Thirteen
Third person's point of view
"Jewel, sige na naman. Kailangan mong kumain. Ayaw mo bang makauwi? Inaantay ka na ni Jihan sa bahay," malambing na sabi ni Jelo sa anak na nakaupo nga sa kama nito ay napakalayo naman ng isip.
Ilang beses na niyang sinusubukang pakainin ang anak, iba-ibang putahe at sinasadya niya talagang ang mga paborito ni Jewel ang ihanda.
Pang-ilang beses na iyon simula noong magising ang babae isang linggo na rin ang nakakaraan. Ang sabi ng doktor, kailangan pa rin iyon ipagpasalamat. Medyo nagiging responsive na si Jewel kahit puro pagtango at pag-iling lang ang nagagawa niya.
Saka lang ito nakakapagsalita ng mahahabang salita tuwing nagwawala, kaya hindi na rin nila pinilit.
"Why are you doing these?" Takot man sa posibleng mangyari, masaya pa rin si Jo na marinig magsalita ang anak. Malamig man at nakakatakot ang pagkakasabi, alam niya pa ring mas tumataas ang tsansang gumaling si Jewel.
"Anak, kumain ka muna. Hindi ba favorite mo 'to noon? Favorite rin 'to ni Jihan, 'nak! Nako, nakakatuwa ang batang 'yun..."
"Why are you doing this?"
Natahimik si Jelo. Posibleng hindi maganda ang kahihinatnan ng pag-uusap nilang mag-ama lalo pa kapag sinagot niya ang anak.
"Bakit ka nandito? Bakit mo hinayaan si Mommy?" Malumanay lang ang pagkakasabi noon ni Jewel kaya kung hindi mo nakikita ang mukha niya ay aakalain mong kalmado siya.
Kitang-kita ni Jelo ang lahat — ang pagragasa ng mga luha ngg anak at ang labis nitong panginginig. Sa puntong iyon, gusto na niya tumawag ng doktor, gusto na niyang saklolohan ang anak.
Oo, marahil nga at hindi siya naging mabuting ama kay Jewel pero kahit kailan hindi naalis ang pagmamahal niya sa anak.
Ang pagkawala ng asawa ang siyang naging turning point niya. Kailangan niyang magbago, kailangan niyang ayusin ang sarili at ang buhay dahil si Jewel na lang ang mayroon siya.
Alam niyang huli na ang lahat pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Hindi na siya susuko sa kahit ano pang hirap sa pagkakataong ito — pagkakataong mas kailangan siya ng anak.
"Anak, mahal ka ni daddy. Hindi man ako 'yung perfect na daddy na gusto mo–"
"Nasaan si Rod?"
Napuno ng katahimikan ang lugar. Tanging ang paghikbi at ang maya't mayang pagsinghap ni Jelo ang maririnig.
Talagang ninenerbyos na siya. Kailan nga ba ang huli? Siguro ay noong itinatayo niya pa lang ang JL Automotives. Pero ngayon... iba ngayon dahil ninenerbyos ito dahil sa kalagayan ng anak.
"Anak, kain ka na muna. 'Pag gumaling ka na, aalis na tayo rito at magkasama na kayo palagi ni J-Jihan..." Sinubukan niyang muling pakainin ang anak pero sa isang iglap, nagkalat na lugaw na ang nasa mga bisig at hita nito.
Gusto na niyang magalit — pagalitan ang anak pero wala siyang ibang magawa kundi maawa. This is not her Jewel. That motherfuck Rod Antonio, ano marahil ang ginawa nito sa anak niya?
"Nasaan si Rod?"
Nanatili siyang tahimik, pinakikiramdaman lang kung gaano kabasa ang slacks suot.
"You know what, bakit hindi ka na lang magstay sa teritoryo mo? Bakit ka pa ba dikit nang dikit sa'kin! I don't even need you," walang ekspresyong sambit ng nasa harap ni Jelo.
Ang totoo, hindi naman iyon ang inaasahan niya. Akala niya magwawala ulit ang anak pero nanatili lang itong nakatingin sa kawalan at hindi kakikitaan ng ekspresyon sa mukha.
Mariin niyang hinila ang anak papalapit sakanya. Niyakap niya ito ng mahigpit pero imbes na yakapin siya nito pabalik ay mas lalo lang itong nagpumiglas.
"Get off me! You're disgusting! You killed my mother!" Parang may kung anong punyal na tumama sa kaloob-looban ni Jelo. Bahagya siyang natigilan dahilan ng pagbitiw nito sa pagkakahawak kay Jewel.
Sinamantala ni Jewel ang pagkakataong iyon, mabilis niyang pinagbabaklas ang kung ano mang nakakabit sakanya. Dali-dali nitong tinungo ang pinto at nagtatatakbo palabas. Doon lang rin nagawang pumasok kay Jelo ang lahat. Aligaga siyang hinabol ang anak habang kanina pa tumutulo ang luha.
Alam niyang huli na ang lahat pero hindi niya inasahang magiging ganito kahirap.
Sa pagtakbo ni Jewel ay may nakasakubong itong iilang nars kaya nagawa nila itong pigilan. Walang ibang ginawa ni Jewel kundi magsisisigaw. Gusto nitong makaalis kahit hindi nito alam kung saan magpupunta.
Gulantang si Faye ng makitang nagkakaganon ang kaibigan. Mabuti at inagahan nito ang pagpunta sa ospital noong araw na iyon.
Agad nitong nilapitan ang kaibigang hindi na niya halos makilala. Hindi ito ang Jewel na kinasanayan ng lahat.
Hindi na ito iyong Jewel na nginingitian ang lahat, iyong babaeng hindi natitigil kakasalita, yung babaeng parang mauubusan na palagi ng hininga kakatawa.
"Je..." mahina niyang bigkas habang marahang hinahaplos ang pisngi ng matalik na kaibigan.
Si Jewel lang ang maituturing nitong kaibigan sa buong buhay nito. She's a certified loner kaya maswerte siya ng makilala niya ang kaibigan. Marami man siyang nakilala noong kolehiyo, alam niyang si Jewel lang ang kaibigang lagi nitong matatakbuhan at maaasahan.
"Faye..." Nasisiyahan man para pa rin siyang tinakasan ng lakas ng matitigan nito ang pagod na pagod na mata ni Jewel. Wala mang sinasabi pero alam niyang nanghihingi ng tulong ang kaibigan.
"B-Balik na tayo sa kwarto mo?" marahan nitong sabi. Alam niyang kailangan niyang mag-ingat dahil lubos na binilin sa kanila ng doktor na iwasan muna ang mga bagay na pupwedeng makapagtrigger sa babae katulad na lang ng pagbabanggit ng mommy nito.
"Hindi, Faye... hindi, pupuntahan ko kasi si Rod. Nag-aantay na 'yun sa bahay, hindi pa 'yun nagbebreakfast." Nakakatakot na ngisi ang nakita ni Faye sa kaibigan habang nagsasalita. Isa lang ang sigurado nito, Jewel really needs help.
Bahagya rin siyang napako sa kinatatayuan dahil sa nakikitang kagustuhan kay Jewel na mapuntahan ang asawa.
Ang asawang walang kwenta! Hindi siya makapaniwala na kahit sobra na ang pinagdadaanan ni Jewel ay si Rod pa rin ang naiisip niya kahit hindi nga nito sigurado kung naiisip din ba siya ng lalaki.
Ang gagong lalaking iyon... ano bang sumpa ang binigay kay Jewel?
Imbes na ikwento kay Jewel ang lahat, minabuti ko na lang tumahimik. Hindi makatutulong sakanya ang marinig pa ang lalaking iyon. Sana nga kasabay ng pagkawala ng kaibigan niya sa sarili ay nawala na rin ang alaala nito dahil parang mas magiging madali kay Jewel na tanggapin iyon.
"Balik na muna tayo sa kwarto mo, okay? Plus I got you some smoothie! Nagbreakfast ka na ba? Tamang tama 'to if yes–"
"No, Faye. Please... please help me, I need to see my husband– " Nagsisimula na naman itong magwala. Walang pinagbago sa loob ng isang linggo. Ang mabuti na lang ay nagagawa na niyang magsalita ngayon... kaya nga lang, mas dumalas ang pagtuturok sakanya ng pampakalma dahil sa sitwasyong. "Get off me, bitches!" singhal pa nito sa mga nars na kanina pa nakahawak sakanya.
Apat na nars na ang nagtutulong tulong pero parang bibigay pa rin ang mga iba sa pagwawala ni Jewel.
"I need to talk to my husband, get off! f**k! I hate you all! Faye, help me please! Awww, how dare you hurt me?!"
Walang ibang magawa si Faye kundi ang umiyak habang nakatitig at nakahawak din sa kaibigan. Hindi na niya kaya ang ganito, sobrang sakit na rin sa pakiramdam.
Nakahinga lang siya nang maluwag nang tuluyang nakarating ang ama nito kasama ang doktor ni Jewel. Naaawa man ay wala naman silang choice kundi patulugin muna ang kaibigan.
"No! 'Wag kang lalapit sakin!" Nagwawalang saad ni Jewel ng makita ang ama. Agad naman itong bumaling sa kaibigan niyang si Faye na labis na ang paghikbi. "Faye, please... help me. Alam mo naman kung nasaan si Rod hindi ba? Alam mo naman kung nasan yung asawa ko? Samahan mo naman ako, oh. Dali, halika na..."
Tanging pag-iling ang kayang isagot ni Faye sa kaibigan pero sa kabila nito, muntik siyang masubsob noong bigla siyang higitin ng kaibigan na parang kinakaladkad siya nito palayo sa lugar na iyon habang pilit pa ring nagwawala.
Hindi niya mapigilang matakot. Para bang nagkahalo-halo na sakanya ang dapat maramdaman. Takot, awa at sakit para sa mahal na kaibigan.
"Jewel Aleena!" Kapwa sila napalingon sa nag-uupos na sa galit na si Jelo. Hindi na siya makapagpigil. Nagsisimula na kasi niyanhg sisihin ang pesteng Rod Antonio na iyon sa pinagdadaanan ng anak.
"f**k! Just leave me alone!"
"No! If I'll leave you alone, kanino ka magpupunta? Sa asawa mong iniwan ka na?" Kitang-kita ni Jelo ang biglang pag-ikot ni Jewel at pagtapon sakanya nito ng matalim na titig.
Maya-maya pa ay agad agad siya nitong sinugod na kahit ang mga naroon ay hindi siya napigilan. Sa isang iglap lang, hawak na ni Jewel ang leeg niya't pilit siyang sinasakal.
Masyadong malakas ang anak at nakapagtataka iyon dahil wala namang kinakain si Jewel sa mga nakaraang araw.
"Anong sinasabi mo?! He didn't leave me like what you and my mommy did!"
Tiniim nito ang bagang at seryosong tinitigan ang anak. Kinakapos man sa hininga ay pinilit nito ang sariling magsalita.
"He left. N-Nagpunta siya sa Dubai para magtrabaho. He left you, Jewel. Your husband left you."
Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Jewel. Sa isang iglap ay napuno iyon ng sakit at paghihinagpis, bagay na huling nakita ni Jelo bago tuluyang mawalan ng malay ang dalaga.