Nagising si Ladyrine dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Mabigat ang kanyang katawan. Masakit ang hita niya at bewang. Kahit ang simpleng paggalaw lang ng daliri ay parang nagpapaalala ng lahat ng nangyari kagabi.
Dahan-dahan siyang napamulat...
For a few seconds, nanatili lang siyang nakatulala sa kisame na blanko, Tahimik. Tanging mahinang ugong lang ng aircon ang naririnig niya sa kwartong iyon.
Pero nang maramdaman niyang malamig ang kabilang side ng kama ay napalingon siya. At doon siya natigilan...
Wala na si Val?
Hindi nawala agad ang init sa dibdib niya. Sa totoo lang, may parte pa sa kanya na ngumiti nang bahagya habang naaalala kung paano siya halikan ng lalaki kagabi at nakipagtalik ng mabangisan at isuko ang kanyang bataan o V-card sa isang gwapo at makisig na lalake gaya ni Val.
“You like it?”
“Promise I'll be gentle”
“Handa ka...”
Lahat ng iyon, bumalik sa isip niya na parang kutsilyong unti-unting tumatarak ngayon sa dibdib niya.
Napakurap siya nang mapagtanto niyang wala siyang saplot. Mabilis niyang hinila ang kumot para takpan ang katawan niya. Doon lang niya napansin ang mga marka sa balat niya na mga mapupulang bakas sa leeg, balikat, at hita.
Namula siya sa hiya. Pero kasabay no’n ang kakaibang kaba.
“Val?” mahina niyang tawag. Walang sumagot.
Napaupo siya sa kama habang pilit hinahanap ng mata ang mga gamit niya. Nagkalat ang damit niya sa sahig na parang pinaglaruan lang kagabi. Ang blouse niya nasa sahig. Ang underwear niya nakasabit sa dulo ng kama. Habang isa-isa niya iyong pinupulot, unti-unting may mabigat na pakiramdam na sumisikip sa dibdib niya.
Hindi niya alam kung bakit. Maybe because deep inside ay may mali?
Mabilis siyang nagbihis. Nanginginig pa ang daliri niya habang isinasara ang zipper ng palda niya.
Pagkatapos, dahan-dahan siyang lumapit sa pinto.
Pagkabukas niya, ay biglang bumungad ang malalakas na sigawan.
“SURPRIIIISE!”
Halos mapaatras si Ladyrine sa gulat.
Parang huminto ang mundo niya.
Nasa sala ang halos lahat ng lalaki sa fraternity. May hawak na gitara. May sumisipol. Yung isa tumatawa habang umiinom ng beer kahit umaga pa lang.
Parang may celebration na may nanalo. Unti-unti niyang napansin na siya pala ang dahilan.
“Broooo! Panalo ka na naman!” sigaw ng isa.
“Grabe ka talaga, Val!” tawa ng isa pa.
Yung iba, diretsahan siyang tinitigan mula ulo hanggang paa na para bang hubad pa rin siya.
Napakapit siya agad sa sarili niyang braso.
“H-Huh?” natatarantang sabi niya. “Anong nangyayari?”
Walang sumagot agad. Hanggang sa biglang bumukas ang pintuan sa isang gilid, at lumabas si Val na parang walang nangyari. Nakasando lang ito at naka-jogging pants, hawak ang isang USB umiilaw, while he is smirking.
Napakunot-noo si Ladyrine at bumuka ang bibig, “Val…?”
Ngumisi ang lalaki. “It’s over, babe.”
Parang may kung anong bumagsak sa sikmura niya. “What?”
Dahan-dahang iniangat ni Val ang hawak niyang USB. “Nakuha na kita.”
Natahimik si Ladyrine. Hindi agad nagsink in ang sinabi nito, Pero nang nagtawanan ang mga lalaki sa paligid. Unti-unting nanlamig ang buong katawan niya.
“May video tayo kagabi,” diretsong sabi ni Val. “Congrats. Official ka nang part ng collection ng F*ck girl of Sigma Rough Dogs Fraternity.”
Pakiramdam ni Ladyrine may malakas na sampal na dumapo sa mukha niya.
“A-Ano…?”
Tumawa si Val.
“Don’t act innocent. Ang saya mo nga kagabi habang kinakabayo ako.”
“Val…” nanginginig na sabi niya. “Joke lang ’to, right? I give my virginity to you.”
Pero imbes na sagutin siya nang maayos ay mas lalo lang tumawa ang mga lalaki.
“Number 168 na siya!” sigaw ng isa na si Steve.
“Welcome sa hall of fame!” dagdag pa ng isa na si Jin.
Unti-unting nawalan ng kulay ang mukha ni Ladyrine.
“No…” umatras siya. “No… hindi funny ’to…”
Pero seryoso si Val. Nakaupo lang siya sa sofa ng de-kwatro habang iniikot ang USB sa daliri niya.
“Requirement kasi dito sa frat,” casual niyang sabi. “Kapag gusto mong maging tunay na member, kailangan may maiuwi kang babae rito at i-s*x with hidden camera.”
Parang hindi makapaniwala si Ladyrine sa naririnig niya.
“You… recorded me?”
“Syempre.”
“WITHOUT MY CONSENT?!”
“Whoa.” Napataas ng kamay si Val habang tumatawa. “Big word.”
Biglang nag-init ang mata ni Ladyrine. Hindi na iyon simpleng galit. Wasak na wasak ang pride niya. Wasak ang tiwala niya. Lalo na dahil agad siyang nagtiwala sa lalaking iyon. Tanga man pakinggan, pero naniwala siya. Naniwala siya sa mga titig at lambing nito. Sa paraan ng paghawak nito sa kanya kagabi na parang siya lang ang babae sa mundo pero palabas lang pala lahat.
“Mga hayop kayo…” mahina niyang sabi habang napatakip sa nanginginig na labi at bumuhos ang kanyang mga luha.
“Aww. Nasasaktan siya,” pang-aasar ng Jin.
Biglang lumapit si Ladyrine kay Val at pilit inagaw ang USB. “Burahin mo ’yan!”
Pero mabilis na tumayo si Val at tinaas ang kamay.
“Oops. Easy.”
“BURAHIN MO!”
Halos mapasigaw na siya habang pilit inaabot iyon. Nanginginig ang buong katawan niya. Hindi niya alam kung dahil sa galit, hiya, o takot.
“Isusumbong ko kayo!” sigaw niya. “This is sextortion! Criminal ’to!”
Saglit na natahimik ang buong sala. Pero maya-maya ay nagtawanan ulit sila.
This time, mas malakas at mas nakakabingi. Parang wala silang pakialam at sanay na sanay sila.
Lumapit si Val hanggang halos magdikit mukha nila. At doon niya naamoy mabangong hininga nito. “Sige lang,” malamig nitong sabi. “Subukan mo. B*tch! You enjoyed it too, right?”
Napalunok si Ladyrine.
“At kapag ginawa mo...” bulong ni Val, “mas lalo lang naming ipapakalat outside our Fraternity, at ibebenta pa namin sa Onlyfan.”
Parang may yelong ibinuhos sa katawan ng dalaga. Tuluyan nang bumuhos Lalo ang luha sa mata niya.
“You’re lying…”
“Am I?” ngumisi si Val. “Kaya nga Rough Dogs ang pangalan namin.”
Biglang bumukas ang pintuan sa second floor at napalingon silang lahat.
May babaeng lumabas. Magulo ang buhok. Lukot ang suot na damit, at kalat ang lipstick sa paligid ng labi nito. Mukha rin itong bagong gising at mukha ding pagod. and lastly, Mukhang sanay na or labas masok sa Fraternity Boarding nila.
Ngumisi si Val. “Oh, ayan si Cindy.” Tumingin siya kay Ladyrine. “Regular na ’yan dito. Hindi ka special.”
Tumawa ang mga lalaki. Pero si Ladyrine? Parang tuluyan nang nadurog.
Hindi lang pala siya.
Hindi isolated incident.
Hindi aksidente.
Ginagawa na talaga nila ito ng paulit-ulit sa iba’t ibang babae. N parang laro or collection.
Sa sobrang galit at desperasyon, muli niyang sinubukang hablutin ang USB pero hinawakan siya ni Val sa pulso ng mahigpit at masakit.
“Atat na atat ka ah,” nakangising sabi nito.
“Bitawan mo ako!” Tinulak niya si Val saka umatras at humihikbi.
Mas lalo lang silang natatawa, at doon niya naramdaman ang pinakamasakit na parte. Hindi lang siya ginamit. Pinagtawanan pa siya. Ginawang katatawanan ang kahinaan niya at ginawang entertainment ang pagtitiwala niya.
Hindi na siya nagsalita. Tumakbo na lang siya palabas ng boarding house habang umiiyak ng hindi man niya naisip ang itsura niya. Wala siyang pakialam. Ang nasa isip lang niya ay paanu makalayo at makatakas na halos madapa siya sa kakaiyak at sasabog dibdib niya sa sobrang sakit.
Pagdating niya sa labas ay saka siya napahinto. Humarap siya pabalik sa boarding house. Sa balkonaheng iyon ay nandoon si Val na nakangisi habang may hawak pang beer like he is even proud of what he did.
At doon…
may kung anong nagbago kay Ladyrine. Galit ang mga mata niya. Galit na mas malalim kaysa sakit.
“Isinusumpa kita, Val…” nanginginig niyang sigaw. “May araw ka din sa akin.”
Pero tumawa lang si Val. Nakakadiring klase ng tawa. “Go ahead, hoe.”
At muling nagtawanan ang mga lalaki sa likod niya.