Naramdaman ko ang malambot na bagay sa aking likuran. Nang naimulat ko ang aking mata'y agad tumambad sa akin ang isang chandelier sa ibabaw. Napabangon agad ako ng maalala ang nangyari. Isang babae nakatanaw sa malaking bintana na may nakasabit na kurtinang nilulugay ng hangin. Nag sisigarilyo ito habang humahalukipkip. Naramdaman ko ang muling pagbabalik ng kaba sa aking katawan, nanginginig ako sa takot. Naalala ko ang bawat pangyayari sa launching, hindi kaya planado ang lahat ng pagdukot sa akin? At kasama ba doon si Luca? Lumandas ang luha sa aking pisngi. Napalingon sa aking gawi si Ate Zasha. Nakangiti siya nang lumapit sa akin. "Mabuti naman gising ka na..." Aniya at tinapon ang upos ng sigarilyo sa ashtray sa maliit na mesa sa kanyang gilid. "Hinding hindi ako maniniwala sa pa

