ABIGUR POV Tila sasabog na ang aking katawan dahil sa ginagawa ni Frydah. Kakaiba din ang enerhiyang inilalabas nito. Napakaswerte n’ya at napagkalooban s’ya ng ganitong proteksyon ng mahal na reyna nila. “Frydah tumigil ka sabi dahil hindi mo ako matatalo sa ginagawa mo.” Napahalakhak pa ako sa kabila ng sakit na nararamdaman. Tumatagos sa aking kaluluwa ang kapangyarihan ng babae kaya nahihirapan din ako sa pagkontrol ng aking kapangyarihan. Hindi din ako papaya na hadlangan n’ya ang lahat ng aking plano ngayon. Sa tagal ng panahon kung nanghintay ay ngayon ko lamang ulit naramdaman ang ganitong kasiyahan. Maswerte ako na hindi ako tuluyang naglaho nung nakaraan digmaan kaya malaya akong makakaganti sa kanila. “Katapusan na ng iyong mga plano Abigur.” Hindi ko mapigilan ang mataw

