Di ako nakatulog. Alas singko y media ng umaga bumaba ako mula sa kwarto at nagpunta sa kusina. Nadatnan ko ka agad sina Lea na naghahanda para sa umagahan ng pamilya. Pinagtimpla ako ng kape na agad ko namang tinanggap. Nakatanaw ako sa lumang painting ng isang babaeng namamangka sa giliran ng hapag kainan. Madilim ang sulok nito. Ang natatanging nagpapaliwanag lang ay ang kulay kahel na ilaw mula sa chandelier sa aking itaas. Sino ba si Rafael? Ani ni Ate Zasha pinsan nila pero may pinsan bang ganon kalapit ang mukha at tindig na halos walang pinagbago? Huminga ako ng malalim. Pinagsalikop ko ang aking kamay habang nakatanaw sa tasa ng kape na nasa gitna ng dalawang braso. Gulong gulo ang isipan ko na para bang may tinatago ang pamilyang ito na hindi ko dapat malaman. "Rafael..."

