Finley Sa wakas, ngayong nagbalik na ang paningin ko ay talagang matutuloy na ang kasal namin ni Shantal. Hindi na ako makapaghintay pa. Sobrang saya ko nang makita ko na mismo ang Anak naming si Shan, hindi ko mapigilan ang mapaluha dahil sa saya nang makita ko na ang mag-ina ko. Ang gana ng Anak namin at talagang totoong kamukha ko nga ito, pero kung tititigan ng mabuti ay makikiya mo rin naman ang hawin nito kay Shantal.. Sobrang aga pa, alas singko pero nagising na ako. Masarap ang himbong ng tulog ni Shantal. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang nasa tabi ko na siya. Pinagsawa ko ang mga mata ko sa katititig ng maganda niya mukha. Ayaw konga maistorbo ito sa pagtulog kung kaya't dahan-dahan ma akong umalis sa kama. Gusto ko siyang ipagluto ng almusal. Nagsuot ako ng robe

