Nanginginig ang kalamnan ko, mabilis ang tahip ng aking puso habang nakahawak ako sa pregnancy kit na may lumabas na dalawang linya dito bilang resulta. Si Luca nama'y sapo sapo ang noo habang naglalakad sa aking harapan. Katulad ko, hindi rin siya mapakali. Hindi ko alam ang gagawin pagkatapos kong malaman ang lahat ng ito. Paano ako makakaalis sa nakaraan kung bawat subok ay binabalik ako. Masyado ba akong padalos dalos sa mga desisyon ko? Tanging puso ang pinapairal, at hindi na nagawang gamitin ang utak. Hindi ako sigurado kung ano ang sasabihin ng mga magulang ko sa akin, siguradong masasaktan sila. Sisisihin nila ang mga sarili nila dahil mali ang pagpapalaki sa akin pero ang totoo ako itong nagkulang, ako itong nagkamali. Aminado ako noon pa... "Kailangan to malaman ng Papa mo, C

