Maya-maya ay biglang may tugtog na narinig si Trisha. Love song na paborito niya. Luma man pero ang ganda ng mensahe nito, ang "Born for You". Takang-taka naman si Trisha dahil bakit mag papatugtog pa ang kidnapper na iyan? Addict yata ang kumidnap sa kaniya talagang mag papatugtog pa ng love song at iyong paborito niya pa talaga ha? Gusto niyang matawa dahil sa trip ng kidnapper at nakalimutan niya ng kaunti ang takot. Maya-maya ay may narinig siyang lumalakad palapit sa kaniya kaya muli siyang kinabahan. "Sino ka? Kung may binabalak ka mang masama please huwag mo nang ituloy maawa ka sa akin please! Bata pa ako para mamatay saka ang ganda ko ano para mamatay ng maaga!" pakiusap niya at sinubukan niya pang biruin ang kung sino man na palapit sa kaniya dahil baka sakaling mag bago an

