"Sobrang dami naman nito Marcus"nasabi ni Kath ng dumating ang mga inorder na pagkain ng asawa.
"Namiss mo sigurado mga yan kaya kumain ka ng kumain"tanging naging sagot naman nito.
"Parang gusto mo naman yata maging lumba lumba ako sa dami nito"
"Para naman magkalaman ka ng konti"
Para silang teenager na babagong nagdadate ng mga oras na yun.Puro asaran at tawanan namagitan lang sa kanila.
Gabi na ng makauwi sila sa bahay nila.
Pinagmasadan ni Kath ang labas ng bahay,bago na ang landscape pero andun pa rin ang mga halaman niya.Mas lalong gumanda dumami ang mga ito.Halatang inaalagaang mabuti.ang green house niya ay renovated na din napakaganda.
"Ang ganda nila no parang ang saya sumasayaw sa hangin mga dahon parang binabati na bumalik ka" si Marcus na nasa likuran niya.
"Thanks inalagaan mo sila" nakangiting sabi ni Kath.
"Mahal mo yang mga yan kaya nung umalis ka minahal ko na rin,naging plant lover na din ako,pag namimiss kita umuupo lang ako dito sa tabi ng mga halaman mo."pagkukuwento ni Marcus.
Tinitigan ni Kath ang dating asawa,kita niya lungkot sa mga mata nito.
"Nakakarelax naman sila di ba"? nasabi na lang ni Kath.
"Oo pag stressed ako sa trabaho pag malungkot ako andito lang ako dito ko nagpapahinga,ipinaayos ko talaga ko tong green house na ito pag off ko maghapon ako dito".
"Malulungkot mga plants na ito pag umalis na tayo "napabuntunghiningang sabi ni Kath.
"Nasa iyo naman desisyon kung ibebenta mo to o ano pa man, pagkatapos ng annulment,Ako mismo nagdisenyo nito nuon para sayo remember" pahayag ni Marcus.
"Mas may karapatan ka dito Marcus,sa iyo ito"
"This is all for you Kath" mahinang usal ni Marcus pero dinig na dinig yun ni Kath.
"Sayo to,wala akong karapatan na dito Marcus"
"Atin Kath,kaso may kanya kanya na tayong buhay na dapat harapin"malungkot na sabi ni Marcus.
"Marcus,may gusto lang akong itanong"
"What is it"?
"All these years kasi akala ko masayang masaya ka na with Shane,bakit natiis mong hindi ako sundan gayong alam mo naman kung nasaan ako" Ewan bakit parang may hinanakit ang salita ni Kath.
"Why? Umaasa ka ba o hinihintay mo ba ko?"pabuntunghiningang sambit ni Marcus.
"Para at least alam ko" hindi na niya naitago kay Marcus ang luha niya.
"Gustong gusto ko Kath,kaya lang pag naiisip ko mga pinagdaanan mo sa piling ko nuon at ang pagkawala ng anak natin naduduwag ako kita ko naging paghihirap mo nuon,Andun ako ng graduation mo,gusto kong lumapit sayo at sabihing proud na proud ako sau."pahayag ni Marcus.
"Akala ko you forget everything about me Marcus"
"Nung nalaman kong may boyfriend ka na gusto kong magsisi at ibalik ang mga panahong dapat ay binalikan agad kita."
Kung alam lang sana ni Marcus kung gaano niya inasam na puntahan siya nito sa America.
Lumakad na ito papasok ng bahay,sumunod na lang si Kath.Gabi na,kaya marahil tulog na mga kasambahay ni Marcus.Namiss din Naman talaga niya ang bahay na ito, to
"You can use the guest room,pero kung gusto mo pede rin sa room natin dati"nakangiting sabi ni Marcus.
Bahagya siyang namula sa sinabi ng asawa.
"No sa guest room ako"pairap na sabi niya.
"I'm just joking lang naman pero kung papayag ka lang naman,tutal asawa mo pa rin ako"
"Marcus,stop teasing me ,nag usap na tayo"kinakabahang sabi ni Kath.
Tawang tawa naman si Marcus sa reaksyon niya.Sabay taas ng dalawang kamay sa pagsuko.
"Okay ,pahinga ka na,alam kong pagod ka na rin and thank you ulit sa pagpayag mo"
"Good night Marcus,"
"Good night hon "
Tumalikod na si Marcus kay Kath at tinungo ang kuwarto.Kailangan na nga pala niyang uminom ng gamot,nakakaramdam na siya ng kirot sa ulo niya,ayaw niya lang ipahalata kay Kath.Masaya na siya kahit paano makakasama niya ang babaeng mahal sa mga natitira niyang oras.
Ayaw na niyang magpachemo,baka mas lalo lang siyang madali pag ganun , bahala na...