“A-anong nangyari?” Hindi ko masyadong narinig kung ano ang sinabi ng kanilang kawal sa labas ng kaharian. Napakabilis ng pangyayari dahil biglang napatayo ang aking mga magulang dahil sa narinig. “Ayazairah magpahinga ka muna babalikan ka namin mamaya.” Wika ng mahal na reyna at hinalikan pa ako nito sa aking noo bilang paalam. “May titignan lamang kami kung anong nangyayari sa labas.” Nagpaalam na din ang mahal na hari at magkasabay na naglahong parang bula ang mag-asawa hudyat na nagteleport ang mga ito upang puntahan ang kawal na sumigaw kanina. Nais kong malaman kung anong nangyari kaya pinilit ko ang sarili na makatayo sa aking higaan ngunit biglang nagdatingan ang mga prinsesa kaya hindi ko naituloy ang aking nais gawin. “Ayazairah magpalakas ka muna kaya tigilan mo yan ginaga

