Veronica's POV "Handa ka na ba?" Tanong sa akin ng aking ina. Nakasuot siya ng puting filipiniana, naka make up, at mas lalong umaaliwalas ang kanyang mukha dahil sa mga ngiti niya sa labi. Ako nama'y nakatingin sa aking repleksyon sa salamin sa aking harapan. Nakasuot na ako ng damit pangkasal, kulang na lang ang veil na ilalagay sa aking buhok na nakaayos na din. Hindi sumasagot sa tawag si Ate Zasha. Kukumustahin ko lang sana si Rafael. Naging tahimik siya kamakailan at kapag gusto kong makipagusap sa kanya tungkol sa aking kasabikan sa kasal ay hindi niya nagagawang tugunan ito kung kaya't nag aalala ako sa kanya. Nagaalala din ako para sa aming dalawa. "Handa na po, Ma." Tugon ko sa aking ina. "Tara na, naghihintay na ang limo sa labas ng hotel." Aniya. Sinalubong ako ng mga

