"Rafael Goncuenco?!" Tanong ni Ate Zasha, tumaas ang boses. Pagkatango ko'y humagalpak siya ng tawa. Ang waiter na magsasalin sana ng aming iinumin ay muntik nang maitapon ang laman ng mapatalon sa gulat. Tumango ako at nahihiyang ngumiti, bakit? Anong nakakatawa sa tinatanong ko kung sino iyon? "Please, excuse me." Ani ng waiter at dali daling umalis. May tahimik na bandang nag pe-play sa stage, acoustic ang kanilang kinakanta. Gabi na ng myerkules pagkatapos ng klase ko dito ako dumiretso upang itanong sa kanya iyong napagusapan namin ni Marisol nitong nakaraan. Uminom siya ng juice at umiling. Hindi naman maalis sa kanyang mga labi ang ngiti. "Iyong pinagpapantasyahan niyang pinsan namin, pinangakoan kasi ni Paris si Rafael na aalagan niya si Marisol pero ewan kung bakit nagkagano

