper. Malinaw pang maiintindihan at makikita nang lahat yung nilalaman ng topic na ipipresent natin. Kapag Manila paper, cartolina and Handwriting naman... Too normal. Too common?" I decided to speak up and give some of my Ideas kasi parang walang may planong mag-salita at mag-suggest sa mga kasama ko.
Interesado ba sila sa ideas ko o talagang wala lang silang pakielam sa sinasabi ko kanina? Kasi kung ako lang, kaya ko naman gumawa mag-isa sa sarili ko.
"What do you think guys?" Tanong pa ulit nito saaming si Sharmaine.
"Ayos ako doon sa gagamit ng Laptop for presentation, para hindi rin masyadong magastos sa papel-papel" Sabi naman nitong si Andrei.
"Okay lang rin naman na Iprint out na lang natin yung Topic na naka-assign saatin. Tapos mag-bigay na lang tayo sa mga kaklase natin ng kopya. Hingan na lang rin natin sila ng barya dahil magagamit rin naman nila yon as Reviewer after nong magiging reporting, di ba? Since mag-kakaroon tayo ng quiz pagkatapos. Saka good idea din yon... If ever wala tayong maiprovide na Projector! Yon ang option natin." Suhestiyon naman nitong si Ryan.
"Minsan kasi hindi available ang Projector nitong school dahil marami ang gumagamit non." Dagdag pa nito. Ako naman e... patango-tango na lang sa kanila.
"So ang other option natin is ang mag-print out tayo nong saatin then photocopy na lang yung topic na ipipresent ng group para kapag hindi available yung Projector, yun na lang rin ang gagawin natin? Lagyan na lang din natin nang mga arte-arteng designs yung magiging mga visuals natin para hindi masyadong Plain tignan." At sumang ayon naman na kaming lahat sa sinabing yon ni Sharmaine.
"Gawa na lang rin tayo ng Group chat, guys for more further updates. So yon... Salamat, sainyo. Sige puwede na kayong umalis."
Nag-tayuan naman na kaming lahat at sabay-sabay na ring lumabas nitong classroom pag-tapos nong naging usapan na yon. Kailangan ko na talagang umuwi at nag-siseek na ng tulog itong buong katawan ko dahil sa dami nang mga gawain namin dito sa School.
"Basta ako, Kahit saan okay ako!" Napatingin ako sa kanya nang bigla itong mag-salita. Ay nandiyan pa pala siya? Akala ko tuluyan na siyang nawala e!
*** *** ***
So after that meeting nag-stick lang rin kami doon sa naging option namin. Nag-suggest na rin ako ng mga possible na puwedeng maidadagdag para sa magiging group presentation namin. At sa mga ganitong bagay ko masasabing nailalabas ang creativity ko.
Kakaba-kaba ako ngayon. Tapos na kasi yung mga naunang group reporters kaya mga nakahinga na sila. Ayoko talaga nang nasa hulihan kapag ganito. Pressure!
Kapag hindi ko kayang gawin sa bahay yung ilang mga activities. Sa school ko na lang ginagawa lahat lalo na kapag nakabreak kami.
"Tulungan na kita gusto mo?" Para siyang Kabote na bigla na lang sumusulpot kung saan-saan.
"Hindi. Pero gusto mo?" Diretsong sabi ko sa kanya nang hindi siya tinitignan.
"Oo naman, sige. Ako na lang ang mag-gugupit" Aniya. Saka ito tumabi sa silyang kinauupuan ko. Awtomatiko naman akong umusog mula sa pag-kakaupo ko.
Gusto niya nang Trabaho e... Sige hayaan ko siyang gumawa.
Lalabas na muna ako, Para mag-punta sa locker ko. Naalala ko kasi bgla na naiwan ko pala yung Ilang materials na kailangan ko para sa magiging Presentation namin.
So As usual... Pag-bukas ko nong locker may nahulog nanamang maliit na papel galing doon sa loob.
"How's your day? Busy natin ngayon no? Kumain ka na ba? Huwag kang mag-papagutom ha?" Tss.. Sweet niya ha? Pero ang mais.
So kagaya nang kinagawian ko. Itinatabi ko na lang ang mga yon. Sayang nga kasi yung tinta ng ballpen!
Wala pala talaga akong dapat na isipin. Dahil alam ko naman kung ano ang dapat gagawin ko, saka naiintindihan ko naman, Oo. So hindi ako dapat na kabahan.
"Well done, Group 5! Your presentation is simple at magaling kayo doon. Naipaliwanag niyo naman sa buong klase nang maayos at malinaw yung given topic sa inyo. Okay, Everyone... Any questions, Violent reactions? Bago tayo tuluyang mag-proceed sa ating last presenters?" Nakikinig lang muna ako doon sa sinasabi ni Ma'am.
"None." We said in Chorus.
"Okay, Let's proceed to Group 6. Be ready. Post all your materials needed on the board. Bibigyan ko kayo ng ilang minuto para gawin yan. Lalabas lang ako sandali"
Kaya pag-labas na pag-labas niya. Ipinost na namin ang lahat nang visual materials na kailangan namin and so on. Meron pa kaming pa-open close. Pa hila-hila etchetera na concept sa aming magiging presentation. So Highschool di ba?
Sa grupo namin. Lima kami na magka-kasama. Ang napag-usapan namin ay kahit sino ang gustong pumunta sa harapan para mag-report at mag-explain, pupuwede. Kaya pare-pareho naming inaral lahat para wala kaming kahit na anong maging problema.
Nauna yung pinaka-leader ng grupo. Sumunod itong si Andrei, Sharmaine. Then pag-katapos nila, Ever decided na paunahin na ako para siya na ang mahuli sa aming dalawa.
By the way, History is the subject.
Dumiretso na ako nang upo sa puwesto ko mula kanina pag-katapos nong part kong iyon. Saka naman ako sinundan sa pag-tayo nitong si Ever. He cleared his throat at inayos pa nito ang kanyang sarili bago siya tuluyang mag-umpisang mag-dadada sa harapan nong buong klase. Tumingin pa ito nang saglit sa akin pero wala siyang ipinakitang emosyon. Straight face lang ganon!
Nag-umpisa na itong mag-salita. Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact sa nakikitang kong siya!
The way he speaks... The gestures while he's explaining and presenting it to everyone. Wow!
Kaya naman pala niyang hindi mang-buwisit e! Pero ginagawa niya palagi saakin.
The whole time na nag-didiscuss siya doon sa harapan ay hindi ko maiwasang mapatingin at mamangha sa kanya at alam kong napapansin rin niya yon dahil nakikita niya akong napapatingin sa kanya. And ayan nanaman siya... He's smiling at me. Yan! Kapag ginagawa niya yan. Diyaaan ako naiirita.
Masasabi ko talagang Ever Pollux is Gifted with that thing explaining and speaking in front of many people. Yes he can do it. Having a good view and a good side with these kind of Discussion, Hindi siya takot sa Public speaking. At kayang-kaya niya ring bitbitin ang sarili.
Kaya siguro ang galing niyang mang-asar at mambola nang kung sinu-sino. Tsk tsk.