Part 2
"Agad kong binalikan ang dalawa tara na Daddy yakag ko sa ama takang napalingon sakin ang dalawa.
Saan tayo puponta anak takang tanong ko?"
Puponta tayo sa brgy. At sa police station nahuli kona ang magnanakaw sabay dukot ko ng celphone at ipinanuod sa dalawa.
Nahimas ko bigla ang dibdib dahil sa nakitang ginawa ng kaibigan kong si Albert at buong pamilya pa nito ang mukhang nagnanakaw sa pinatratrabahohan namin.
Kaya ka po manong Julio madalas nagtatae ay may naglalagay ng gamot sa iniinom mong tubig or kinakain at pagkatapos itinataon sa oras ng pagkuha sa basura at si kuya Albert lang ang tumatao dahil madalas kang nasa banyo?"
"Hindi ko akalain sir Samuel, na magagawa ng kaibigan Kong matalik sakin ang ganito halos manghina nako sa madalas na laging sira ang tyan ko gustohin ko mang mag pa Doctor ay tinitiis ko nalang dahil sa Mahal ang magpagamot.
Minsan po ang inakala mong kaibigan dahil sa haba ng panahon nyong pagsasama ay nagbabago kadalasan ng dahil sa pera.
"Oo, mahirap ang buhay ngunit kong galing naman sir Samuel sa nakaw mas gugustohin kong magbanat ng buto para maitaguyod ko ang pamilya hindi ko maatim na magagawa sa inyo ni Albert ang ganito naging mabuti kayong amo sa amin hindi kami tatagal sa inyo kong hindi maganda ang pamamalakad nyo?"
Wala na tayong magagawa julio" sadyang may mga taong hindi pinahahalagahan ang trabaho nila at pagkakaroon ng mabuting amo.
Halika na at ng maputol natin ang mga taong may likong gawain para hindi na pamarisan ng iba wika ko at nagpatiuna ng naglakad palabas.
Kasama ako ng mag ama mula sa baranggay at police station bago muling nagbyahe patungo sa nasa vediong grocery ng kaibigan kong si Albert.
Maraming costumer ang grocery nila kahit na maliit mabili ang paninda nila mula sa sasakyan ng amo ko tanaw namin sina Albert na abala magtinda.
Naunang lumapit ang baranggay at police sa tindahan nila kuya Albert.
"Dumito lang kayong dalawa ako lang ang haharap para hindi na kayo madamay pa wika ko sa anak at kay julio bitbit ko ang listahan ng inventory maging ang celphone ng anak na may kuha nila Albert.
Tango lang ang sagot namin at hinayaang si daddy ang humarap sa nagulat na pamilya ni kuya Albert.
Panay dagundong ng dibdib ko sa sobrang kaba ng makita ang amo kong papalapit sa amin.
Kamusta ka Albert bati ko sa tauhan hindi naman sa pagbibintang nakakatuwang makita na mabili ang negosyo mo mabait naman akong tao at madaling kausap hindi sana tayo umabot pa sa ganito kong sinabi mo sakin na gusto mong magkaroon ng sariling hanap buhay sa malinis na paraan.
"Handa naman akong tumulong sayo dahil binata ka palang ay naging tauhan na kita kaya hindi ako magdadamot sa tagal ng pinagsamahan natin handa akong mag bigay sayo ng pangkabuhayan na ganito wika ko sa malumanay na tinig.
Pagkatapos binuhay ko ang celphone ng anak at iniharap sa kanila.
Nag unahang tumulo ang luha dahil sa vedio na ipinakita ng amo at dahan-dahang napaluhod patawad sir simon, gusto ko lang naman mabago ang buhay namin dahil tumatanda nako pero hindi nagbabago ang buhay namin panay agos ng luha ko.
Tumayo ka Albert dahil hindi mo ako madadala sa pag luhod mo maraming madadamay kong hindi ka namin agad nahuli alam mo ba iyon kapag nalugi ang pag aari kong grocery.
Lahat ng mga kasamahan mo ay mawawalan ng trabaho wala akong problema kong magsara ang negosyo ko dahil natapos kona ang obligation ko sa pamilya maayos na ang buhay namin.
Pero yong mga kasamahan mo maliliit pa ang anak may pinag aaral pa sabagay hindi mo nga pala sila inisip dahil makasarili ka magkita nalang tayo sa korte pagkasabi ko ay tumalikod nako.
"Samantala napanganga ako ng sa pag gising ko ay tambak na grocery ang bumungad sakin.
Mama, kanino galing iyan takang tanong ko sa ina habang binibigyan nito ng dog food si Duts.
Mabagal lang ang lakad ko dahil sa kumikirot ko pang likod.
Kanino pa anak sa naghatid sayo madaming lutong pagkain din ang ipinadala nya akalain mo ba na anak pala sya ng amo ni papa mo?"
"Ano?
"Ma, gulat kong wika sa ina at napaubo ako dahil nalunok ko bigla ang tubig na pinang mumog ko.
Anak ni sir Simon si sir Samuel, iyong nakabangga sayo kagabi sagot ko sa nagulat na anak at isinara Kona ang sako ng dog food.
"s**t, mura ko sa isipan ang sinungaling na iyon amo ng tatay ko pabagsak kong ibinaba ang hawak na baso at pagkatapos naghilamos na ako bago muling naglakad patungo sa sopa namin.
Naipikit ko ang Mata ng mariin at inalalayan ko ng dalawang kamay ang likod kong kumikirot pa.
"Ayos ka lang ba anak sabay lagay ko ng unan sa likodan nito teka at kukunin ko ang pagkain dyan ka nalang kumain.
Inihatid kona si mang julio panay ang kahol sa amin ng aso nilang si Duts.
Halika na muna sa loob sir Samuel mag kape tayo yakag ko at nagpatiuna ng bumaba.
Sinundan ko ang matandang empleyado ni Daddy sinalubong kami ng aso nila na panay kawag sa buntot nito.
Ano nagustohan mo ba ang ibinigay ko sayong pag kain tanong ko ng makalapit na ito.
Napairap ako ng makita ang sinungaling na si Samuel kagatin mo nga sya Duts iganti mo ako utos ko sa aso ngunit sa halip na sumunod ito ay lalo pang nagsumiksik kay Samuel.
Ano ka ba anak bakit mo ipapakagat si sir Samuel sa aso natin sita ko sa anak ng makapasok kami.
Hayaan nyo na ho" mainit ang ulo ni jasmine sakin dahil nasaktan ko sya I'm sorry ulit huh, tulad ng pangako ko naipadala kona ang paunang tulong sa inyo magpagaling ka muna.
Wika ko sa nakasimangot na si jasmine hirap na hirap itong magsuklay at iretable ng makita ako.
Nako sir Samuel pasensya kana sa kasungitan nitong anak ko teka at magtitimpla lang ako ng kape nating dalawa.
Nakangiting tumango ako at kinuha sa kamay ni jasmine ang hawak nitong suklay ako na ang gagawa.
Iniiwas ko ang ulo ng itaas na ni Samuel ang kamay para suklayan ako ngunit maagap nitong pinigilan ang leeg ko.
"Hey, huwag kang magulo at baka sumakit pa ang likod mo kakaiwas tinutongan na nga kita para mapadali sige ka bago sinimulan kona suklayan ang mahaba nitong buhok.
Napangiti ako sa nagtatalong anak at amo habang ipinagtitimpla ko ito ng kape.
Lumipas ang ilang buwan at nakapag trabaho na akong muli tulad ng pangako ni Samuel ay sobra-sobrang tulong ang ibinigay nito sa pamilya ko.
Dating gawi kapag oras ng tanghalian bugso ang mga tao.
Kadarating ko lang mula sa pag hihiking ng mapadaan ako sa pinatratrabahohan ni jasmine nakaisip ako ng kalokohan dahil hindi nito sinasagot ang tawag at mensahe ko.
Inikot ko ang sasakyan sa drive throw nila at nagsalita.
"Hello everyone, pwede ko bang ma order ang puso ni Ms. Jasmine pabelo pigil ko ang matawa.
Namumula ang mukha ko sa hiya ng marinig ang pangalan ko at umugong na kantyawan ng mga kasamahan ko.
Galit na inilabas ko ang ulo sa maliit na bintana at binato ng battle water ang sasakyan ni Samuel na labis naman ang ikinatawa nito imbes magalit sa ginawa ko?
"Hi, Babe i missed you" wika ko sa simangot na si jasmine susunduin kita mamaya may pupontahan tayo.
Umalis kana nga kong hindi ka naman bibili nakakainis ka talaga gigil kong taboy kay Samuel.
Nakakapag tampo ka naman pinaalis mo ako agad bibili ako loka bigyan mo ako ng burger at drinks sabay kindat ko pa.
Ms. Pabelo ang gwapo kaya bakit mo sinusungitan sabay silip ko sa manliligaw ni jasmine.
"Good afternoon, sir bati ko.
"Good afternoon, din po ma'am ganting sagot ko sa manager ni jasmine.
Minadali kona ang order ni Samuel para makaalis na ito.
Nagtatakang hinanap ko ang ginagamit kong bike na binili sakin ni Samuel ng masira nito ang dati kong bike ng mabangga nya daw ako.
"Ito na Babe, naisakay kona ang hinahanap mo halika na mahuhuli tayo sa birthday ni daddy.
Paano mo nabuksan ang susi ng kadena takang tanong ko kay Samuel.
Syempre ako ang bumili kaya huwag kana magtaka sabay hila kona sa gulat na si jasmine.
Naihataw ko ang nahawakang payong kay Samuel ng makasakay na din ito nakakainis ka talaga.
Hinuli ko ang kamay ni jasmine na namama-lo ng payong ko at hinalikan sa labi bilang parusa.
Namilog ang Mata ko at tila nawalan ng lakas ang kamay para itulak si Samuel.
Napangiti ako ng iginalaw din ni jasmine ang labi nya bilang pag ganti.
Nahihiyang tinalikuran ko si Samuel ng matapos ang paghalik nito sakin.
Inabot ko ang kamay ni jasmine at hinawakan habang binuhay kona ang sasakyan.
Nanatiling tahimik lang ito hanggang makarating kami sa bahay.
Hindi na ako nagulat ng makita ko sina mama at papa dahil palagi silang ipinasusundo ng daddy ni Samuel.
Happy birthday, po sir bati ko ng makalapit na kami at pilit kong inaalis ang kamay ni Samuel na nakahawak sa bewang ko dahil nakatingin sakin sina mama.
Anong sir, Daddy na mula ngayon dahil mukhang may magandang regalo sakin ang anak ko.
"Yes, Daddy girlfriend kona po si jasmine sabay kindat ko at hapit sa bewang nito.
Kinurot ko ng palihim si Samuel dahil sa sinabi nito ngunit sa isang banda kinikilig naman ako.
Tuwang-tuwa naman ang mama at papa ko lalo na ng huminge pa sa kanila si Samuel ng permiso.
Masayang natapos ang haponan bumukod sa amin ang apat na matatanda nilapitan ko si jasmine i love you, Babe bulong ko sabay yakap.
Napatitig ako sa mukha ni Samuel dahil baka panaginip lang ang lahat ngunit ng halikan nito muli ang labi ko ay napatunayan kong totoo na talaga.
?wakas!!