Sunod lang ako nang sunod sa dalawa, masaya silang kasama kaya kahit papaano ay naiibsan ang pangungulila ko kina mommy. Sa ngayon ay hindi ko pa talaga alam kung ano ang gagawin, hindi naman habang buhay na mag-aliw-aliw na lamang ako rito. "Mga sissy, pasok tayo diyan!" Turo ni Andrea sa isang building doon, isang musiyo rito sa Italya. "Sige," tugon ko naman. Nauna na silang dalawa at pagpasok pa lang bamin ay bumungad sa amin ang mga magagandang painting. "Wow! Ang gaganda," manghang ani naman ni Anrea. Tumango naman na ako dahil pati ako ay nagagandahan sa mga obra na narito. "Bilis malibot pa tayo!" "Sige lang, susunod," sabi ko sa kanilang dalawa. Lumakad na nga silahabang ako naman sa kaliwang banda nagtungo. Habang naglalakad ako ay hindi napansing may mababangga na pala a

