“Ang sabi ko ayusin mo ang pag-atake sa kanilang dalawa paano tayo mananalo hindi mo naman sinusunod ang sinasabi ko sa’yo.” Nangigigil na wika ni Fayeth sa kanyang kapareha na si Rukie. “Oo nga naman Rukie tignan mo hindi pa kayo nananalo sa sa amin ni Ariella.” Kantyaw pa sa kanya ni Alfrigg ang kapareha naman ni Ariella. Halos araw-araw ay ganito ang nakikita kong sitwasyon nila kapag nagsasanay. Hindi ko din alam kung bakit ako pumayag sa ang dalawang grupo nay un ang maglaban. Nakalimutan ko na naman ata na lahat sila ay baliw kaya puro kalokohan din ang kanilang ginagawa. Hinahayaan ko na lang sila dahil baka sumakit lamang ang ulo ko kapag pinagpatuloy ko silang pansinin. Hindi koi yon makakaya lalo at ganito lagi ang kanilang sitwasyon. “Umayos ka kasi kaloka itong lalaki na

