Nag mumuni-muni si Trisha sa buhanginan, tamang nag aagaw kasi ang dilim at liwanag. Na mimiss niya na si Luke. Pero wala siyang magagawa kasi marami daw kailangang gawin sa opisina lalo na at matagal din siyang hindi pumasok at nauunawaan niya naman ito. Pero may ganda ding naidulot ang pag kakalayo nila dahil lalo niyang naramdaman na mahal na mahal niya na si Luke. Muli niyang binalikan ang mga unang araw nang pag kikita nila. Napaka cold nito at tila ba galit sa mundo at hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay mamahalin siya nito. Talagang mahiwaga ang pag-ibig dahil hindi mo alam na sa hindi inaasahang tao ka pala matututong mag mahal. Katulad nila ni Luke. Nag kakilala sa maling pag kakataon pero kahit ganoon ay nagkaroon pa rin ng puwang ang pag ibig sa kanilang mga puso para

