Maaga akong nagising kinaumagahan, mukhang napasarap naman ang tulog ko at ngayon ay ang gaan ng pakiramdam ko. Inisip ko kung saan naman ako ngayon pupunta ang kaso'y pagsilip ko ngasama ang panahon. 'Uulan pa yata ah!' Nahpasiya akong dumito na muna turol kahapon ay marami naman na akong napuntahan. Buangon na ako at naligo bago magluto ng pagkain ko. Tatawagan ko na lang sina mommy at Chezka. Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako at nagtungo sa kitchen upang mapagluto na nang biglang tumunog ang notifications sa cellphone ko kaya tiningnan ko na muna ito. Kumunot ang noo ko dahil ito na naman iyong nagcomment sa post ko kahapo. Hmm... Sino naman kaya ito? "Good morning, I hope you'll enjoy this day. I can't wait to see you again when you're comingback." 'Hala!' Ang wierd

