"Good morning,I need to talk to Mr. Rodriguez"
"May appointment po ba kayo sa kanya mam?"
Sasagot pa sana siya ng may pamilyar na boses na tumawag sa kanya.
"Kath,yeah it's you Kumusta ka na?" si Brix ang matalik na kaibigan ni Marcus.
"Kailangan kong makausap si Marcus,Brix"
"Sumabay ka na sa akin sa kanya ang punta ko"
Magkasabay silang sumakay ni Brix sa elevator,maraming pagbabago na sa kumpanya ang mga tao dito halos hindi na niya mga kilala.Narating nila ang opisina ni Marcus pero agad humarang ang secretary niya ito kung hindi siya nagkakamali.
"Sir Brix ayaw po paistorbo ni sir,mapapagalitan po ako pag pinapasok ko kayo"nag aalalang sabi ng sekretarya ni Marcus
Maybe wala na naman sa mood ang kaibigan kaya pinipigilan siya ng sekretarya ni Marcus.
"Can I use the phone ako ang kakausap sa kanya it's urgent"si Brix na agad inabot ang telepono sa desk ng babae.
"Hindi bat sinabi ko bawal muna istorbo gusto ko munang magpahinga,nakakaintindi ka ba o kung hindi puwede kitang palitan bukas na bukas din"sigaw ni Marcus sa kabilang linya.
"Calm down bro it's me ,and may kasama ako she needs to see you"
"Wala akong pakialam Brix wala ako sa mood"
"Kahit na sabihin kong si Kath ang kasama ko"?
"What?"
"Yes ,she's here papasukin ko na siya."
"You're kidding"
"Just wait and see bro" sinenyasan na niyang pumasok si Kath. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Marcus.
Hindi maipaliwanag ni Kath bakit bigla siyang kinabahan ng pihitin niya ang seradura ng pinto ng opisina ng asawa.After 10 years makakaharap niya ito ulit.
Nakapasok na siya pero nanatiling nakatalikod si Marcus sa kanyang swivel chair.Kahit nakatalikod ito kilalang kilala pa rin niya si Marcus,nang maramdaman nitong nandun na siya saka lang ito hinarap.Nothing has changed or siguro mas lalong gumuwapo ito sa paglipas ng mga taon.May ilang minuto silang nagkatitigan at walang gustong bumasag ng katahimikan sa pagitan nila.
Ang dating Marcus na minahal niya nuon,kaharap na niya ngayon.
"Kumusta,what's bring you here my wife"? tila may hinanakit sa mga salita nito.
"I'm fine "hindi niya mawari ang sarili niya bakit hindi niya masalubong mga titig nito.
"Kelan ka pa dumating?,it's been 10 years bago ka bumalik sa tagal na akala ko hindi mo na alam ang daan pauwi ng Pilipinas"muli nasa tinig nito ang hinanakit.Pero bakit hindi ba dapat alam na ni Marcus ang dahilan ng pag alis niya nag usap naman sila nuon.
"Bakit ayaw mong pirmahan ang annulment natin Marcus"?
"Dahil ayoko,yun ba dahilan ng pag uwi mo?ang tuluyang makawala sa kasal natin?" Matiim siyang tiningnan ni Marcus.
"Selfish ka Marcus,matagal ko nang hinihingi kalayaan ko,matagal na tayong tapos".
"Siguro nga,para sayo tapos na Kasi ikaw lang naman may gusto nuon hindi ba?Ni hindi mo nga ako pinakinggan man lang"nanunumbat na sagot ni Marcus.
"Kailangan mong makipag cooperate Marcus tapos na sa atin ang lahat,hindi ko na kailangan pang makinig sa mga panloloko mo nuon Marcus"
"Para ano?para makasal ka sa Doctor na yun?"
How does he know?Alam ba nitong magpapakasal sila ni Blake.
"Hindi ka puwedeng magpakasal sa kanya hanggat kasal ka pa sa akin"
"You're so crazy Marcus,pabayan mo naman akong maging masaya".
"Gaano mo ba siya kamahal?"
"Mahal na mahal ko siya Marcus"
Kita niya pagkuyom ng kamao ni Marcus.Ang talim ng mga titig nito sa kanya.
"Mas mahal mo kaysa sa akin" mariing pagkakasabi ni Marcus.
Mahal niya si Blake,pero kahit ganun alam niya sa sarili niya hindi kayang higitan ni Blake si Marcus.Si Marcus ang naging buhay niya nuon.Ang lalaking una niyang minahal.
"Siguro" yun lang tanging naisagot niya.
Ewan pero parang lalong naging mabangis ang hitsura ni Marcus dahil sa sagot Niya.
"In one condition pipirmahan ko ang annulment papers na yan"walang buhay na sabi nito.
"Anong kundisyon?"
"Be my wife again for 3 months at palalayain na kita pagkatapos nun"
"Crazy,matagal na tayong hiwalay Marcus Anong pinagsasabi mo?"
"It's a take it or leave it honey,ganun lang kasimple."
"No, Marcus"at tuluyan na niyang tinalikuran ang dating asawa.
Nababaliw na ba siya,gusto niyang maging asawa ko ulit siya for 3 months,para lang makuha ang kalayaan ko.Pero nangako ako kay Blake na aayusin ko ito kaya ito pumayag na umuwi ako.