“Shane,” Pagtawag ni Keith sa abalang kaibigan. Nakatuon ang atensyon nito sa paghahanap ng mga damit na hindi niya nagagamit.
“Hmm?” Tanging tugon nito sa kanya. Tahimik siyang nakaupo sa gilid nito kaya naman kitang-kita niya ang ginagawa.
“Anong oras sila uuwi?” Pagtukoy niya kina Kane at Jake. Malapit na maghapunan, ngunit hindi pa din umuuwi ang dalawa. Nagsisimula na siyang mag alala.
Nakakalungkot man, naging mekanismo na niya ang pag aalala kapag masyadong napapatagal ang pag alis ng mga malapit sa kanya. Halata naman na, na dikit na siya sa mga ito, hindi man ganon katagal ang pinagsamahan nilang mga panahon.
Napakamot naman si Shane sa kanyang baba, sabay lumingon kay Keith. “Maya-maya pa siguro. Nagugutom ka na ba?” Wika nito, na kanyang ikinatango.
“Saan ba sila pumunta?” Dagdag niyang tanong.
Umiling naman si Shane dahil wala din siyang ideya kung saan nagtungo ang dalawa. Akmang magsasalita na siya nang may marinig silang mahinang pagkatok sa nakasarang pinto.
Sa di malamang dahilan, ay biglang lumiwanag ang mukha ni Keith, at baka nakauwi na ang mga ito. Ngunit nang bumukas ang pinto, mabilis na nawala ang tuwa sa kanyang mukha, at napalitan ng pagkahiya.
Kaagad siyang umiwas ng tingin nang makita ang fiance ni Kane. Tunay na maganda nga ito.
“Oh, Hannah, ikaw pala 'yan. Gusto mo na din bang maghapunan?” Paanyayang ani ni Shane dito sabay lapag sa mga damit na tinutupi niya.
Ngumiti ito at umiling. “Katatapos ko lang kumain ng mangga. Para nga akong masusuka... ” Natatawang tugon nito. Napansin naman nitong nakayuko ang bagong bata.
Bago pa mabalot ng akwardong katahimikan ang kwarto, tumikhim na si Shane, at ngumiti nang pagkalakilaki. “Siya nga pala, Hannah. Keith, kaibigan namin. Ang cute niya, 'di ba?” Pagpapakilala ni Shane, sabay gulo nito sa buhok ni Keith.
“M-magandang hapon po.” Nahihiyang bati ni Keith sa babae, at binalingan ng tingin ang kaamuhan ng mukha nito.
Ngumiti nang malaki ang babae, umaabot sa mapupungay nitong mga mata, at masiglang kumaway sa kanya. “Magandang hapon rin, Keith. Hannah na lang.” Ani nito sabay kindat sa kanya. “Ito naman si Baby Aro. Excited nang lumabas 'yan. Sipa nang sipa, eh.” Humahagikhik nitong dagdag, habang mahinang tinatapik ang malaking tiyan.
“Gusto mong hawakan? ” Gulat na napatingala si Keith dahil sa suhestiyon nito, at walang anong lumakad papunta sa kanya. Gayon pa man, hindi niya maikakaila na gusto din niyang maramdaman ang paggalaw ng nasa sinapupunan nito. Siguro dahil ay hindi pa siya nakaranas, hindi din naman na siya nasundan ng mga yumaong magulang niya.
Nahihiya man siya dahil sa mainit na pagtanggap nito, dagdag pa ng kabaitan nito, tumango siya, at maingat na iniangat ang kanyang kanang kamay. Hanggang sa lumapat ang maliit niyang palad sa malaking tiyan nito. Mabilis na nanlaki ang mga mata niya nang sandaling may maramdaman siyang gumalaw sa loob nito.
Dahil sa gulat ay napaatras siya, ngunit bakas sa mukha niya ang tuwa. “Wow, g-gusto niya na atang lumabas.” Aniya, na ikinatawa ng dalawa. Mas lalo lamang lumapad ang ngiti sa mukha niya.
“Kung pwede lang, hinila ko na iyan palabas si Baby Aro, eh. Kaso hindi.” Humahalakhak na wika ng babae, bago umupo sa kamang nasa tapat nila.
Patuloy silang nag usap tungkol sa sanggol na hindi pa naisisilang. Wala silang sinayang na segundo, at hindi kalaunan, nawala na ang awkwardong presensya ng babae. Mabait at hindi naman mahirap pakisamahan ito kaya mabalis na nagkaroon ng dahilan upang mapalapit ito kay Keith.
——__——
Lumipas ang mga oras, hanggang sa pumatak na ang gabi. Muling bumalik ang nakalulungkot na lamig sa kalakihan ng Penthouse. Nakabibinging katahimikan ang pumapalibot sa atmospera. Wala pa din ang dalawa't hanggang ngayon, ay hindi pa din mapakali si Keith.
Pagkatapos magpasya ng tatlo na pumunta sa kani-kaniyang mga silid, nagpunta si Keith, mag isa sa silid na ipinahiram sa kanya. Dala-dala ang mga nakatuping damit na mag mula ngayon, ay siya na ang gagamit. Bukod sa pag aalala, kasalukuyan ring naglalaban ang kapayapaan at konsensya sa isip niya.
Pagulong-gulong at papalit-palit siya ng puwesto para malibang ang sarili. Minuto na inabot ng oras, hanggang sa maramdaman niyang pagbigat ng kanyang mga talukap. Dinadalaw na siya ng antok, ngunit ang pag aalala, ay hindi pa din nililisan ang kanyang isipan.
Ilang oras pa ang lumipas, at pumatak na ang alas diyes. Gayon pa man, wala pa ding dumadating. Hinayaan na lamang ni Keith na balutin siya ng antok. Hindi man mahimbing, ngunit nakatulog rin siya nang maayos, sa maayos na silid, at sa pangangalaga ng malambot na kama.
Ilang minuto lamang ang lumipas, at may nagbukas ng pinto ng kanyang silid. Tahimik itong pumasok, at napabuntong hininga sa kanyang nakita. Nahihilo, at medyo hindi na balanse ang pagtayo nito. Mayroon ding dominanteng amoy ng tekila, senyales na uminom ito.
Matipid na ngumiti ang lalaki, habang pilit na idinidilat ang mga mata upang patuloy na makita ang maliit na pigurang natutulog sa dati niyang kama. Presko pa ang mga patak ng luha sa kanyang mukha, at gulo-gulo ang buhok. “Hngh... Hang——hanggang kailan ba kita dadalawin?” Hindi mabuong ani nito dahil sa pagkalasing.
Habang pinagmamasdan nito ang natutulog na binata, walang hiyang naghubad siya ng kanyang itim na polo, habang tinatanggal ang itim na mga sapatos. Nang magtagumpay ito, sunod nitong tinanggal ang kanyang sinturon bago tuluyang hinubad ang kanyang pantalon.
Akmang lalakad na siya papunta dito nang makita niyang bukas ang ilaw sa banyo, kaya naman napagpasyahan niya na ding maglinis ng katawan. Bigla niyang naalalang ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang matulog sa silid nilang magkabiyak. Napailing siya sa naalala, bago pumunta sa paliguan.
Hindi naman nagtagal at natapos na din siya. Dahil sa lamig ng tubig, ay medyo nawala ang tama ng tekila sa kanya. Kakaunting pagkahilo at pagkaantok. Pagtapos niyang magpatuyo ng katawan, ay dumeretso na siya sa dati niyang kama, kung saan mahimbing na natutulog si Keith.
Ganito na naman ang ayos nila. Magkatabi. Hindi na nito maikakaila na nasanay na siya sa presenya ng munting binata. Munti. Ganon na lamang ang tingin niya dito simula nong makita niya kung gaano nito kailangan ng pag aaruga. Maya-maya pa, ay natulog na din siya. Sa ilalim ng makapal na kumot, katabi ang binatang kamakailan ay binabagabag ang isipan niya.
——__——
“Kaya pala ginabi kayo.” Nakangising wika ni Shane, pabirong sinisiko si Kane.
Hindi siya nito pinag balingan ng pansin, at patuloy na pinanood si Keith sa tamang distansya.
“Ang laki ng ngiti ni Keith... Akala ko hindi ko na makikita 'yan.” Seryosong saad ni Shane, habang nakangiti.
Mula sa kinatatayuan nila, kitang-kita ang napakalaking ngiti ni Keith sa mukha. Halos matalo na nito ang sikat ng araw dahil sa ganda ng kanyang ngiti. Umaabot sa kanyang namumulang mga tainga. Tuwang-tuwa ito habang hinahagisan ng patuka ang mga bibeng binili ni Kane. Sa likod ng malaking gusali na iyon, ay may isang magandang bakuran, kung saan naroon sila't pinapanood ang masayang binata.
Kanina lamang ay tahimik silang kumakain nang marinig ni Keith ang mga huni ng munting mga bibe. Gulat itong tumigil sa pagkain, at nilingon-lingon ang pinagmumulan ng mga huni. Hinanap-hanap niya iyon hanggang sa makita niya ang sampung bibe na nakakahon. Ngayon ay masaya na siyang nagpapakain ng mga ito.
Naroon din si Jake sa bakuran, gumagawa ng maliit na tahanan para sa munting mga alaga. Napapatawa pa ito kapag naalala ang inis na mukha ni Kane noong gabi, dahil wala itong mahanapang bilihan ng mga bibe. Gayon pa man, hindi ito umuwi hangga't sa nakahanap sila, at hindi na nagsayang pa ng oras.
Nawala naman ang pagod nila sa paghahanap dahil halatang nagustuhan ito ni ng binata.
“Napaka aliwalas ng mukha niya. Ang ganda pagmasdan.” Wika ni Hannah, na kamuntikan nang makalimutang buntis siya, at nagpalakad lakad. Bahagya nitong kinuha ang kaliwang braso ni Kane, at maiging inakap. Bukod roon, ay natutuwa din ito dahil mabuti ang pagtrato ng kanyang kabiyak sa inosenteng binata.
“Keith! Sumilong ka muna dito! Mainit riyan!” Paanyayang wika ni Shane, na ikinalingon ni Keith.
Masayang tumango si Keith, at dahan-dahang humakbang papunta sa kanila. Naghagis-hagis siya ng patuka upang sundan ito ng mga bibe, na kanyang lubos na ikinatuwa. Hanggang sa makaabot siya at ang mga munti kina Shane, kung saan mayroong silungan.
“Sinong bumili ng mga bibe?” Nahihiyang tanong niya nang makitang pinagtitinginan siya.
“Si Ka—”
“Galing kay Jake 'yan. Para naman may ginagawa ka dito.” Saad ni Kane, bago nilingon si Hannah. “Pumasok na tayo. Nauuhaw ako.” Anito, at hindi na naghintay pa ng sagot, iginaya na niya ang kabiyak papuntang loob.
Nang mawala ang dalawa sa paningin nila, ay tumikhim si Shane. “Nagustuhan mo, Keith? Ang saya-saya mo, eh.” Pagngisi nito sa kanya.
Tumango siya at sinuklian ng malaking ngiti. “Mm.” Nilingon naman niya ang direksyon ni Jake upang pasalamatan ito. “Jake! Salamat sa bibe! Hehe.” Wika niya.
Napatigil si Jake sa ginagawa, at kinawayan siya. “Walang anuman. Dadagdagan pa na'tin 'yan! ” Masiglang tugon nito sa kanya.
“Keith,” Pagtawa ni Shane, na ikinalingon niya. “Halika dito. Usap tayo.” Pag anyaya nito habang tinatapik ang kahoy na upuan sa kanyang gilid.
Walang ano't sumunod si Keith, nakasunod rin ang mga munting alaga niya. Umupo siya sa pwesto na tinuro ni Shane. Sandaling napukaw ang atensyon niya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Mga nagtatayugang puno, magandang dalampasigan, at ibat-ibang uri ng ibon na nagsisi liparan sa asul na kalangitan.
“Keith, gusto ko sana itanong, kung okay lang.” Panimula ni Shane, na kaagad niyang binigyang pahintulot. “Maganda ba dito?” Hindi iyon ang nais niyang itanong, ngunit napag isipan niyang 'wag mang bigla.
Muling napatingin si Keith sa kagandahan ng tanawin. “Mm.” Tipid niyang tugon.
Huminga muna nang malalim si Shane, animoy nag iipon ng lakas loob. “G-gusto mo pa bang bumalik sa tahanan mo?” Sa wakas ay nai-wika na niya. Ayaw niyang putulin ang kasiyahan ni Keith, ngunit kinailangan niyang tanongin. “Gusto mo pa ba bumalik, Keith?”
Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Keith, at bigla niyang naisip. “H-hindi ko alam kung may babalikan pa ako, Shane, eh.” Tugon niya.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa kapaligiran hanggang sa maisip ni Keith na nakakaabala siya sa mga ito. Bigla na lamang siyang napayuko sa hiya, bumagsak rin ang kanyang balikat. “M-magtatrabaho ako, Shane. P-promise, bukas maghahanap ako ng trabaho.”
“Anong sinasabi mo, Keith? Bakit ka magtatrabaho?” Gulat na tanong ni Shane, at napansin ang biglaang pagbabago ng lagay nito.
“S-shane, wala akong p-pera. Si K-kuya lang humahawak ng pera—si Kuya——” Natataranta niyang paliwanag, na lalo pang ikinagulat ni Shane.
Pilit na ngumiti si Shane, at tumayo sa kaniyang kinauupuan, at tinapik tapik ang braso ni Keith. “Ok lang 'yon, Keith. Madami naman kami no'n. Di mo kailangan maghanap ng trabaho. Bakit ka naman namin hahanapan ng pera? ” Sinubukan nitong magbiro para bumalik ang saya nito, ngunit nabalot na ng hiya si Keith.
“S-shane, sorry...” Wika ni Keith, at nanatiling nakayuko.
“Oh, anong nangyayari dito? Umiiyak ka ba, Keith?” Pagkokonsulta ni Jake nang mapadaan siya't makitang nag uusap ang dalawa. “Babe, pinaiyak mo ba?”
Napakamot naman si Shane sa batok, at nahihiyang tumango. “Hehe, sorry na. Nagtanong lang naman ako——akala siguro ni Keith nakaka abala na siya. Gusto daw maghanap ng trabaho.”
Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Jake sa narinig. “Huh? Ano ka ba, Keith, sinama ka nga namin dito, kase masagana na dito. Di mo na kailangan magtrabaho. Kami na bahala diyan ni Kane. Atsaka, ang yaman kaya ng tatay non. ampon nga lang din ako non, eh.” Pabirong ani ni Jake, ngunit puno ng katotohanan. Inampon siya ng tatay ng mga Amoroso. Tinustusan at binigyang buhay.
“Isa pa, baka nakakalimutan mong walang tatanggap sa'yo, kung sakali mang maghahanap ka.” Dagdag pa nito, na kanyang ikinahiya.
Dumaan ang mga araw, at naging normal naman ang pamamalagi ni Keith. Nagsisimula na siyang masanay sa araw-araw na pag alis ni Kane at Jake. Sila lamang ni Shane at Hannah ang naiiwan sa malaking gusali.
Naging komportable na ang tatlo sa presensya ng bawat isa. Mabuting magkakaibigan na nga kung ilalarawan. Walang araw na hindi sila nag uusap, at kung minsan nga ay naglalaro pa na kala mo mga bata. Nagsisimula ito sa patok na mga biro ni Shane, nasusundan ng kalikutan ng buntis na si Hannah. Taga tawa lamang si Keith, at kung minsan ay nagbibigay biro din ito.
Maganda man ang pamamalagi niya dito, hindi niya ikakailang presko pa din sa isipan niya lahat ng nagawa nila, malisan lang ang dating piitan. Dumadagdag ito sa mga bagay na bumabagabag sa isipan niya.
Sa umaga ay gigisingin siya ng lamig, kaunting lungkot, at pangungulila. Hindi nga lang kasing lala katulad noong nasa piitan pa siya. Isang gabi ay naputol ang panaginip niya nang makaramdam siya ng kakulangan sa hangin. Pagmulat niya, ay nakaburo ang mukha niya sa matigas na dibdib ni Kane.
Nang tingalain niya ang mukha nito, nasamyo niya kaagad ang kakarampot na amoy ng tekila. Kumunot ang noo niya, at bahagyang napasimangot. Hindi niya maalala kung anong oras ito pumasok sa silid, marahil ay natutulog pa siya. Sinubukan niyang umalis sa pwesto niya, ngunit hindi siya nagtagumpay nang mapagtantong akap akap siya nito. Nakapalupot ang kanang braso nito sa kanyang baiwang, habang ang kaliwa naman ay unan unan niya.
Bukod roon ay nakapatong rin ang isang binti nito sa kanyang binti, habang ang kanya naman ay nasa gitna ng mga binti ni Kane. Sa sobrang lapit nila sa isa't isa, akala mo ay magpapalit na sila ng katawan. Bigla na lamang siyang nagulat nang may kumislot na bagay sa kanyang tuhod. Nang lingunin niya iyon, ay mabilis na nag init ang mga pisngi niya, kasabay ng pag akyat ng kiliti sa kanyang batok, pababa sa umiinit niyang sikmura.
Sinubukan niyang tanggalin ang tuhod, ngunit masyadong mabigat ang maskuladong binti na nakapatong roon. Bukod roon, ay ayaw niya itong magising. Patagal nang patagal ay unti unting umusbong ang kakaiba, ngunit pamilyar na init sa katawan niya. Hiyang hiya siya nang bigla na lamang nabuhay ang p*********i niya. Pabuhay pa lamang ang sakanya, naghuhuminding na ang nasa tuhod niya.
Dahil sa kakaibang sensyasyon ay nanginig ang katawan niya. Hindi inaasahang kumiskis ang tuhod niya sa naghuhuminding na laman na kanina niya pa iniiwasan. Halos maputulan siya ng hininga dahil lalo pa itong lumaki, at maya mayang kumikislot. Sandaling nakaramdam siya ng takot dahil gumalaw si Kane, ngunit mas lalo lamang siya nitong inilapit sa katawan niya.
Buong gabi niya iyong tiniis, at hindi man lang siya nakatulog. Bukod sa dahil buhay na din ang p*********i niya, parang tinatambol ang dibdib niya dahil sa kaba. Sinubukan na lamang niyang mag isip ng mga nakakatawang bagay, at pilit na pinakalma ang sarili. Gayon pa man, wala itong nagawa kundi hintayin na isilang muli ang araw.
Nang dumating ang umagahan, ay pilit na iniwasan ni Keith ang mapanuring mga mata ni Kane. Maya-maya itong tumitingin sa kanya, bakas sa kanyang mukha ang pagkalito dahil kapansin-pansin ang pag iwas niya. Bakas sa kanyang mukha ang pagkapuyat, sinamahan pa ng maya-mayang pamumula ng kanyang mga pisngi. Ikaw ba naman segu-segundong pagpapaalala sa kanya ng isipan 'yong nangyari kagabi.
“Sausage, Keith?” Nanlaki ang mga mata niya nang rumehistro sa mga tainga niya ang winika ni Shane. Halos mabitawan niya ang kubyertos at tinidor sa kanyang mga kamay.
Halos mapaluha siya sa hiya, lalo na nang makitang nakabaling sa kanya ang tingin ng mga ito. Hindi niya pa nalulunok ang pagkaing nasa bibig niya, kaya naman tumango na lamang siya, at yumuko.
“Heto. Kumain ka pa.” Ani ni Shana sa kanyang tabi, at maingat na nilagay ang isang pirasong sausage sa plato niya.
“May mga paro-paro na naman ba sa tiyan mo, Keith?” Pagsingit ni Jake, nasa tabi ni Shane, habang malokong nakangiti.
Mas lalo pang nag init ang mukha niya dahil sa banat nito. Noong nakaraan lamang ay nalaman niya mula kay Jake kung anong ibig sabihin ng mga paro-parong iyon. Bahagya siyang napahawak sa kanyang sikmura, at wala sa isip na napatango sa tanong nito.
Nakarinig na lamang siya ng paghagikhik ni Shane bago ito magsalita. “Sabi ko na nga ba, eh. Kaya naman pala parang ginayas na kamatis iyang mga pisngi mo. Anong dahilan? Pabulong naman!”
Kamuntik na siyang mabulunan, kaya naman nanatili siyang nakayuko. Hindi man lang niya nakita kung paano sumilay ang magandang ngiti ni Hannah, habang pinapanood siya. Tumingin ito sa kanyang kabiyak, walang nagbago sa ngiti niya, puno ng pag iintindi at tuwa. Nakikita nito kung paano naiilang si Kane sa upuan, na dati ay siya lamang ang dahilan.
Natigil ang sandaling katuwaan nang tumikhim ang lalaki. “Nasa harap kayo ng hapag. Bilisan niyo kumain, at may gagawin mamaya.” Saad ni Kane sa mababang boses, na mabilis na nagpatigil sa mga ito.
Bahagyang napasimangot si Keith dahil inaantok pa ang katawan niya. Nagpatuloy siya kumain nang paunti-unti, at nakinig na lamang sa kanila.
Kaagad na nabalot ng katahimikan ang hapag, at bumigat ang hangin. Isang kurap lang at naging seryoso ang mukha nila, kasama nang hindi siguradong atmospera. “Ngayong araw pala 'yon?” Nakakunot ang noo ni Shane nang magtanong.
“Nakahanda na ang mga damit na gagamitin. Ganon pa din ang gagawin.” Tipid na tugon ni Kane, at ibinaba ang kubyertos niya.
“Kane, p-pano si Keith?” Puno ng pag aalala ang boses ni Shane, naghahanap ng kasagutan ang mga mata niya. Napalingon naman si Keith nang marinig ang pangalan, walang ideya sa pinag uusapan nila.
Sa paglingon niyang iyon, ay aksidente niyang nasalubong ang maiitim na mga mata ni Kane. Hindi niya ito maiwasan, kahit pa gustuhin niya dahil parang mga lagusan iyon na hinahatak siya paloob. “Mananatili ka sa silid. Hindi pa nagagawa ang papeles mo. Baka maibenta ka pa.”
Halos bumaliktad ang sikmura ni Keith dahil sa narinig. Ang kaninang mga paro-paro sa tiyan niya ay napalitan ng pangangamba. Hindi niya alam kung anong eksaktong ibig sabihin non, ngunit pakiramdam niya ay para siyang isang hayop na maaring mabili.
Sa isang iglap ay napuno na naman ng takot ang kanyang mga mata, na bahagyang dumapo sa nag aalalang mukha ni Shane. “Hindi 'yan mangyayari. Sisiguraduhin ko.” Pinal na tugon ni Shane. Sumasalungat sa matapang niyang boses ang nararamdaman niya sa loob niya.
“Kabisado niyo na ang sistema. Wala tayong magagawa.” Komento pa ni Kane, na nagpadagdag ng kaba sa dibdib nila.
“Ang mga walang pagkakakilanlan, maaring maging hapunan.”
AUTHOR'S NOTE
HELLO, MGA DZAI! SHOW YOUR LOVE BY COMMENTING. PLEASE.?
VOTE | COMMENT | SHARE